Chapter 49

0 0 0
                                    

2 days later

Sunday Morning...

Sama samang magsimba ang pamilya ni Mia at Pamilya ni Gabriel, sumama si Gabriel sa pagseserve kasama sila Toper..

Pumuwesto na sila Mia sa may harapan at umupo ng bigla syang nilapitan ni Lei..

"Mia, gusto mo ba ulit mag serve kahit ngayon lang?" yaya ni Lei sa kanya, tumingin sya sa nanay nya at sa lola nya

"Sige na apo, kung gusto mo!" sang-ayon ni Lola Maria

"Sige na anak" say naman ni Mila

"Tara!" hinila na ni Lei si Mia papunta sa bihisan ng mga server na babae

"Lei? Sure ka ba?" say ni Mia habang nagbihis sya ng damit ng pangserver

"Oo sure kami, diba girls?" say ni Lei kila Luisa at Clarice

"Oo girl, namiss ka namin magserve, tsaka ipinagpaalam na namin Kay Sister Tessy at Sister Margaret okay lang naman daw since dati ka naman server dito Kay G!" wala ng nagawa si Mia sa sinabi ni Clarice, nagbihis na silang mga girls

Meanwhile...

Nagbibihis na rin sila Toper at Gabriel ng magserver na damit...

"Pre, nakakamiss rin magserver di ba?" say ni Toper Kay Gabriel habang abala itong nagbibihis

"Oo nga pre, it brings back memories" say na lang ni Gabriel

"Kaya nga pre, naging busy na kasi tayo especially ikaw sa trabaho Kaya no time kang makauwi para magserve, atleast ngayon free ka, walang jowa buntot, sarili mo lang see!" say ni Toper kay Gabriel

"Kaya nga pre, atleast ngayon ramdam Kong ako lang, walang buntot" say ni Gabriel ng biglang sumilip si Lei sa quarters nila Toper

"Hoy! Kayong dalawa bilisan Nyo dyan nasa labas na kaming girls kayo na lang wala, naturingan kayo taga hawak ng insensaryo kayo ang makupad, malapit ng mag umpisa ang Misa!" sermon ni Lei kila Toper

"Opo nandyan na po ms. Sermon!" say ni Toper

"Bibig mo Toper lagot ka sa akin pagkatapos ng Misa! Bilisan Nyo dyan kahiya naman sa Inyo!" banta ni Lei Kay Toper at umalis na ito

"Pre lagot ka na naman!" biro ni Gabriel kay Toper

"Sanay na ako dun pre! Ganun lang yan si Lei, goods kami nun" taas kilay na sabi ni Toper Kay Gabriel

"Loko ka talaga pre! Tara na nga baka may round two na naman tayo dito!" lumabas na sila Toper at Gabriel

Hawak hawak ni Gabriel ang insensaryo  at naglakad sa harapan, may pamilyar na mukha syang napansin, dahil sa mag-uumpisa na ang Misa dumeretso na sya ng lakad sa harapan

Naglakad na ang mga server sa harapan papuntang altar

Habang nagmimisa....

Sa pwesto nila Lei, nakita na naman nilang tulala si Mia kay Gabriel..

"Hoy, Mia girl! Tulaley ka girl?" siko ni Lei kay Mia

"Hah?" say ni Mia

"Ay girl! Bakit ka ba nakatulala sa kabilang pwesto at sa Isang poging server pa ah?" tukso ni Lei kay Mia

"Tulala? Hindi ah, parang namumukhaan ko kasi ang lalaking yun katabi ni Toper" say ni Mia

"Talaga girl? Namumukhaan mo?" gulat na Sabi ni Lei

"Tumahimik ka nga lang, baka mahuli pa tayong nagkakwentuhan dito!" saway ni Mia kay Lei

"Ikaw ah!!! Kakauwi mo lang galing Amerika, may umagaw na agad ng atensyon mo at Isang pogi pa!" bulong ni Lei kay Mia

"Hindi nga"  depensa ni Mia

"Suit yourself girl, I can smell a blooming reunion of romance" say ni Lei Kay Mia

"Ewan ko sayo Lei, lakas ng tama mo" say ni Mia at tumingin na sila sa nagsesermon

Tumagal rin ang Misa ng Isang oras...

Matapos ang Misa...

Kanya kanyang bihis na ang mga server at kanya kanyang lakad na rin, nauna ng umuwi ang parents at lola ni Mia dahil nagpaiwan si Mia kasama sila Lei, magpaplano ng gala..

Tumambay muna ang girls sa may Plaza habang hinihintay sila Toper na matapos mag-ayos sa loob ng simbahan..

"As usual talaga sila Toper, kakukupad!" reklamo ni Lei

"Daig pa ng babae!" say ni Luisa

"Di na kayo nasanay sa mga Yun!" say naman ni Clarice

"Ganun ba talaga sila Toper?" say ni Mia

"Ay girl, ganun talaga ang dalawang Yun simula nung nagtapos ng college ay nako!! Saksakan ng bagal ng mga lalaking Yun Aber!" monstra ni Clarice

"Sinasabi na nga ba kami ang topic nyong girls eh!" humarap si Clarice kila Toper

"Eh ano naman sayo Toper? Ibinibida ko lang naman sa kanila na simula nung grumaduate kayo ng college saksakan Nyo na ng bagal parang mga babae, daig pa pala ng babae!" say ni Clarice kay Toper

"Kaysa naman sa Inyo na dinaig pa sa espasol ang mga mukha kapag nagmemake up!" tukso naman ni Toper kila Clarice

Habang nagsususmbatan sila Toper at Clarice

"Pre, nakikooag round 2 ka na naman, this time Kay Clarice naman?" lumingon si Mia sa kung sino ang nagsalita

"Gabriel!!" sigaw ng tatlo bukod kay Mia

"Kumusta?" lapit ni Gabriel kila Lei

"The same pa rin, may nagbago ba?" pambabara ni Clarice

"Ikaw?" napatingin ang lahat kay Mia ng magsalita ito

"Teka? Ikaw ba yung girl na nakabanggaan ko sa airport nung Isang araw?" say naman ni Gabriel

"Capt. Gabriel Dela Cruz?" say ni Mia

"Mia Brielle Santos?" say naman ni Gabriel

"So ikaw pala itong tinutukoy ng mga ito na Isa pa nilang kaibigan?" si Mia

"Yup! What a coincidence nga naman, nice meeting you again Mia" nagshake hands ang dalawa ng biglang

"Sandali!!!!" huminto ang mundo ng lahat ng sumigaw si Clarice

"Bakit?" sabay na sagot ni Mia at Gabriel

"Akala ko ba di kayo magkakilala aber?" reaksyon ni Clarice sabay crossarms

"Nagkakilala lang kami sa Airport, nakabanggaan ko kasi si Gabriel nung palabas ng airport, bakit? May problema ba?" paliwanag ni Mia sa kanila

"Sa airport? Sure kayong dalawa?" tanong ulit ni Clarice

"Oo, sa airport nga kami nagkakilala" say naman ni Gabriel

"Wala bang throwback ganern na nangyari?" si Luisa naman ang umusisa sa dalawa

"Throwback?" takang tanong ni Mia

"Wala bang ibang you know like ganun?" si Lei naman, naiirita na si Clarice sa pasegway na tanong ng dalawa

"Straight to the point nga tayo dito!! Mia, Gabriel, wala bang spark na naganap sa pagkikita Nyo sa airport!?" straightforward na tanong ni Clarice sa dalawa

"Hahhhh?"

====================================

Chapter 50 is up next....

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now