Chapter 5

3 1 0
                                    

Sunday

It's Church day...

5:00 am..

Gising na si Mia to ready for her first Sunday service..

"Mukhang kinakabahan ka apo?" sagulat si Mia ng sumilip si Lola Maria sa kanyang silid

"Medyo po la, first time ko po kasi, ayaw ko naman po mapahiya" sambit ni Mia sa kanyang Lola, tinabihan siya ng kanyang Lola

"Kaya mo yan apo, nandun kami ng mga magulang mo para suportahan ka, apo kita kaya alam kong kaya mo" niyakap na lang ni Lola Maria si Mia para kahit papaano ay maibsan ang kaba nito

"Salamat po la sa pagpapakalma" sabay kalas sa yakap ni Mia

"Mag-ayos ka na at ako ay maghahanda na ng umagahan" say ni Lola Maria at iniwan na nya sa kwarto si Mia para makapag-ayos

"Hay! I hope I can get through this service without being a disappointment in front of my family" sambit ni Mia sa sarili

Matapos ang agahan nila ay naghanda na sila para pumunta sa simbahan, nauna ng umalis si Mia para makapag-ayos at handa sa unang araw ng kanyang pagseserve

6:55 am..

Nakapwesto na ang lahat ng  altar server sa likuran para mag umpisa na ang Misa...

"Nay, ayun si Mia oh, lalong nakikita ang ganda ng anak ko kapag nakaputing sutana" sambit ni Mila sa kanyang ina

"Siyang tunay Mila, kitang kita ang ang kinang ng kagandahan ng aking apo sa kanyang kasuotan" sambit ni Lola Maria habang pinagmamasdan si Mia kasama ang ibang mga altar servers

Nagkakwentuhan muna ang mga altar server habang nag-aayos ang pari...

"Luisa, Lei!" bati ni Mia kay Luisa na hawak ang Isang kandila at si Lei na hawak ang krus

"Mia, musta? Kabado ba?" tanong ni Lei

"Medyo, pero okay lang!" say naman ni Mia

"First time kaya natural na kabahan pero malalampasan mo rin yan!" sambit naman ni Luisa Kay Mia

"Sabi nga ni Lola, kaya ko to!" masayang sabi ni Mia

"Nice, parang kahapon lang eh ayaw mo sumali ngayon mukhang okay ka na ah?" tukso ni Luisa Kay Mia

"Trying to get by ganon, since wala naman akong choice, so go with the flow na nga lang malay natin magustuhan ko na rin ang gawing ito di ba?" si Mia

"Tama, fighting spirit and free spirit that's the attitude girl!" say ni Lei at nagsitawaan na lang kami

Bells ring...

Mag-uumpisa na ang Misa at pumusisyon na ang lahat ng altar servers..

Habang naglalakad papunta sa harapan ang mga altar servers ay labis ang ngiti na nakikita sa mga mukha ni Lola Maria ng makita nyang hawak hawak ni Mia ang kandila papuntang altar..

"It's been so many years simula nung nakita ako ng miyembro ng pamilya natin na nagseserve sa ating parokya, ngayon ang aking apo na!" sambit ni Lola Maria sa kanyang sarili

"Nakakatuwang makita si Mia na ganyan, di ba Mila?" sambit ni Carlos Kay Mila

"Tama ka, nasa tradisyon na ng aming pamilya ito at masaya akong nasundan ito ni Mia at sana lubusan na nyang magustuhan ito" sambit ni Mila kay Carlos

"Tiyak kong magugustuhan nya ito" si Carlos habang pinagmamasdan ang anak na nagseserve sa altar

Lumipad ang Isang oras na Misa, natapos rin ito ng maayos...

Sa Grupo ng mga Altar servers...

"Mahusay mga bagong altar servers nairaos natin ang Misa ng maayos at organisado!" sambit ni Sister Margaret sa lahat

"Maraming salamat po Sister sa pagtuturo" sambit ni Luisa

"Walang anuman, bilib rin ako sa Isa nating bagong miyembro, Mia, di ba hindi ka kinabahan at nakita kong maayos mo naisagawa ang iyong parte!" masayang bati ni Sister Margaret kay Mia

"Salamat po Sister Margaret" say naman ni Mia na medyo nahihiya

"Sabi ko sayo Mia eh!" siko ni Luisa Kay Mia

"So paano? Kita kita na lang po tayo sa Sabado ulit para sa nag-eensayo, maraming salamat sa inyong lahat" Sambit ng Madre at kanya kanyang uwi na ang mga Altar Servers

Sinalubong nila Lola Maria si Mia ..

"Mia, apo!" sinalubong ng yakap ni Lola Maria si Mia

"Lola, can't breathe!" sambit ni Mia, kumalas na si Lola Maria

"Pasensya na apo, sadyang natutuwa lang ako dahil nakikita kong na-eenjoy mo na ang pag-seserve sa simbahan kahit unang beses mo palang" masayang sambit ni Lola Maria sa apo

"Okay lang po, mukhang makakasanayan ko na rin po ang pagseserve!" sambit ni Mia kay Lola Maria

"Mabuti kung ganon apo! Napakasaya ko talaga apo!" sambit muli ni Lola Maria

"Salamat po la sa lahat sa pag-aalaga at pagtatyaga mo po sa akin!" niyakap muli ni Mia si Lola Maria

"Sus apo ko talaga nag-eemote na naman!" si Lola Maria

"Lola ah, marunong na rin po kayo sa salitang kabataan ah!" natatawang Sambit ni Mia sa kanyang Lola

"Kanino ko pa ba matutunan yun? Edi sa magandang apo kong nasa harapan ko ngayon!" sambit ni Lola Maria sa kanyang apo

Dumating na sila Mila at Carlos matapos ang kanilang pagdarasal

"Mukhang nakakasiyahan kayong maglola, anong meron?" takang tanong ni Carlos

"Wala naman po Tay, masaya lang po talaga kami ni Lola dahil natupad na ang kanyang hiling para sa pamilya" tugon ni Mia sa kanyang apo

"Mukhang di ka na nagmamaktol ngayon kung bakit isinali ka ni Lola mo sa simbahan?" tanong naman ni Mila sa anak

"May choice pa po ba ako, baka magalit po yung isa dyan?" pagpaparinig ni Mia sa kanyang ina

"Anong sabi mo Mia?" sambit ni Mila

"Wala po nay ang sabi ko po masaya po ako at naisali po ako ni Lola dito sa simbahan!" pagsisinungaling ni Mia sa ina

"Hay naku Mia, kilala kitang bata, napakadahira ng bibig mong iyan!" say ni Mila Kay Mia

"Hay naku kaysa mag-away pa kayong mag-ina dyan mabuti umuwi na tayo ng makapagpahinga tayo at ng makakain ng pananghalian!" kaya ni Lola Maria kila Mila at Mia dahil nakikita nyang nagkakainitan na naman ang mag-ina

"Tama si Nay Maria, kaysa magsuwagan kayong mag-ina, umuwi na tayo!" hinila na ni Carlos si Mila dahil napipikon na naman si Mila sa sinabi ni Mia

At sabay sabay na silang nagsiuwian...

==================================

Chapter 6 is up next....




Divine ConnectionWhere stories live. Discover now