Cuatro

104 7 0
                                    

Sweet Bibika



Napangiti ako habang tinititigan ang mga seashells na nakuha ko sa pangpang. Sobrang gaganda nito, iba-iba ang itsura, tekstura at istratura.

Alas tres na ng hapon kaya't nagpasya ako na gumala-gala na muna. Si Gabriel naman ay may pasok ngayon, he is a part-time construction worker. So basically, sa umaga ay nangingisda siya at sa hapon ay namamasukan pa.

"Hello!"

Napalingon ako sa nagsalita. It is a woman who seems like just in the same age as mine. She is petite, Morena and have curly black hair. May kasama pa itong isa pang babae, mas matangkad sa amin, chinita at straight ang buhok.

"Hi" I greeted them back and make a small smile.

They smile, too. "Sino ka? Ngayon ka lang namin nakita rito." The curly haired girl asked. "Ako si Yoshabelle, siya naman si Veronica."

"I'm Zakiyah, nice to meet you two."

Ngumisi si Veronica. "Ingleshera ka pala, Dayo ka siguro?"

Umiling ako. I'm not dayo but neither from here. "Ano ka ni Gabriel? Ikaw ba yung nakatira sa bahay niya? Sinabi ni Nanay."

Napanguso ako bago tumango.

"Girlfriend ka ba niya? Ang swerte mo! Ang daming may gusto sa kanya, pero sobrang ganda mo naman kaya bagay lang kayo."

Sumang-ayon si Yoshabelle. "Oo nga, ang puti-puti mo pa. Alam mo, kamukha mo yung nasa mga Magazines na model."

Namula ako. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi nito O dahil sa papuri nila. "Oh, we are not in a relationship. H-he is just my friend."

Agad silang nalungkot. "Ay, akala ko naman. Bagay kasi talaga kayo eh."

Napailing na lang ako. Napatingin ako sa mga dala-dala nila. They are carrying bags. "Where are you two going?"

"Sa Site lang, Doon lang sa ginagawan nila Gabriel. May order kasi Doon ang amo nila, meryenda." Si Veronica ang sumagot. "Gusto mo bang sumama?"

"Ano ka ba, Nica. H'wag mo nang tanungin, isama na natin." Napatawa ako nang mahina nang hawakan ako nito sa pulsuhan at hilahin.

Gaya ng sabi nila malapit-lapit lang ang site na ginagawan nila Gabriel. Mabuti't Hindi na masyadong tirik ang araw at may payong pa silang dala bilang proteksyon sa araw. Apartment pala ang tinatayo rito, according to them.

Nang makarating kami ay kasalukuyang na sa kubo si Gabriel at kasama ang ilan pang mga lalaki at Doon namamahinga.

"Meryenda! Gab, may kasama kami. Si Zakiyah!" Sigaw ni Veronica. Agad naman napalingon ang mga lalaki sa gawi namin.

"Bigay mo kay Gabriel, magpapamigay lang kami sa iba." Naglahad ito ng Styrofoam na may lamang pagkain.

Nakita ko naman ang Agad na pagtayo nito at sinalubong kami. Bakas pa ang pagtatakha sa mukha nito.

"Anong ginagawa mo rito, Kiah?"

Napanguso ako sa tanong nito. Sasagot na Sana ako nang maunahan ako ni Yoshabelle."Nakita namin sa pangpang, namumulot ng mga shell. Sinama na namin rito."

Tumango ito.

I handed him my small basket that is full of sea shells. "Here, oh. These are so pretty and cute, right?" They look so good and aesthetic.

Tinignan nito ang laman ng basket. "Sobrang dami, Kiah. Ako na lang Sana ang pinakuha mo kung gusto mo nito, tingnan mo, namumula ka na naman." Bakas ang inis sa boses nito.

BLUE: Obsessed GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon