CHAPTER SIX

7 0 0
                                    

MYLA

NAGTATAKA ako kung bakit hindi parin kumukuha ng juice si Latrell. Kanina pa siyang nakatitig lang sakin. Bahagya pang nakaawang ang labi niya. Nangangalay na tuloy ako.

Sa ilang segundong pagtitig ko sa kanya ay napagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya.

Maganda at nagniningning ang kanyang kulay brown na mata. Dagdag pa ang makapal na kilay nito na sa tingin ko ay pinaka-angat sa mukha niya. Ang matangos niyang ilong na animo'y hindi mo makikitaan ng kapintasan dahil sa perpektong hugis nito.

Mas perpektong perpekto naman ang kanyang labi dahil sa hugis at kulay nito. Manipis at natural ang pagkakahalo ng pula ibabang bahagi niyon.

Ang kaputian naman niya ang mas lalong nagpapadagdag ng kagwapuhan niya.

Ang lakas ng dating niya sa basa at magulo niyang buhok. Tumutulo pa ang tubig sa mga dulo niyon.

Bumaba ang tingin ko sa basang katawan niya. Maganda ang hulma ng katawan niya, lean pero batak ang mga abs.

Lihim kong sinaway ang sarili ko. Bakit ko ba pinagpapantasyahan ang katawan niya?

"Akala ko ba gusto mo ng juice?"

Tila nagising siya sa pagkakatulala. Napakurap siya. "H-Huh?"

"Di ka pa kasi kumukuha ng juice." sabi ko. Gusto kong matawa sa itsura niya.

"Ah, sorry..." Kinuha na niya ang isang juice sa tray na hawak ko. "Thank you." aniyang nakangiti.

"May kailangan ka pa?" tanong ko.

"Ah wala na thanks."

Tumango ako at iniwan na siya.

"Ah.. Myl---."

"Trell!"

Akma na sana akong haharap sa kanya nang tawagin siya ni Celine mula sa likuran niya kaya nagkunwari akong di narinig ang tawag niya at nagpatuloy na lang sa pag lalakad.

Natigilan ako sa paglalakad nang biglang may humarang sakin. Mga kaibigan ni Celine.

Naka-cross arm na lumapit sakin ang isa sa kanila. "I was wondering kung ano kaya ang suot mo kapag nandito ka sa bahay nina Celine. And now, ang masasabi ko lang ay...bagay na bagay sayo ang uniform na yan. Mas lalo kang nagmukhang basura!" nagtawanan silang lahat habang dinuduro ako. Ako naman ay napabuntong hininga nalang.

"She looks so cheap…" sabat naman ng isa.

"Not just cheap, she's a rug." dagdag ng isa dahilan para matawa pati ang mga taong malapit doon.

"Gusto niyo ba ng juice?" Walang emosyong tanong ko. Natigilan naman sila sa pagtawa.

"What?" Salubong na kilay na sabi ng babae.

"Kung gusto niyo kako ng juice?" Ulit ko. Blangko parin ang ekspresyon.

Natawa siya. "Hindi." Mataray niyang sagot.

"Yun naman pala eh, kung pwede tumabi kayo sa dinadaanan ko dahil nakaka-abala kayo sa trabaho ko." Seryosong sabi ko saka akmang lalampasan sila nang hawakan bigla ako nung isa.

"At ang tapang mo na ngayon ha...pwes ito ang nababagay sayo!" tinulak niya ako sa pool na ikinatili ko. Tumilapon ako sa tubig at nabitawan ko ang hawak kong tray.

Para akong nabingi sa tindi ng pagbagsak ko sa tubig. Napasinghap ako pagkalitaw ko.

Rinig ko parin ang malakas na tawanan ng mga nakasaksi doon. Ilang segundo akong nanatili sa tubig dahil sa kahihiyan.

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now