Katorce

95 3 0
                                    

Love











PAREHONG MUGTO ang mga mata namin ni Gabriel. Nandito pa din kami kung saan dinaos ang birthday niya.

Kanina pa rin kami pinagtitinginan ng mga tao at ng pamilya n'ya. Mabuti na lang rin dahil wala sila Ate Afomia kung hindi, mas lalo lang lalala ang sitwasyon.

Do your job, Alessandra. Please, I missed him so much, I can't leave without him! Rinig ko pa rin hanggang ngayon ang boses nito.

Hindi na sana ako magsstay pero naabutan kami sa labas ng mommy niya at pinapasok muli rito.

I don't even know what to do, say, or feel right now but I am so guilty for what happened. I know he is 'still' not ready for this moment yet I set this surprise event knowing that he will be mad.

I could feel his stare but I just ignore him kahit gusto ko na lang maglaho dahil sa kahihiyan na ako din ang may kasalanan.

Humarap na lang ako sa stage kung saan nagsasalita si Zak. He is telling how he met Gabriel and praising how kind he is as a friend. If it is just normal day, I would normally laugh because of his silliness but I couldn't especially because I don't see any reason to be happy knowing that I hurted someone.

I am so toxic and insensitive.

What if I just did not planned to invite his parents? Would things be fine? I guess, it would be. But, it is their right to be included especially at theirs son's special day.

Pero bakit ko pinagsisihan na ginawa ko ang trabaho ko?

"Si Gabriel sobra magmahal pero kontrolado, kinukwento niya na gusto niyang maging protective kay Zakiyah pero ayaw daw niyang isipin nito na wala siyang tiwala sa kanya. Sa trabaho, siya lang din ang bukang bibig niya. Kahit madaming umaaligid at lumalapit, siya na mismo ang umiiwas."

Nagulat ako sa pahayag ni Zak, I rarely see him this serious.

"Kaya, Zakiyah, sana h'wag mo nang pakawalan si Gabriel. Hindi mo pa alam kung gaano ka niya kamahal....handa siyang maubos."

Makahuluguhang sabi niya bago batiin ulit si Gabriel pagkatapos ay bumaba na ng stage.

May mga sumunod pa sa kanya na bumati at nagshare ng kwento with the celebrant and nagwish para sa kanya.

Kahit malakas ang mikropono ng mga nagsasalita ay hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi dahil parang nastuck ako sa sinabi ni Zak.

handa siyang maubos

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa labas para pumunta sa isang private room. Pagkarating ko ay doon tumulo ang aking luha at malakas na umiyak.

I know what I feel for him is wrong but I can't dictate my heart to unlove him. I love him so much, I have fall for him.

handa siyang maubos

Kung magmamakaawa ba ako sa parents niya na h'wag siyang ipakasal kay ate Afomia ay papayag ba sila?

Ngayong nandito na sila, itutuloy pa Kaya nila ang kasal? Maiiwan na naman ba akong nag-iisa rito?

handa siyang maubos

"Kiah?"

Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa isang pamilyar na boses. Nang lingunin ko ay si Gabriel ang pumasok dito sa room.

"What a-are you doing here? Go back, Hindi pa tapos-"

"Hindi ka iiyak kung Hindi mo 'ko mahal, I know you don't want to leave me." Seryosong wika nito at dahan dahang lumapit sa akin.

BLUE: Obsessed GabrielWhere stories live. Discover now