CHAPTER FORTY

9 0 0
                                    

WARNING: VIOLENCE/TORTURE

LATRELL

ANONG oras na akong nakalabas ng aking opisina. Mabilis kong pinuntahan ang aking sasakyan habang dina-dial ang numero ni Myla.

Baka kasi magtampo siya kapag hindi ako nakahabol. Magdidilim narin ang kalangitan.

Ngunit nakapagtatakang hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Napakunot noo ako nang tatlong beses ko na siyang kinontak ay wala parin. Panay lang ang 'out of coverage area' ng operator.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungong Mall.

Hindi pa man ako nakakarating doon ay tumunog ang aking cellphone. Si Tito Tony ang tumatawag.

"Hello Ninong?"

"Latrell. Nasan si Myla? Tinatawagan ko siya pero hindi ko siya ma-contact."

"Di ko nga rin po ma-contact ninong. Pupuntahan ko siya ngayon."

"Latrell, makinig ka sakin. Puntahan mo kaagad si Myla. She's in danger."

Napakunot-noo naman ako. "B-Bakit po ninong?"

"Tumawag sakin ang kakilala kong abogado na humawak sa kaso ni Celine. Latrell, nakatakas sa kulungan ang pinsan ni Myla. Nung isang araw pa raw nangyari yon."

"What?" Gulat kong tanong. Agad akong kinabahan. "P-Pano siya nakatakas sa kulungan? Napakahigpit doon."

"Marami siyang kasabwat. Nalaman kong nagkaroon siya ng karelasyon sa loob. Bigla nalang daw may nagpasabog mula sa labas ng piitan at nawasak ang pader kung saan naglalagi ang pinsan ni Myla at ang mga kasamahan nito. Posible raw na may kasabwat sila mula sa labas."

Bigla akong napalunok. Binilisan ko na ang takbo ng aking sasakyan. "S-Sige ninong. Kailangan ko nang puntahan si Myla."

"Sige, mag-iingat kayo. Pinaghahanap narin ng mga awtoridad si Celine at ang iba pa niyang kasama."

Ibinaba ko ang tawag saka pinaharurot ang sasakyan patungo sa Mall.

Maya maya ay may tumawag muli sa aking telepono.

Nagtaka naman akong si Aling Koring ang tumatawag sa akin.

"Hello, Aling Koring?"

"Hello, Sir Latrell! Si Mam Myla!" Kumalabog ang dibdib ko nang narinig ko ang pag-iyak niya. Naihinto ko sa tabi ng kalsada ang aking sasakyan.

"A-Anong nangyari kay Myla?" Nag-aalalang tanong ko.

Humagulgol ng iyak si Aling Koring. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.

"Sir Latrell...D-Dinukot po si Mam Myla!!.."

"Ano!!" Gulat na sigaw ko. Ganon nalang ang takot na aking naramdaman.

"Sir Latrell...may mga taong dumukot kay Myla!!" Patuloy parin siya sa paghagulgol.

Bumigat ang pakiramdam ko. Di ko inaasahang mangyayari ito. Ngayon pang buntis ang asawa ko.

"Asan ka ngayon Aling Koring? Pupuntahan ko kayo."

"Nandito po sa paradahan ng kotse. Andito po ang kotse ni Mam Myla."

"Sige Aling Koring, hintayin niyo ho ako dyan, pupuntahan ko kayo."

Nang matapos ang aming pag-uusap ay agad kong pinaharurot ang aking sasakyan. Sobrang nag-aalala ako kay Myla at sa baby namin.

Love...

I hope you're fine..

God, please don't let them hurt.

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now