CHAPTER THIRTY-NINE

11 0 0
                                    

MYLA

"HI, BABY." Nagagalak na sambit ng aking asawa habang haplos ang malaki kong tiyan. Kadarating niya lang sa trabaho. "Andito na ang Daddy.." Hinalikan pa niya ang tiyan ko saka inilapat ang tenga rito. "Oy! He kicked!" Tuwang sabi ni Latrell at natawa naman ako sa kanya.

Naroon ako sa sala nang dumating siya. Iyon ang agad niyang ginawa pagkadating mula sa trabaho. Mararamdaman mo ang excitement at pagmamahal niya sa aming anak.

8 months ko na itong ipinagbubuntis kaya ganon nalang ang aming excitement dahil malapit na naming makakasama ang aming anak.

At siyempre, tumigil na muna ako sa pagtatrabaho. Hinayaan ko nalang munang ang manager ang mamahala sa shop ko at pati narin sa mga meeting naming mga stockholders ay hindi ako nakakapunta.

"Love.." Tawag ko sa kanya na nakayakap parin sa tiyan ko.

"Yes, love?" Umayos naman siya ng upo saka niyakap ako.

"Pwede mo ba akong samahan bukas? May kulang pa sa mga gamit ni baby. Gusto kong bumili sa Mall."

"Sure, okay lang ba after ng trabaho ko sa hapon love?"

"Sige, Love, hihintayin kita." Tumayo ako at hinila na siya. "Akyat na tayo, para makapagbihis kana."

Bigla namang tumayo si Latrell na may nakakalokong ngiti sa labi.

Kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Ba't ganyan ka kung makangiti?"

"Wala, tayo na.." Aniyang inakay na ako paakyat.

"Tsk, kung ano ano nanamang iniisip mo ha."

"Wala ah hehe."

Ilang saglit lang ay nakarating kami sa aming kwarto.

Umupo ako sa kama at pinanood siyang maghubad ng damit.

Siya naman ay nakatitig lang sa akin habang tinatanggal ang kurbata niya. Parang hirap na hirap siya roon kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ako na, love." sabi ko at hinayaan naman niya ako.

Matamis ang ngiti niyang tila namamasyal ang tingin sa kabuuan ng mukha ko.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa beywang ko.

"You're so beautiful." Malambing na usal niya at di ko naman napigilang mangiti.

"Noon ba hindi?" Natatawang biro ko.

He chuckled. Hinawi niya ang mga naligaw kong buhok sa mukha at inipit sa aking tenga. "Napakaganda mo noon, mas lalo kang gumanda ngayon." Walang halong biro sa tono niya. Matamis parin ang kanyang ngiti.

Natawa lang ako at sunod na tinanggal isa isa ang mga butones ng long sleeve niya. "Bakit naman? Eh buntis nga ako ngayon. Hindi na ako sexy dahil malaki na ang tiyan ko."

"Para sakin, mas lalo kang gumanda ngayon dahil dala dala mo ang magiging anak ko sayo." Malambing niyang turan at agad naman akong napangiti. "Kompleto na ang buhay ko ngayong dumating ka. At mas makokompleto iyon kapag lumabas na si baby."

"Ako rin, love.." Nakangiting sabi ko. "Lahat ng mahal ko sa buhay ay nawala noon. Kaya akala ko mag-isa kong haharapin ang mundo. Pero simula nang dumating ka, nagkaroon muli ng saysay ang buhay ko." Hinaplos ko ang tiyan ko. "Tapos dadating pa si baby. Naging kompleto muli ang buhay ko dahil sa inyong dalawa."

Ipinagdikit niya ang aming mga noo at nakangiting tumitig sa mata ko.

"Ang makilala ka, makasama at maging asawa ko ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. At ang baby naman natin ang pinakamagandang regalo mo sakin. Salamat Myla, salamat dahil tinupad mo ang pangarap ko, ang bumuo ng pamilya kasama ka." Madamdaming sabi niya.

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now