CHAPTER EIGHT

10 0 0
                                    

MYLA

KINABUKASAN pumunta muli ako sa malaking puno pagkatapos kong kumain. Hindi ko maintindihan pero para akong naeexcite ngayon na pumunta sa tagpuang iyon.

Tagpuan???

Ano bang sinasabi ko?

Nang makarating ako roon ay wala pa siya. Naupo nalang muna ako doon at...naghintay? Oo naghintay ako at hindi ko alam kung bakit ko siya hinihintay. Dahil siguro sa nasanay na ako na naandon siya, nasanay ako sa presensya niya.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko iyon nararamdaman.

Ilang minuto pa akong naghintay doon. Pero nagtataka ako dahil ito ang unang beses na matagal siyang wala pa roon.

Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit natagalan siya sa pagpunta?

Kaya naghintay muli ako ng ilang minuto.

Pero natapos iyon na wala paring lumilitaw na Latrell. Pumunta ako sa likuran ng puno para tingnan kung naandon siya pero wala talaga siya roon.

Nagpalinga linga pa ako sa likuran ko, sa kanan, sa kaliwa. Pero hindi ko talaga siya makita.

Ilang beses akong napabuga ng hangin. Nakaramdam ako ng panghihinayang.

Lihim kong pinapagalitan ang sarili ko dahil sa pag-iisip sa kanya.

Hindi ba ako rin naman ang ayaw siyang makasama noon? Tuloy ngayon ay tila nagbago ang lahat para sakin.

Nagpasya nalang akong umupo. At hinintay ko nalang uli siya. Humiga nalang ako at ipinikit ang mga mata.

Pinakiramdaman ko ang paligid at nagbabaka-sakaling dumating siya.

Pero naubos na ang oras nang walang dumating na Latrell. Napabuntong hininga ako at nagpasyang umalis. Bagsak ang balikat kong bumalik sa classroom.

LUMIPAS ang mga oras at namalayan ko na lang na tapos na ang klase.

At sa mga oras na iyon tila walang nakuhang leksyon ang utak ko sapagkat ang laman lamang niyon ay si Latrell.

Ang katanungang nasaan siya? Bakit hindi siya sumipot? May nangyari kaya sa kanya?

Bigla kong naalalang birthday niya nga pala mamayang gabi.

Naisip kong baka naghahanda siya para sa party niya.

Normal sakin ang seryoso at malungkot dahil wala naman akong dahilan para tumawa o ngumiti man lang. Pero ang lungkot na iyon ay hindi dahil sa mga pinagdaanan ko, kundi dahil hindi ko nakita sa araw na iyon si Latrell.

Nang mag-uwian ay dumeretso na ako sa El Resto', gaya ng kinaugalian ko. Agad akong nagsimulang magtrabaho.

Pero parang may kulang sa sandaling iyon. Para akong walang ganang kumilos. Naging pilit ang lahat sa akin. Pinipilit kong maging masigla sa harap ng mga customer at ayaw kong mapansin nilang malamya ang kilos ko.

Ang totoo niyan, nung unang sabak ko sa trabaho, ganoon ang kilos ko. Malamya, parang walang sigla at parating seryoso. Pero dahil naabisuhan ako ni Mam Sonia na kailangan kong ipakita sa mga customer na masigla ako at laging nakangiti sa trabaho.

Kaya kapag narito ako sa trabaho, palaging kailangan kong ngumiti.

Pero kakaiba ang gabing iyon. Walang kinalaman sa problema ko sa buhay ko ang pagiging lutang ko. Iyon ay dahil kay Latrell.

Napabuntong hininga akong ipinagpatuloy ang trabaho.

Mali yatang hinayaan kong magkasama kami palagi. Dahil baka pagsisihan ko ang lahat nang iyon sa huli.

WHY CAN'T WE BE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon