Once

73 2 0
                                    

Betrayed?


"This is the only thing you can do to prove yourself"

Parang pinipiga sa sakit ang aking puso nang maalala ang naging pag-uusap namin ni Papa sa purple galaxy cafè. I did not expect him to see here especially, because of the situation right now.

Matutuwa na Sana ako dahil nag-effort pa siyang pumunta dito sa Isla pero nawala ang kasiyahan ko nang sabihin nito ang pakay niya.

Na bankrupt na daw ang kompanya dahil sa pagpull-out ng mga investor at ilang pag-alis ng board member na dahilan para magkaroon sila ng alitan ni Mama.

Ayon pa sa kanya, sinugod pa si Afomia sa ospital dahil sa pagtangka nitong pagpapakamatay. She became depressed when Gabriel left him, lalo na't gustong-gusto niya ito at siya pa mismo ang nagboluntaryo para sa engagement nila.

Afomia and I did not have a good sisters relationship but I hate Gabriel for leaving her.

She pursue him, begged him and almost kneel just to be with him. Pinahiya, pinagwalang bahala, at iniwan niya lang naman ni Gabriel si Afomia.

Now, I am stuck between these issues and I does not even know what to do. Lalo lang akong naguguluhan nang umamin sa akin si Gabriel.

I looked at him. Siya naman ay namumungay pa ang mga Mata at masuyong nakatingin sa akin. "You can't fall in love with someone you just m-met a month ago." Matatag kong pahayag at inalis ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa aking bewang.

"Hindi naman mahalaga ang oras at panahon dahil seryoso ako sa 'yo, Kiah." Mariin siyang tumitig.

Gusto kong matawa sa sinabi nito. Huh! After what you did to Afomia! I can't believe this man, you literally just gave me a reason to be get even madder.

I just stand up and left him.

Napabuntong hininga na lang ako sa tuwing naiisip ang mga sandaling iyon. I know how rude it is but I don't care. Sana ngayon ay alam na niya ang feeling ng maiwan at baliwalain.

Naguguluhan pa din ako sa mga pangyayatri pero isa lang ang alam ko: kailangan ko nang magawa ang trabaho ko at makaalis dito mula sa kanya.

Pero paano ko naman iyon magagawa?

"Omg! Hindi ko akalain na aayain niya ako!" Masayang tili ni Veronica.

Napangiti naman ako. "Mabuti naman, kung alam lang ni Derek na patay na patay ka sa kanya." Sabi ko habang inaayos ang buhok niya gamit ang hair straightener.

We are all busy, very busy since she have a date tonight with him. I was assigned to her hair since Yoshabelle is much better doing make up than me.

Namula ito. "Ano ka ba, Kiah!"

I just smirked at her.

"Pero San ba kayo pupunta mamaya, Veron?" Si Yoshabelle.

"Hindi ko pa alam pero sabi niya ay may plano naman na siya." Kinikilig niyang pagkukwento.

"Baka naman kung anong plano 'yan, huh! 'Wag mo muna isuko ang rosas, h'wag ka munang bumuka! pinagnanasahan mo pa naman iyon!" Napahalakhak kaming dalawa sa naging reaksyon nito.

Veronica's eyes widen and her cheeks went red. "Gaga ka, Hindi ako ganun ah!" Tumingin ito sa akin. "Hindi iyon totoo, chismis lang niya iyon."

Napailing na lang ako. "Just don't surrender the flower, okay?"

Mas lalo siyang namula sa sinabi ko. "Kiah!" Pinalo pa ako nito ng mahina.

"Sige mamalo ka, susunugin ko ang buhok mo." Pananakot ko habang hawak ang buhok niya.

Napairap na lang ito na kinatawa ko. She is really adorable. "Hindi na nga,"








NANG MATAPOS NAMIN ayusan si Veronica ay nagpaalam na ako sa kanila at umuwi na rin ako para naman makapagpahinga na.

Naglinis muna ako ng katawan at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa kusina para magluto ng sinaing dahil iyon pa lang ang alam ko.

Noon ay wala akong kaalam-alam sa gawaing bahay pero dahil kay Gabriel ay natuto ako. Hindi naman niya ako inuutusan pero pinilit ko siyang turuan ako.

Habang iniintay ang sinaing na kumulo ay nagligpit-ligpit muna ako at nag-ayos ng mga kalat. Wala naman masyadong ligpitin kaya Hindi ako nahirapan.

Nagwalis ako ng lapag pagkayari at nagpunas-punas at nag-mop ng sahig.

Nang maluto na ang sinaing ay napagpasyahan ko na munang matulog dahil maaga pa naman at wala naman akong gagawin pa.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mahinang yumuyugyog sa akin at nagsalita.

"Kiah, wake up." Pag Mulat ko ay si Gabriel agad ang tumambad sa akin. "Kumain ka na muna bago matulog,"

"Okay..." Mahinang sagot ko at kinuha ang hair clam sa table sa gilid ng kama at pinusod ang aking buhok. "Kakauwi mo lang?" I asked.

"Hmm, kani-kanina lang." Yumuko siya bago lumuhod at isuot sa akin ang pink bunny slippers ko. "Kain na tayo?"

Tinanguan ko ito at nauna na sa kusina. Nagutom ako nang maamoy ang mabangong amoy ng chicken adobo na malamang ay niluto niya.

"You slept so early, pagod ka?"

Umiling ako. "Hindi naman," sagot ko at naupo na.

Tumabi naman siya sa akin at pinaglagay ako ng kanin at ulam ang aking Plato. "Thanks..."

Tahimik lang akong kumain at ganon din siya. Pa simple ko naman itong tinignan ngunit nakatingin din pala ito sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Why we are so awkward now?








"Huminahon ka muna, Veron. Mabait si Zakiyah at hindi n'ya magagawang-"

"Ahas siya, Yoshabelle! Hindi ako makapaniwalang inaya ako ni Derek na lumabas para lang pag-usapan kung pwede natin sila ipaglapit! Halos mapahiya ako, Yoshabelle!"

Napakunot ang noo ko sa sinigaw ni Veronica.

Anong inahas ko?

Nanatili ako sa labas ng pinto ng staff room sa cafè para makinig nang mabuti sa pag-uusap nila.

"Wala namang kasalanan si Zakiyah kung may gusto sa kanya si Derek at tsaka mukha naman niyang hindi gusto eh."

"Talaga lang, huh?! Pati ba naman ikaw na pinsan ko, kinakampihan ang babaeng 'yon?! Talaga bang napaniwala na kayo sa kanya, dahil ba maganda siya? Iyon lang naman ang meron siya pero pangit ang ugali niya, ang arte-arte niya! Narinig ko kung paano niya ireject si Gabriel. Nagpaubaya na nga ako eh, pati ba naman si Derek."

My eyes widen. She likes Gabriel? I did not know about that.

Parang karayom na tumusok ang mga matatalim na salita nito tungkol sa akin ni Veronica. Hindi ko naman alam na ganon pala ang tingin niya sa akin.

"Ano ba ang sinasabi mo? Wala akong kinakampihan dahil pareho ko kayong kaibigan at Hindi naman natin masisi si Zakiyah sa desisyon niya. Bakit ka ba nagkakaganyan? Sobrang bait niya sa atin."

"Hindi mo ako naiintindihan, basta makikisamahan ko siya pero hindi ko na siya ituturing na tunay na kaibigan. Pagsisisihan niya ang lahat."

A lone tear came out from my left eye. Maybe the worst betrayal is when someone you thought your friend betrayed you.

Narinig ko ang pagpihit ng door knob Kaya dali-dali akong tumalikod at tumakbo papunta sa labas ng Cafè habang umiiyak.

You are a traitor, Veronica.
























BLUE: Obsessed GabrielWhere stories live. Discover now