#19

0 0 0
                                    

May lolo was an ex-military. 80 year old na siya but still as if 50 pa rin, siguro dahil na rin sa physically healthy ito sa uri ng trabaho niya.

“Finz,” he called my name.

“Hmmm?” I timidly replied.

“Kumusta si Ms. Velasco?” he asks out of nowhere.

“Iyong principal po namin? Ayon, magre-retired na, Lo. Bakit po? Paano mo siya nakilala?” I asked.

Kilala ko ang tinutukoy niya co’z I am a public school teacher kung saan Principal nga namin si Ms. Florentina Velasco. Nagulat lang ako since he never talk it out before, I thought hindi niya kakilala.

“Samahan mo ako, Finz, puntahan natin,” he said.

Napakunot noo ako saka napangiti na rin sa naisip ko. “Lolo, tanda-tanda mo na mambabae ka pa. Hindi mo iniisip si Lola?”

Sinapok niya ako bigla, “Sira! Bibisitahin ko lang. Bilisan mo, kakaldagan kita riyan!”

“Oo na, Lo? Galit agad?” Agad akong tumungo sa garage upang kunin ang motor ko.

Ilang minuto rin akong nag-drive para pumunta sa bahay ni Ms. Velasco. Nakarating nga kami roon saktong hapon na at palubog na ang araw.

“Doorbell ka,” utos ni Lolo.

Doon ko lang napansin ang suot ni Lolo, nakaporma ito. Binata ang peg ni lolo? Pinopormahan ba nito si Ms. Velasco?

Bumungad sa aming harapan si Ms. Velasco nang may nagtatakang mukha.

“Tata?” he called my Lolo’s nickname.

Napakunoot-noo ako. How’d she know?

Bigla siyang niyakap ni Ms. Velasco. Wait lang? Kabit ba siya ni Lolo?

“Tata, bakit ngayon ka lang dumating? Sandali?” Pumasok ulit sa loob si Ms. Velasco. Pagbalik nito dala niya ang isang maliit na kahon. “Magpapakasal na ba tayo?” Iniabot niya ang kahon kay lolo.

Napayuko si Lolo, kasabay noon ay ang paglandas ng mga luha ni Ms. Velasco. Tila alam niya kung bakit.

“Lo?” I asks perplexed.

“Lolo? Apo mo si Finz?” Tuluyang bumagsaka ang mga luha ni Ms. Velasco.

Tahimik lang si Lolo at hindi na alam ang sasabihin.

“I’m sorry, Florentina,” namutawi sa labi ni Lolo. “Nagkapamilya na ako nung ma-aasign ako sa Solo. Nangulila ako, hanggang sa makilala ko si —”

Isang malakas na sampal ang tumama kay Lolo. Hindi na halos maipinta ang mukha ni Ms. Velasco. Nakaawang ang labi nito pero walang boses na lumalabas. Kitang-kita ko ang paglandas ng luha sa kaniyang kulubot na pisngi. Tila gusto niyang sumigaw at magalit kay lolo. Nag-aapoy ang mga mata nito.

“Na-naghintay ako, Tolentino! Naghitay ako sa’yo. Wala akong sinagot na ibang lalaki kasi umaasa akong babalik ka, babalikan mo ako kasi mahal kita! Sumumpa ka sa akin, babalikan mo ako! Nagkapamilya ka pala sa iba, tapos ako? Ako?” Hindi niya na masambit ang mga kataga at impit na lamang na umiyak. Gusto niyang sumigaw subalit hindi na magawa dahil tila naubusan na siya ng hangin sa kakaiyak.

“I’m sorry.” 

“Umalis ka na rito! Layas! Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!” she shouted out of her lungs.

Tinapik ni Lolo ang balikat ko. Kaya pina-andar ko na agad ang motor.

Pagkatapos noon ay umalis kami sa bahay ni Ms. Velasco. May past pala ang dalawa. Haysst. Bakit ngayon lang kasi pumunta si lolo. Ano ba ang ginawa niya bakit hindi niya binalikan si Ms. Velasco noon?

Bigla na lang yumakap sa likod ko si lolo at sinubsob ang kaniya mukha sa balikat ko. Ramdam ko ang biglaang pagkabasa ng suot kong damit.

Umiiyak si Lolo....

FLASH FICTIONWhere stories live. Discover now