CHAPTER THIRTY-EIGHT

15 0 0
                                    

MYLA

KAKAUWI ko lang galing trabaho. Dala ko ang kotse ko at magkaiba ang ruta namin ni Latrell kaya hindi niya rin ako nahatid pauwi.

Bukod sa pagiging stock holder ay isa rin akong coffee shop owner. May manager doon kaya minsan lang ako bumibisita, yun ay kung may mga kailangan akong asikasuhin.

Naghihiwa ako ng mga sahog para sa aking hapunan nang mag-text si Latrell.

From: -Mahal ko-

'I'm on my way there..'

To: -Mahal ko-

'Dito ka ba mag-didinner?'

From: -Mahal ko-

'Yeah, dami damihan mo na din..'

To: -Mahal ko-

'Ha? Why? Gutom na gutom ka ba?'

From: -Mahal ko-

'Sort of..malalaman mo rin mamaya..'

Napakunot noo nalang ako sa text niya.

Gaya ng sinabi niya, niramihan ko ang luto ko. Naisip kong baka hindi siya nakapag-lunch kanina kaya gutom na gutom siya.

Pero hindi pa man naluluto nang tuluyan ang niluluto ko ay narinig ko na ang pag-door bell niya.

Pinahinaan ko muna ang stove ko bago lumabas at pinagbuksan siya.

Pero ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makitang hindi siya nag-iisa.

"Love.." Kamot kamot ni Latrell ang ulo nang lumapit sakin saka humalik sa pisngi. "Kailangan ka daw nilang makausap."

Kinabahan naman ako bigla.

"Magandang hapon sayo, Myla.." Nakangiting bungad ni Tito Laurenz.

"M-Magandang hapon din po sa inyo.."

"Maaari mo ba kaming patuluyin?" Nakangiting sabi ni Tita Lory.

Agad ko namang nilakihan ang bukas ng gate at tumabi para sila'y makapasok.

"Tuloy po kayo."

"Salamat Hija." Agad akong niyakap ni Lola Helena.

Binati naman ako ni Chairman Alvarez.

Nang makapasok ay nagpaalam muna saglit ako at hinila si Latrell papasok sa kusina.

"Bakit di mo naman sinabing kasama mo buong pamilya mo?" Agad kong tanong sa kanya.

"Para masorpresa ka." Nakangising sabi niya at agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Hindi lang ako nasorpresa, kinabahan at natakot ako. Buong pamilya mo nandito."

"Don't worry, love. Gusto ka lang nilang makausap."

"Pero sana sinabi mo, di sana hindi lang ito ang niluto ko."

Niyakap niya lang ako. "Hindi na kailangan, siguradong magugustuhan nila yang niluto mo. Ikaw pa, sa galing mong magluto."

Napanguso lang ako at kumalas sa kanya para asikasuhin ang niluto ko.

ILANG saglit lang ay naluto na ang pagkain kaya sinamahan na ako ni Latrell palabas ng kusina at lumapit kami sa pamilya niyang nakaupo sa sala.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Narito kami para mamanhikan." Nagulat ako sa sinabi ng Daddy ni Latrell.

"Ho?" Tanong ko saka nilingon si Latrell. Matamis ang ngiti niya.

"Nasa tamang edad na kayo at may kanya kanya na kayong trabaho. Siguro naman ay maaari na kayong lumagay sa tahimik." Segunda naman ng kanyang Lolo Larry. "Saka nag-iisa ka lang, hija kaya naman heto kami at pormal na hihingin ang kamay mo.

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now