CHAPTER TWENTY-THREE

Comenzar desde el principio
                                        

Natigilan naman si Latrell at napabuntong hininga. "H-Hindi ko siya binaliwala. Ang dali niyong manghusga, wala naman kayong alam sa nangyari." Tumingin siya sakin. "Kailanman ay hindi ko ginustong saktan ka, Myla." Pinangiliran siya ng luha. "Kung talagang mahal mo 'ko, dapat nagtiwala ka sakin noong panahon na iyon, Myla.." Napalunok nalang ako nang makaramdam ng awa sa kanya. Ikinuyom ko ang kamay ko para kontrolin ang sarili kong maapektuhan sa kanya. "Sana pinakinggan mo man lang muna ang paliwanag ko bago ka umalis at sumama sa iba.."

Nakagat ko nalang ang labi ko at napayuko nang marinig ang hinanakit na iyon sa boses niya. Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap.

"H-Huli na ang lahat para dyan, Latrell.." Lakas loob na sabi ko. "Tinatapos ko na kung ano man ang naging ugnayan natin noon. At sa tingin ko ay wala narin tayong dahilan para magkita muli at mag-usap."

Tinalikuran ko siya at naglakad pero agad siyang humabol at hinawakan ang braso ko.

"Myla..."

"Tigilan mo na ako, Latrell please."

"Myla, pakinggan mo mun---."

"Trell!"

Napatingin kaming lahat sa dumating.

Si Celine. Lumapit siya samin at nag-aalalang bumaling kay Latrell.

"Babe, what happened to you?" Galit siyang tumingin samin ni Tao. "Sinong may gawa nito sa kanya?"

"Me.." Matapang na sagot ni Tao.

"You freak!"

"Whoa! For your information, siya ang nauna."

Sinamaan lang siya ng tingin ni Celine at muling bumaling kay Latrell.

"Are you okay?" Malambing na turan niya rito kasunod ng paghaplos niya sa mukha ni Latrell. Umigting ang panga ko sa nakita. Pero natigilan nalang ako nang iangat ni Latrell ang kamay niya para alisin ang kamay ni Celine. Doon ko napansin ang magkapareho nilang singsing.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Nilakasan ko ang loob ko at nakataas ang kilay na tumingin sa kanila.

"So tama nga ang balita. You're engaged..."

Natigilan naman si Latrell saka lihim na itinago ang kamay niyang may suot na singsing. Habang si Celine ay mataray lang at taas noo akong tinapunan ng tingin.

"Yeah, we're getting married." Matunog siyang ngumiti ng peke. "At malapit nang mangyari 'yon.."

"Edi, congrats.." Peke rin akong ngumiti.

"Thank you---"

"Congrats dahil sa wakas nakuha mo rin ang gusto mo.."

Nawala ang ngiti sa labi niya. Sumama ang mukha niya. "W-What are you trying to say?"

I just smirked. "Hindi ba't matagal mo na siyang gustong makuha?" pansin ko ang pagtiim bagang niya. "Ngayon, nakamit mo na ang matagal mo nang inaasam...sa madumi nga lang na paraan.."

"How dare you!" Agad kong sinalag ang kamay niya at sinampal ko siya gamit rin   ang kamay niya.

"How dare you..." Mariing ulit ko sa sinabi niya at marahas na binitawan ang kamay niya.

Nanlilisik ang mata niyang tumingin sakin habang sapo ang pisngi.

Akma niya akong susugurin nang agad siyang pigilan ni Latrell.

"Enough!"

Hindi siya nilingon ni Celine.

"Bumalik ka ba para bawiin sakin si Trell?!"

WHY CAN'T WE BE?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora