Tres

101 9 0
                                    

Stay






Today is my second at this island. Gabriel is off to his work so I just decided to go out and I want to stroll around. Besides, gusto ko din pumunta sa pinagtatrabahuhan niya dahil...dahil wala lang, do I need a reason huh?

Bawat nadadaanan kong tao ay pinagtitinginan ako. Maybe they knew that I was not from here. Well, most of the people here are moreno and Morena because of the climate. while me, I am so pale.

Alas-seis na nang umaga pero maaga akong naligo at nagsuot ng bistida ko. I am wearing a channel black dress with pearls design on the bottom and for my feet, I am just wearing a black flip flops.

"Ate Ganda, bili ka na! Mura lang!"

I looked at the woman. I think we are just still in same age. Nagtitinda siya ng mga pearl accessories, may mga pulseras, kwintas, singsing at anklet.

Marami ding nagbebenta rito tulad ng mga keychains, bags, wallet, foods, at kung ano-ano pa.

Nakarating ako sa banda ng isla kung saan makikita ang mga bangkang nagbaba ng mga nahuling isda.

"Sinong hinahanap mo rito, ija?"

Nagulat naman ako nang may magsalita. Lalaki iyon na matanda at may hawak pang tungkod. "Si G-Gabriel po..." I said.

Why am I stuttering?

Kumunot ang noo nito. "Ano ka ni Gabriel? Mukhang Hindi ka taga rito, ija."

I shyly rubs my nape. "Kaibigan po niya ako." Sagot ko.

Tinignan ako nito at tumango. "Ganun ba? Nandoon siya sa may asul na bangka, pangatlo sa mga hanay." He said.

I nods and thanked him before I left. Just like what he said, I saw Gabriel standing on the blue boat discharging the load.

Nangingintab ang balat nito kapag nasisinagan ng araw, Kita ko rin rito mula sa malayo ay mamula-mula nitong mukha.

May ilang nagpapalingon sa aking gawi ngunit Hindi ko na sila pinansin. Ang iba pa ay binabati at kinakawayan pa ako.

Hindi ako nito pa napapansin dahil busyng-busy siya sa ginagawa. Wala pa itong na damit kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ikaw si Zakiyah diba?"

I looked at the familiar man. Siya ang nagpunta sa bahay at hinahanap si Gabriel. "Yeah, why?" I answered.

He smiled sweetly. "Bakit ka narito? Hinahanap mo ba si Gab?" Pag-uusisa nito.

Tumango ako.

Mabuti at Hindi na siya namumula. Kahapon kasi ay grabe ang pagkapula niya at nung isa niyang kasama.

"Ephraim nga pala pero Raim na lang, Zakiyah." He said and politely offer his hand.

"I'm Zakiyah, nice to meet you." I said and accepted his hand.

"Kiah!"

Napabitaw ako sa kamay nito at lumingon sa tumawag sa akin. Si Gabriel iyon. Bakas pa ang pagtatakha sa mukha niya.

Tulad kahapon ay basa ang ladladan ng short nito dahil sa pagbaba sa bangka. Wala pa din itong pang-itaas ngunit may nakasabit na damit sa balikat nito.

May mga babaeng napapatingin sa kanya at isa na doon si Kitty, ang babaeng umaway sa akin kahapon. Masama pa ang tingin na pinupukol nito sa akin.

He looked at me and to his friend. "Anong ginagawa mo rito?"

Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa tanong nito. "H-hinanap ka..." Mahinang sagot ko.

"Bakit mo naman ako hinahanap?"

BLUE: Obsessed GabrielWhere stories live. Discover now