Wait…why am I overreacting?

I’m just a fan.

Kung malayo man ako sa kanya. Normal lang naman ‘yon diba kasi humahanga lang naman ako.

“Kumusta po kayo!” Nakangiti niyang sigaw at halos lahat ng tao dito ay sumasabay sa kanta niya.

I can see that she's happy with all of these people singing her song.

“One more! One more!”

We can't get enough of her.

Kahit araw-araw ko siguro pakinggan ang boses niya hindi ako magsasawa.

Nawala na ang sigla ko nang hindi ko na kilala ang sumunod kay Crescent. Napapatingin nalang ako kayna Loraine dahil mukhang kilala nila ang artista.

“Ang gwapo niya!” sabi ni Trecia kay Cristy. Ako nalang siguro dito ang wala ng ganap.

I suddenly felt out of place again.

Pero kailangan ko silang hintayin kahit hindi na nila ako halos napapansin. Sila nalang ang nag-uusap at nasa likuran lang nila ako.

Naramdaman ko nag paglakas ng tibok ng puso ko dahil…kinabahan ako bigla. Ang daming tao yet I still feel alone.

I feel like a ghost again.

Napaigtad ako sa gulat nang may biglang humawak na malamig na kamay sa braso ko.

“Shh it's me.”

Someone whispered.

“How's my performance?”

My eyes widened when I realized…it's her voice! Agad akong humarap sa kanya.

“Shhh…” She quickly placed her index finger to her lips telling me to keep quiet.

She's wearing a cap and also a jacket with a hoodie.

Totoo ba siya?

Inabot niya bigla ang kamay ko at dahan-dahang hinila palapit sa kanya.

“Are you still enjoying it here?” tanong niya malapit sa tenga ko. Nakiliti pa ako.

Napalibot naman ang tingin ko sa paligid. Lahat ng atensyon ay nasa stage. Nag-enjoy naman ako nong siya yong nasa stage. Ngayon kasi…hindi ko na kilala ang kumakanta.

“Tara?”

Kumunot ang noo. Saan naman?

Nagsuot siya bigla ng mask at sinuotan rin niya ako ng mask.

“Let's eat, gutom ako.” She whispered again and gently pulled me to run away with her.

Natutulala lang ako sa kanya habang tumatakbo kami dahil hindi ako makapaniwalang siya ang kasama ko ngayon.

“Here,” sabi niya at inabutan ako ng helmet. We're going to ride her big motor again.

Sinuot ko agad ang helmet at sumakay sa likuran niya.

Hindi naman ako nanaginip ng gising diba?

“Wait!” sigaw ko nang paandarin niya ang motor.

“Oh?!”

“You're not wearing a helmet,” sabi ko.

“Ayos lang,” sagot niya. “Isa lang dala ko eh.”

Hindi na ako nakapagsalita nang patakbuhin na niya ang motor. Napayakap nalang agad ako sa kanya

We stopped in a small store.

“Masarap raw lomi nila dito,” sabi niya. “Ah…Rora? you can let go of me now.”

“Oh…sorry,” sabi ko nang mapagtanto kong nakayakap pa rin ako ng mahigpit sa kanya. Bumaba ako at hinintay lang siyang makapagpark ng maayos.

“Tara,” sabi niya at tinanggal ang helmet ko tapos inayos pa niya ang buhok ko na ikinatigil ko sandali.

“I’ll order. Ikaw?” tanong niya.

Agad rin kaming nakahanap kung saan magandamg pumwesto. Dahil walang tao. Pumwesto kami malapit sa bintana.

“They have pancit canton, siopao, pares…hmm?”

Ano ba? Hindi naman kasi ako gutom.

“Siopao?” patanong kong sagot.

Ngumiti siya bigla pagkatapos niyang tanggalin ang mask niya.

“Alam mo ba tuwing nakikita kita? nakikita ko siopao,” sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

So mukha akong siopao?

“Ang cute,” sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Then she also removed my mask.

“Order muna ako ah,” sabi niya at tumango lang ako.

Pagkatalikod niya ay hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Kung pwede ngang tumili ngayon pero ayoko namang pahiyain ang sarili ko.

My heart needs to calm down.

“Alright,” sabi niya nang makabalik siya at hinubad na niya ang jacket niya.

“Pogi ba ako?” tanong niya bigla nang umupo siya sa harapan ko.

Hindi ko napigilang tumawa ng mahina.

“Bakit?”

Umiling lang ako.

“Ah nakakatawa ako, hindi pogi?”

Umiling ako at pinipigilan ang tawa ko. Ewan ba basta masaya lang ako. Tapos isa pa ang cute rin niya.

“Siopao lang ba talaga gusto mo?”

Tumango ako.

“Okay po,” sabi niya.

My delulu self kept whispering to me na date ‘to.

“Sorry nga pala ah, inagaw kita sa mga kaibigan mo,” sabi niya.

“Okay lang,” sagot ko. Really okay lang naman sila.

“Baka ayaw mo ako kasama,” sabi niya bigla na parang bata.

Umiling ako.

Gusto ko…Mas gusto ko siyang kasama.

Teka…paano niya naman ako nahanap sa damo ng tao don.

“Bakit?” tanong niya bigla.

“Paano mo ako nahanap?” tanong ko.

“Magic,” sagot niya.

Ngumuso ako at tumawa lang siya.


fb: Lisnaej / Lis Naej

The Silent Canvas (GL)Onde histórias criam vida. Descubra agora