CHAPTER EIGHTEEN

14 0 0
                                    

MYLA

NAGTATAKA ako kinabukasan nang mapansin kong sakin lahat nakatingin ang mga tao roon sa hallway nang maglakad ako papunta sa room.

"Well well..." Biglang humarang sa harap ko ang tatlong mga babae. Nakahalukipkip sila habang pinapasadahan ako ng tingin. "Ano kayang pinakain mo kay Latrell kaya siya nakipagkaibigan sayo?"

"Balita sa buong campus na close friend daw kayo ni Latrell. Hindi kami naniniwala do'n kaya tatanungin ka namin. Totoo ba yung sinasabi nila?" Tanong ng isa na hindi ko naman sinagot.

"Hey! We're asking you, bitch!" Anang isang nasa gilid na inirapan ko lang.

"Wala akong oras para makipag-usap sa inyo.." Sabi ko saka akmang lalampasan sila pero hinila nila muli ako paharap sa kanila.

"Bastos ka talagang kausap ano!" Galit na sabi ng nasa gitna.

"Pwede bang tigilan niyo na ako. Kapag hindi ako nakapagtimpi, papatulan ko na kayo!" Inis na sabi ko at  natawa naman sila.

"Ang tapang mo kasi andyan si Latrell para iligtas ka. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Dahil sayo napapahamak si Latrell."

Hindi ako nakasagot. Dahil totoo namang dahil sakin ay napahamak si Latrell. Napatungo na lang ako.

"Natameme ka bigla." Muli silang nagtawanan. "Kasi totoo 'di ba? Isa kana ngang trapo, pabigat ka pa kay Latrell."

"Akala mo naman magugustuhan ka ni Latrell. Hindi iyon papatol sa tulad mong basahan." Sabi ng nasa gitna sabay tulak sakin kaya napaatras ako. Nakagat ko lang ang labi ko para pigilan ang galit ko.

"Tama, akala mo chance mo nang yumaman 'pag kayo ang nagkatuluyan. Wake up, bitch." Anang nasa kaliwa sabay tulak din sakin.

"Gold digger!" Anang isang nasa kanan at tinulak din ako.

"What the hell are you doing!" Napalingon kami sa likuran ng mga babaeng bully. Ang madilim at nanlilisik na mga mata ni Latrell ang bumungad samin.

"S-Si L-Latrell..." Nanginginig na sambit ng nasa gitna.

Bigla silang lumayo sakin nang lumapit si Latrell. Naroon ang takot nila sa presensya ng lalaki.

Galit na galit niyang hinarap ang mga ito. "All of you! Go to the Dean's office now!" Sigaw niya.

"P-Pero Latrell..."

"Ayaw niyo? Gusto niyong kaladkarin ko pa kayo ro'n?! In 30 seconds kailangang nasa Dean's office na kayo! Get the fuck out of my face now!"

Nagmadali naman ang tatlo sa pagtakbo papunta sa office.

"Are you okay!" Nag-aalalang tanong ni Latrell. "Sinaktan ka ba nila?" Hinawakan niya ako sa balikat at hinanap kong may mga galos at pasa ako.

Nakangiti akong umiling sa kanya. "H-Hindi. Ayos lang ako. Anong gagawin mo do'n sa dalawa?"

"Ang parusahan syempre.."

"Wag, Latrell. Hindi mo na kailangang gawin yon."

"Tch. Gagawin ko yon para sayo."

"Pero lalo lang lalala ang galit nila sakin."

"Hindi mangyayari yo'n. Madadala sila at ang iba pang bully na galawin ka kapag nalaman nila ang ginawa ko sa tatlong 'yon."

Napabuntong hininga nalang ako. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Actually, susunduin sana kita. Pinapatawag na tayo ni Dean."

"Ha? Bakit daw?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know. Maybe they knew who was the person behind my accident."

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now