CHAPTER TWENTY-THREE

13 0 0
                                    

MYLA

"T-TAO?"

Halata sa mukha ni Latrell ang gulat nang makita ang kaibigan.

"Kumusta?" Lumapit samin si Tao tumapik lang sa balikat ni Latrell at dumiretso sakin saka ako inakbayan. "Let's go, babe.." Nakangiti niyang sabi. Gusto ko siyang batukan sa inasta niya. Niyaya na niya akong maglakad nang...

"Wait..."

Nilingon namin si Latrell. Papalit palit na ngayon ang tingin niya amin ni Tao. Nagtatanong, nagtataka at nalilito ang mga mata niya habang nakatingin samin.

"Tao, w-what's the meaning of this?" Naguguluhan niyang tanong. "B-Bakit magkasama kayo ni Myla?" Napatingin siya sa kamay ni Tao na nakaakbay sakin. "Tao, I think I deserve an explanation here.."

Buntong hininga lang ang naisagot ni Tao. Tumingin siya sakin na tila nagtatanong kung anong gagawin niya.

"Kailangan na naming umalis---."

"Mukhang alam ko na..." Putol sakin ni Latrell. Napatingin kami sa kanya. Tatango tango siyang mapait na ngumiti. "Apat na taon kang nawala katulad ni Myla. Nabalitaan ko nalang na lumipat ka daw sa isang public school. Ba't 'di ko kaya naisip yon?"

Napabuntong hininga muli si Tao. "Latrell.."

He smirked. "Hindi ko lubos maisip noon kung bakit ang maselan, pihikan, maarte at napakayaman kong kaibigan ay bigla nalang lumipat sa doon nang hindi ko alam. It's because of her right?"

"I never planned this, Latrell.." Sabi ni Tao.

Ngumisi si Maxlohr. "Really?" Mapaklang tanong niya. Tumiim bagang siya. "All those years, alam mong hinahanap ko si Myla. Pero nagpanggap kang walang alam. You didn't even bothered to tell me na nagkikita pala kayo. Anong klase kang kaibigan?"

"Nakiusap si Myla na huwag ipaalam sayo.."

"Ang sabihin mo, ti-nake advantage mo 'yon para makuha mo ang gusto mo!" Galit na sigaw ni Latrell. Humigpit ang pagkakahawak ni Tao sa balikat ko. Nang lingunin ko siya ay masama na ang tingin niya kay Latrell. Kumalas sakin si Tao at hinarap siya.

"What did you say?"

"Why?" Nanunuyang tanong ni Latrell. "Totoo naman 'di ba?"

"E gago ka pala e!" Naging mabilis ang pangyayari. Agad na sinuntok ni Tao si Latrell na ikinatumba nito.

Mabilis namang nakatayo si Latrell at sumugod kay Tao. "Ikaw ang gago!" Sinuntok niya rin si Tao na ikinatumba rin nito. Muli siyang sinugod ni Latrell at dinakma para suntukin muli pero agad ko silang nilapitan at inawat.

"Tama na! Tumigil na kayo!" Sigaw ko habang pilit inilalayo si Latrell kay Tao. Pero hindi ko kaya ang bigat ni Latrell. "Ano ba Latrell, tumigil ka na!" Sigaw ko sa kanya pero mukhang wala siyang balak papigil kaya nang akma niyang susuntukin muli si Tao ay sinangga ko na agad iyon ng kamay ko at galit na tumingin sa kanya. "Subukan mong saktan ang taong mahalaga sa akin, hinding hindi kita mapapatawad!"

Nakita kong natigilan siya. Lumuwag ang pagkakakapit niya sa damit ni Tao. Madilim ang mukha niya nang tumayo.

Hindi ko siya pinansin at bumaling kay Tao. "Are you alright?" Napabuntong hininga nalang ako nang hindi siya sumagot at masama lang tingin kay Latrell. Tinulungan ko siyang tumayo.

Narinig ko ang pagtawa ng mapakla ni Latrell. "Siya na pala ang mahalaga sayo ngayon?" Napatingin ako sa kanya. Mapait siyang ngumiti. "Samantalang noon, para sayo, ako ang pinakamahalagang tao sa buhay mo.."

"Not until you hurt her.."

"Shut up! Wag kang mangialam dito!" Galit na asik ni Latrell kay Tao.

"May karapatan ako, dahil ako ang boyfriend niya!" Galit ding tugon ni Tao na ikina-igting ng panga ni Latrell. "Ako lang naman ang taong sumagip sa kanya noong gabing binaliwala mo siya!"

WHY CAN'T WE BE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon