Veinte

42 2 1
                                    

Babalik

Nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain. Nang imulat ang aking mata ay si Gabriel agad ang tumambad sa akin na may dalang tray.

He smiled. "Good morning, babe!" He greeted.

Nang lingunin ko ang orasan ay alas diyes na ng umaga. Tanghali na ako nagising kumpara sa gising ko na alas sais noong nasa Daviatan pa ako kasama si Nanay Estel.

Namiss ko tuloy bigla si Nanay.

Anyway, tanghali na ako gumising dahil naging masarap ang tulog ko. Para akong hinehele sa lambot ng kama at lamig.

Ang katabi ko naman ay parang linta na nakayapos sa akin buong gabi. Ultimo pagbaling ko sa kabilang side ay lilipat din para lang magkaharap kami.

"M-morning..." Bati ko pabalik.

Kipkip ko ang puti kumot dahil night gown lang ang suot ko. Inilapag n'ya sa kama ang food tray at tumabi sa akin. "Let's eat here, alam kong hindi mo kaya maglakad."

Namula naman ako sa sinabi niya.

Sabagay totoo naman.

May kinuha s'ya sa gilid ng kama pagkatapos ay bumalik muli. Nagulat pa ako nang pumunta s'ya sa likuran ko.

Inipon niya ang buhok at intinali gamit ang clam. Magaan lang ang kamay niya at talagang nag-iingat.

Juice colored! Boyfriend ko ba talaga 'to?

Ang swerte ko naman kung ganon.

"Masarap?" Tanong niya pagkasubo sa akin ng strawberry waffles.

Tumango ako.

"That is your favorite breakfast." Napa 'oh' naman ako sa sinabi n'ya.

"And, this is your favorite milk." Napatakip ako sa aking bibig nang maamoy ang gatas na nilapit n'ya sa akin.

"A-ang baho, Gab." Wika ko. "N-nasusuka ako..."

Kumunot ang noo niya pero agad din akong binuhat papunta sa bathroom. Dinala n'ya ako sa sink at inupo sa high chair doon.

I looked at him. "A-alis ka muna..." Takip ko ang aking bibig.

Nagtungo s'ya sa likod ko. "No, that's alright. Don't mind me, sumuka ka na baby." Hinagod niya ang likod ko.

Kahit alanganin ay ilang segundo lang din ay nararamdaman ko na ang pagtaas ng kung ano mula sa aking tiyan hanggang masuka na ako.

Naiyak ako dahil masakit sa lalamunan. Ewan ko pero dalawang linggo na pagkakamulat ko sa bahay ni Nanay Estel ay suka na ako ng suka.

Sinabihan ako ni Nanay na magpa check-up na ako pero ayoko dahil nakakahiya sa kanya. Siya ang nagbayad ng bills ko sa ospital hanggang sa aking gamot.

At sa tuwing nagsusuka ako ay sobra akong naiiyak dahil hindi ako sanay sa ganito. Kasabay pa ang hilo at walang lakas.

"Let's go to the hospital tomorrow, babe."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya nang punasan niya ang aking bibig after ko magmumog.

Pagkatapos ay nagpabuhat na ako sa kanya pabalik sa kwarto.

"Don't cry, why are you crying?" He wiped my tears.

Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Ayoko ng gatas, Gab. Ilabas mo please." Pakiusap ko.

Nilapag na muna niya ako sa kama at hinalikan ang ako sa aking noo. Kinuha niya ang gatas na may takip na at nilisan ang kwarto.

























BLUE: Obsessed GabrielDonde viven las historias. Descúbrelo ahora