Chapter 13

1 0 0
                                    

Mia's POV

Nakauwi na kami sa kanya kanya namin bahay, sinalubong agad ako ni Nanay Mila at Tatay Carlos...

"Ginabi ka na ata ng sobra anak?" takang tanong ni Tatay Carlos

"Tinapos lang naman po namin Tay ang Palma sa Plaza" paliwanag ko sa kanya

"Bakit parang ang dungis mo? Puro usok ba yan sa mga braso at mukha mo?" tanong naman ni Nanay Mila sa akin

"Natural po nay, galing po kami sa panunuod ng Palma napakaraming pailaw at usok po dun" say ko kay nanay

"Hay bata ka, napakatagal mo sa pagseserve sa simbahan ngunit di ko mawari bakit ganyan ka pa rin magsalita sa akin, pabalang!" sermon na naman ang inabot ko dito sa mabait kong nanay na Santa

"Mabait naman po ako nay, sadyang pagod lang po ako at kailangan ko lang po itulog ito, goodnight po!" paalam ko sa kanila at naglakad na ako papunta sa kwarto ko

"Mila naman, Gabi na sesermunan mo pa yung dalaga natin, kabataan ngayon alam mo naman ang ugali, ikaw na lang makisama!" this time si tatay naman ang nanermon kay nanay

"Yan kasi anak mo lumalaki ang ulo dahil inispoiled mo at hinahayaan mo lang na ganyan kung ano ano iniisip o ginagawa!" say naman ni Nanay

"Hindi ko hinahayaan si Mia, nakikisama lang ako sa kung ano ang kanilang hilig, di mo na mapipigilan ang anak po sa kung anong gusto nya nasa tamang edad na ang anak mo para gawin ang gusto nya, Alam ko naman na nasa tamang mga desisyon gagawin nya" paliwanag ni Tatay Carlos kay Nanay Mila

"Basta Carlos, hangga't hindi nakakapagtapos ng pag-aaral si Mia at wala pa syang permanenteng trabaho, hindi nya pa pwedeng gawin ang gusto nya!" sambit ni Nanay Mila at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto ko at para magpahinga, as always si Nanay..

Kinabukasan..

Nauna na akong kumain ng agahan para di ko makasabay sila nanay kumain dahil siguradong maagang sermon naman ulit ang papakainin sa akin nun, nandito ako ngayon sa may hagdanan ng bahay namin nakaupo ng makita ko si Sister Margaret dumaan..

"Mia, tila malalim ang iyong iniisip may problema ba?" tanong ni Sister sa akin, bumaba ako at sinamahan syang naglakad lakad

Habang naglalakad lakad kami...

"Ayaw mo bang magkwento?" tanong sa akin ni Sister Margaret

"Pagkauwi ko kasi Kagabi galing sa panonood ng Palma, sinalubong ako ng mga magulang ko, si tatay may pag-aalala at concern sa akin, samantalang si nanay, kinuwestyon pa kung bakit ang dungis dungis ko at puro usok ang mukha at braso ko, sinabi ko naman po na galing kami sa panunuod ng Palma at napaka usok doon, as usual sermon naman ang pinakain sa akin ni nanay at narinig ko pang nagtatalo silang mag-asawa, si tatay suportado sa kung anong desisyon ang gagawin ko sa buhay samantala si nanay, idinaan naman sa malatradisyon nyang naranasan kaya ipinapasa sa akin ang kung ano ang ginawa sa kanya noon ng ganitong edad, nasa edad na naman po ako, bakit pakiramdam ko po ay sinasakal na ako ni nanay ng mga tradisyon nyang nakasanayan sa panahon ngayon na iba na?" kwento ko Kay Sister Margaret

"Mahirap talaga Mia na lumaki sa Tradisyonal na Pamilya kailangan mong sundin ang kanilang nakasanayan sa buhay simula pagkabata hanggang sa lumaki ka na, natupad na nga nila na maipasok ka sa pagseserve sa simbahan ngunit di lang yan ang nais nila bilang lumaki ka sa Tradisyonal na Pamilya, kailangan sundin mo ang utos nila kapag di ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral at wala ka pang trabaho, mananatili kang nakakulong sa kanilang patakaran, Gaya sa atin sa simbahan, may mga patakaran kang dapat sundin para maging maganda at maaayos ang pananatili mo sa paglilingkod" kwento naman ni Sister Margaret

"Kaya po ba ganun si Sister Tessy kahigpit?" tanong ko Kay Sister Margaret

"Pinakamatagal at bihasa na si Sister Tessy sa lahat ng rules sa simbahan, kaya lahat ay nag-iingat sa tuwing napapadaan on nakakasalubong nila si Sister Tessy sa daan, kaya wag Kang magkakamaling labagin ang rules sa loob ng simbahan kaya kami ay nag-iingat kasi lagi siyang nakamata sa amin, kayo rin mga altar server ay kailangan mag-iingat din sa kanya" paalala ni Sister Margaret

Nakarating na kami sa may Plaza sa kakakwentuhan namin at naisipan muna namin umupo sa may bench...

"Kaya po ba di Nyo rin pong naranasan umibig ganon?" tanong ko bigla Kay Sister, nagulat sya ng tanungin ko yun sa kanya

"Well, di naman ako bato Mia para di makaramdam ng pag-ibig, Oo noon naranasan kong umibig pero di na rin nagtagal kaya napagdesiyunan Kong pumasok sa pagmamadre, nalaman ko rin ang rules nila kaya yung pag-asa ko Muling makakita ng Pag-ibig ay Malabo na, dahil oras na labagin ang Isang kautusan na Yun dito sa ating paglilingkod sa simbahan ay mapapatalsik ka at hindi ka na makakapasok muli sa pagseserve sa simbahan" mukhang naging malungkot rin ang naranasan ni Sister sa kanyang buhay Pag-ibig

"Ang lungkot naman ng lovelife nyo po!" say ko sa kanya

"Since matagal na rin ako sa pagiging Madre nakasanayan ko na rin ang mga patakaran dito kaya ayun, sa pagdarasal at pananampalataya na lang ako lagi nakapit!" say ni Sister sa akin

"Ang hirap talaga ng rules natin sa loob ng simbahan maging sa bahay namin halos ganon din ang patakaran hay!" napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi ni Sister Margaret

"Bakit Mia? May nakaagaw na ba ng iyong pansin kaya parang di mo magugustuhan ang mga patakaran ng simbahan at maging sa inyong tahanan?" tanong ni Sister sa akin, napatingin ako sa kanya

"Po? Wala naman po akong nilalabag na rules" depensa ko sa kanya

"Sa ngayon wala Mia, Pero once na desidido ka na talagang makilala na sya ng husto, madami ng pwedeng mangyari sa future" huling Sabi ni Sister sa akin at tumayo na sya at naglakad palayo

Paano nya nalaman? Na may gusto akong makilala ng husto?

===================================

Chapter 14 is up next...

Divine ConnectionOn viuen les histories. Descobreix ara