Chapter 31

3 0 0
                                    

Monday...

Natapos na ng umagang schedule ng klase, nasa cafeteria sila Mia at Clarice, tahimik lang si Mia nakain ng kanyang lunch...

"Mia girl? Why the gloomy face?" takang tanong ni Clarice kay Mia

"Clarice, may sasabihin ako sayo.." panimula ni Mia

"Ano?" say ni Clarice while drinking her juice

"Last week ko na dito sa University" malungkot na sabi ni Mia

"Hah!!? Bakit? Saan ka naman pupunta?" nagulat na tanong ni Clarice

"May Visa na ako pa-Amerika, isasama na ako nila nanay at tatay, dun ko na daw itutuloy mag-fourth year college ko, ayaw ko ngang umalis eh --" di na itinuloy ni Mia ang sasabihin dahil sumabat si Clarice

"Ayaw mo kaming iwan at lalong ayaw mong Iwan si Gabriel? Ganon ba? Kaya nagdadalawang isip ka?" sunod sunod na sabi ni Clarice kay Mia

"Parang ganun na nga, ang hirap Clarice, pero di ko naman pwedeng suwayin ang nanay ko, kahit ganun ang ginagawa nya sa akin nanay ko pa rin yun, kahit gaano ako magmatigas, di ko na mapipigilan Yun" kwento ni Mia kay Clarice

"Alam na ba nila Lei at Luisa to?" tanong ni Clarice

"Hindi pa, sasabihin ko na lang sa kanila masayang uwian" say ni Mia

"Eh Gabriel? Alam na ba nya?" tanong ni Clarice Kay Mia

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, for sure malulungkot yun ng sobra" say ni Mia kay Clarice, magbigat sa loob ni Mia ang umalis at lalong lalo na ang nabuong friendship nila ni Gabriel

"Umamin ka na ba sa kanya?" taas kilay na sabi ni Clarice

"Umamin saan?" takang tanong ni Mia

"Girl, don't me! Alam ko naman na mabigat sa loob mong Iwan ang Pinas dahil Kay Gabriel na halata namang inlababo ka na sa poging Altar server na iyun!" pangbubuking ni Clarice sa kaibigan na halata naman na lihim na pagtingin sa altar server na taga insenso

"Huy!! Tumahimik ka nga dyan!" saway ni Mia kay Clarice

"Girl aminin mo na kasi na di lang bilang special friend ang tingin mo kay Gabriel, higit pa dun!! Aminin mo na kasi, tayong dalawa lang naman ang nandito!" say ni Clarice, talagang pinipilit na nyang umamin si Mia sa kanya feelings for Gabriel

"Oo na!! Happy?" pag-amin ni Mia kay Clarice

"Sabi na nga ba eh, the truth will always come its way nga naman, di ba ang simple, napaamin kita sa feelings mo for him, bakit ayaw mo pang umamin before ka gumora sa States?" reklamo ni Clarice

"Napakadali ngang umamin Clarice, kita mo ngang ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, kaya nga ako ilalayo ng nanay ko dahil mukhang nahalata na nya na may pagtingin ako Kay Gabriel na bawal na bawal sa simbahan at syempre sa rules pamilya ko" seryosong sabi ni Mia

"Kaya pala, dahil sa rules and regulations ng family and church, ang hirap nga Nyan girl!" pagsang-ayon ni Clarice

"Kung alam mo lang girl, ang hirap!" say ni Mia

"Pero girl, kailangan mo pa rin sabihin kay Gabriel ang totoo at ang pag-alis mo, mahirap ng ma broken hearted ang poging altar server na Yun!" payo ni Clarice sa kanya

"Pine-pressure mo ba ako?" say ni Mia

"Hindi naman kita pine-pressure girl, ang akin lang naman ay sabihin mo na sa kanya ang truth para di mo pagsisihan sa huli" say ni Clarice, napaisip tuloy si Mia sa sinabi ni Clarice

Mabilis na natapos ang buong maghapon, lumabas na sila ng University at sabay sabay na naglalakad pauwi...

"Sayang di natin kasabay umuwi sila Toper at Gabriel no?" tukso ni Luisa kay Lei at Mia

"May activities pa sila eh kaya di sila nakasabay sa ating umuwi" paliwanag naman ni Lei kila Clarice at Luisa

"Kaya pala malungkot ang Isa dyan oh, wala si special friend?" nanukso na naman si Clarice

"Nagpaalam naman sya sa akin na di sila makakasabay ni Toper umuwi" simpleng sagot ni Mia

"Kaya pala, nagpaalam naman pala, so dapat talaga nagpaalam para hindi mag-alala or mag worry ang Isang friend di ba Mia?" siko ni Clarice kay Mia

"Clarice ano ba?" reklamo ni Mia

"Bakit Clarice? May dapat bang magpaalam?" takang tanong ni Luisa Kay Clarice

Siniko siniko ni Clarice si Mia para sabihin ang totoo at para makapagpaalam na rin..

"Girls, may sasabihin pala ako sa inyo" panimula ni Mia, napatigil sa paglalakad sila Lei at Luisa

"Ano yun Mia?" tanong ni Lei sa kaibigan

"Gusto ko lang magpasalamat sa friendship na nabuo natin sa loob ng ilang buwan" panimula ni Mia

"Bakit ganyan ka magsalita, ano bang nangyayari?" litong lito na si Luisa sa nangyayari

"Huling Linggo ko na kasi dito sa University natin, aalis na ako pa-America sa Linggo, isasama na ako nila nanay pati si Lola sa States, dun ko na tatapusin ang College" malungkot na paalam ni Mia sa mga kaibigan

"Ano!!" sabay sabay na sambit ni Luisa at Lei

"Ayoko man umalis pero wala na akong choice, kahit na may isip na ako at kaya ko na ang sarili ko, but still I have to obey my parents, ilalayo nila ako dito para di na malaman pa ng simbahan ang namamagitan sa amin ni Gabriel, kahit ilang beses ko naman sabihin sa nanay ko na kaibigan ko lang si Gabriel, she never listen" say ni Mia kila Luisa

"Dahil ang totoo naman talaga ay di lang bilang kaibigan ang tingin mo kay Gabriel, mahal mo na siya" seryosong sabi ni Luisa

"Papaano mo nalaman?" nauutal na tanong ni Mia

"Mia, una palang na makita mo si Gabriel sa Simbahan, ramdam na namin na may something sa mga tingin mo sa kanya, he caught your attention real quick and as I say he also caught your heart kaya everytime you felt problems in your family you run away and talk with him, he makes you comfortable and safe kaya, wag ka ng makaila sa amin kahit di mo aminin o sabihin, hirap ka sa desisyon mong yan na Iwan kami lalo na si Gabriel" natahimik si Mia sa sinabi ng iyon ni Luisa sa kanya

"Nasabi mo na rin ba ito Kay Gabriel?" tanong ni Lei, ang katanungan dapat biglang linaw ni Mia

====================================

Chapter 32 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now