Chapter 6: Mall (Part 3)

Start from the beginning
                                    

"Patatas hyung.. Patatas tawag dyan."-sabi nung Camel sa kanya. Psh panira mode!-"At ikaw Miss.. wag mo kaming tanungin ng mga ganyan."-dugtong pa nya

Tinaasan ko ulit sya ng kilay.-"Masama bang magtanong?"

"Oo! Mukha ba kaming nagtatrabaho dito?!"

"Bakit hindi bah?"-sabay cross arm ko sa harap nya

"Ow.. ow.. ow! sa gwapo naming to? magtatrabaho kami dito? HEOL! at saka Miss para malaman mo kahit ilang patatas eh kaya kung bilhin! at ipalunok sayo! kaya ko nga ring bilhin tong buong mall at ibalibag sa pagmumukha mo! mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo. Hindi mo kilala kong sino ang kinakalaban mo.."-sabi pa nya at biglang sumeryoso ang mukha nya

"Wow! Gwapo! hoo! lakas ng hangin ah! wala kayong salamin sa bahay nyo no? baka gusto mo bilhan din kita? kaya kitang bilhan ng napakaraming salamin hanggang sa malunod ka para makita mo yang pagmumukha mo! saksakin kita gamit salamin jan eh! saka.. matatakot na ba ako sayo? para malaman mo hindi mo rin kilala kung sino ang kinakalaban mo.."-saka seryoso ko rin syang tiningnan..

"Aba.. aba.. aba!"

"Chen tama na nga yan."-saway nung gwapo sa kasama nyang camel saka tumingin sakin..-"Miss wag mo nalang syang pansinin. Pagpasensyahan mo na rin sya sa inasal nya. Saka hindi din talaga kasi kami nagtatrabaho dito. Kaya sa iba ka nalang magtanong"-pagkatapos ng sinabi nya ay awkward syang ngumiti.. hue hue.. enebe.. kenekeleg eke..

"Salamat sayo. Sige sa iba nalang ako magtatanong. Pasensya din sa inasal ko. Pero sa'yo lang ako magso-sorry.."-sagot ko naman sa kanya bago tumungin sa kasama nyang nakatira sa desyerto. -"Wala akong pakialam sa ibang tao jan!"

Inirapan naman ako nito. Tsk. Walang modo talaga

"Sige mauna na ko.."-sabi ko nalang ulit kay Mr. Dimple at nginitian din sya.. hue hue.. landi ko bah? gwapo sya eh haha! Tumalikod na ako at kumembot paalis sa kanila. Hindi ko na din pinansin yung Camel..


Lay's POV

"Chen okay ka lang?"-tanong ko sa kanya nung makaalis na yung babae.

"Wag na wag na syang magpapakita sa'kin kahit kailan!"

"Eh ikaw naman kasi eh. Ang mga babae hindi yan pinapatulan, tingnan mo tuloy nagkasagutan pa kayo."

"Aba nainsulto ako sa sinabi nya na nagtatrabaho daw tayo dito! naku! naku! hindi nya tayo kilala? himala ata yun? eh kahit saang school kilala tayo ah!"

"Hayaan mo na. Mamili nalang tayo ng mga gulay at prutas dito ng makauwi na tayo. Nagugutom na rin ako."-sabi ko sa kanya at tumango naman sya. Halata pa rin sa mukha nya ang inis. Delikado pala kapag ang "TROLL KING" mainis. Grabe sa awayan. Mukhang hindi ata sya magpapatalo dun sa babae kanina kung hindi ko sila inawat..

Ang ganda pa naman nya..

Hay naku. Kailangan na naming maka-alis dito at ng makabili na ako ng Memo---

Memo?

Memory?--ay mali mali

Memo Plus Ry?--ay hindi.. hindi.. Memory parin kinalabasan..

Memo Plus Gold?

Ayun!! Memo Plus Gold! hehehe. Nahulaan ko rin. Bibili naman talaga sana ako eh kaso lang palagi ko nalang nakakalimutan..

Ayan tapos na kaming mamili. Magbabayad na kami ni Chen sa counter.


Tao's POV

Kararating lang namin ni Kai sa van at si Luhan hyung pa lang ang nadatnan namin dito. Mukhang malalim ang iniisip nya.

"Hyung ikaw pa lang ang nandito?"-bungad ko sa kanya

"Malamang! sya lang ang nakikita mo dito eh.."-ai bastusan? masasapak ko tong si Kai eh..

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo hyung?"-muli kong baling kay hyung

"Pwede na bang languyin sa lalim?"

"Sige Kai isa pa.. iwu-wushu na talaga kitang Jongin ka"-banta ko sa kanya

Mabilis syang tumingin kay hyung..-"Bakit nga ba hyung? anong bang iniisip mo?"-matino nyang tanong. Ganyan nga matakot ka sakin

At ayun nga kinuwento nya ang nangyari sa NBS kanina.

"Uy! sexy ba hyung? eh yung kasama nya? maganda o sexy din ba? sino mas sexy sa kanila? nakuha mo ba ang mga number? mabuti ka pa may chicks na agad! eh kami nga ni Tao hyung wala man lang naispatan dun sa grocery kanina. Hahay.."-tuloy-tuloy na sabi ni Kai.

"Humanda talaga sya sa'kin kapag nagkita kaming muli. First time ko atang nasigawan at napahiya sa harap ng mga tao"-firm na sabi ni hyung.. 

"Hey wazzup!''-bati ni Chanyeol hyung saming tatlo. Kakarating lang nila ni Baek hyung.

"Oh hyung nalukot ata face moh? halika plantasahin natin.."-pang-aasar na naman ni Kai pero kay Baek hyung na ngayon

"Bat ganyan ang mukha mo?"-baling din ni Lulu hyung sa kanya

"Eh kasi naman may nakaaway syang babaeng cute kanina."-at sa sinabing iyon ni Yeolie hyung ay kumislap ang mga mata ni Kim Jongin

"Huwag ka munang maging reporter Kai. Wala ako sa mood magpa-interview"-walang ganang sabi ni Baek hyung. Ano din ba ang nangyari sa kanya?

"Nabili nyo ba lahat ng mga ipinabili ko?"-sabi ni D.O hyung na kakarating lang rin.

"Oo naman.."-sagot namin Kai.

Nag-thumbs up naman si Yeolie hyung sa kanya

"Oh? anong nangyari sa dalawang to?"-turo nya kay Lulu hyung at Baek hyung

"Mamaya ko nalang ikukwento pagdating natin sa bahay para kumpleto tayo.."-at pagkatapos ng sinabi ni Chanyeol hyung ay biglang lumitaw ang mahiwagang derp nya

Bumukas ang pintuan. Nandito na din si Lay hyung..-"Kami nalang ba ang hinihintay nyo? sorry kung mejo natagalan kami."-pumasok na rin sya kasunod si Chen hyung na hindi rin ata maipinta ang mukha

"Hyung? ano namang kwento ng mukha mo?"-tanong ko kay Chen hyung

"Hwag mong sabihing may nangyari din sayo?"-poker face na tanong D.O hyung

"Wow! mukhang interesting to ah! mamaya mo na rin sa bahay ikwento yan Chen hyung. Alam kung wala ka rin sa mood at ayokong magpakwento kay Lay hyung siguradong hanggang first part lang ng storya ang natatandaan nyan. Ayokong mabitin noh!"-ang kulit naman ng lahi ni Kai 

"Ikaw talaga Kai.. basta babae mahahalatang interesado ka talaga"-hindi pa rin nagbabago ang poker face sa mukha ni D.O hyung

Umayos si Lulu hyung ng upo nya..-"Umuwi na nga lang tayo.."

"Ako na magdadrive."-presenta ni Yeollie hyung at lumabas na papunta sa ng driver's seat.

Maya-maya ay pinaandar na nya ito at umuwi na nga kami..


COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now