CHAPTER TWENTY-FIVE

9 0 0
                                    

MYLA

"MAY PROBLEMA BA?" Tanong ni Tao nang makalabas kami.

Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Latrell ay nagpasya akong magpaalam sa mga Alvarez.

Pakiramdam ko ay hindi ko matagalan ang makasama siya sa hapag lalo na't katabi ko siya.

Umiling ako at nagpatiunang pumasok sa kanyang sasakyan. Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya bago pumasok narin.

Nakatingin lang ako sa mga nilalaro kong daliri habang siya naman ay in-start ang sasakyan.

Napatingin siya sakin saka muling napabuntong hininga. "Nakita kong sinundan ka niya kanina..."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nasa harap ang tingin niya at mukhang seryoso.

"Gusto niya ba kayong magkabalikan?"

Matagal bago ako nakasagot. "A-Alam mong malabong mangyari yon.."

"Dahil ba sa ikakasal na siya?"

Napabuntong hininga lang ako sa tanong niya.

"Pano kung ipaglaban ka niya?"

Natigilan muli ako at napatingin sa kanya. "Pano kung umurong siya sa kasal para sayo?"

"H-Hindi mangyayari 'yon, ini-expect ng buong pamilya niya ang kasal nila."

Huminga siya ng malalim. "M-Mahal mo pa ba siya?"

Muli akong natigilan. Nakaramdam ako ng kakaiba sa kilos niya ngayon.

"Tao, Bakit ba natin siya pinag-uusapan?"

Lumingon siya sakin at mataman akong tinitigan.

"Dahil gusto kong tapusin mo na kung ano mang namamagitan sa inyo..."

Napakunot noo nalang ako sa pagkagulat sa kanya. Kakaiba talaga siya ngayon.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Napatingin nalang ako sa kamay kong hinawakan niya. "T-Tao..."

"Pwede bang ako naman?"

Bahagya kong nahinto ang paghinga ko sa sinabi niya.

"Pwede bang ako naman ang mahalin mo?"

"T-Tao, A-Ano bang sinasabi mo?.." Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya 'yon.

"Matagal na kitang gusto, Myla..." Nakangiting aniya. "Higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo.."

"Tao..." Nag-aalangang usal ko.

"Gamitin mo ko para makalimutan mo siya. I'll do everything para higitan siya dyan sa puso mo. I love you, Myla.."

Nanigas na lang ang katawan ko nang lumapit siya sakin, hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako. Ni hindi ako makagalaw sa pagkabigla. Saglit lang ang halik na iyon. Hindi parin ako nakabawi dahil sa shock.

"I-I'm sorry..."

Doon lang ako nahimasmasan. Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin. "U-Umalis na tayo.."

Ilang segundo muna siyang napatitig sakin saka nagpasyang paandarin ang kanyang sasakyan.

Wala kaming imik sa buong biyahe. Tila nakikiramdam siya sakin. Ako naman ay hindi alam kung anong gagawin. Hindi ko kailanman napaghandaan ang lahat ng ito dahil hindi ko rin naman akalain na darating ang araw na magtatapat siya.

Maya maya ay nakarating kami sa tapat ng aking bahay. Hindi ko na hinayaang pagbuksan niya pa ako. Agad kong binuksan ang pinto.

"Myla..." Tawag niya sakin nang akma akong lalabas. "I can wait..."

WHY CAN'T WE BE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon