Chapter 47

0 0 0
                                    

Nagkayayaan ang mga crew ng flight nila Gabriel sa Isang resto at dun nagkakwentuhan

"Hey Gab, ilang taon na ba kayo ng syota mo?" tanong ni Ken, Isa sa mga flight crew ng airlines

"Two Years na.." simpleng sagot ni Gabriel sa kanya

"Bakit bro parang hindi ka masaya? Two years na pala kayo Pero parang sa itsura mo you're not contented with her?" sambit naman nung Isang crew Kay Gabriel while drinking wine

"Okay ako Kay Sally, don't worry guys, okay kami!" depensa ni Gabriel sa kanila

"I think you're not happy with her" napatingin ang lahat sa kung sino ang nagsalita

"Jen?" sambit ni Ken nang makita ang Isang tahimik at madalang ng pumasok na crew nila

"Hi Ken, Captain Dela Cruz, I think you're not as happy as you are back when you were in college, not especially your late college year but the early college year before the accident!" kwento ni Jen

"How would you know?" takang tanong ni Gabriel kay Jen, she sat beside Ken

"I was one of your batchmates back then, you can't remember me because as they said I prepare to be alone well things change for a matter of time, but I'm well aware of my surroundings, the people in the university and that includes you and your secretly blooming romance with a Sophomore Psychology Student named --" bago pa makapagsabi ng pangalan si Jen ay biglang---

"Love, nandito ka pala with the crew!" nagulat na lang ang lahat ng biglang sumulpot si Sally out of nowhere

"Ahm guys, una na ako, may sundo na kasi ako eh!" say ni Gabriel sabay tayo

"Next time na lang bro ulit!" say ni Ken

Umalis na si Gabriel kasama si Sally...

"Mukhang napipilitan nga lang sa syota nya si Gabriel" pansin ni Ken

"Edi napansin mo rin!" say ni Jen kay Ken

"Parang sunod lang ng sunod si Gab sa kung ano ang sabihin ng syota nyang Yun, alam ko di kami magka-batchmate  Pero para ang weird kasi, hindi man lang magstay kahit saglit para makilala natin ang girlfriend nya?" say ni Ken Kay Jen at sa rest of the crew

"Maybe di talaga love ni Gabriel yung girl na Yun?" say naman ni Samantha, Isang flight attendant and one of the crew

"Hindi ba halata guys, tsaka tignan mo ang kilos ni Gabriel, weird di ba?" say ni Jen

"Oo nga pala sino ba yung secretly blooming romance ni Gabriel nung early years in college?" naiintriga si Ken sa kung sino yung girl na Yun

"Well siya lang naman ang Dean Lister nung panahon namin, sophomore years walang iba kung di si--"

Meanwhile...

Nagpaalam na barkada sa mga magulang ni Mia dahil gabi na rin naman ay uuwi na sila...

"Salamat sa pagpunta Nyo at paghahanda ng pagkain mga apo!" masayang sabi ni Lola Maria

"Wala po yun lola, welcome back po ulit" magalang na sagot ni Luisa

"Mag-iingat sa Pag uwi!" say naman ni Carlos

"Mia, ihatid mo na sila sa may gate" say ni Mila kay Mia

Bumaba na sila ng bahay at inihatid na sila ni Mia sa may gate..

"Thanks for today guys, na-miss ko to sobra" papasalamat ni Mia

"Wala ka bang ibang namimiss bukod sa amin?" biglang bumirada ng tanong si Toper

"Hah?" takang tanong ni Mia

"As in talagang wala kang ibang namimiss?" tanong ulit ni Toper, hinampas na sya ni Lei sa balikat

"Hayaan mo na yan si Toper, Gabi na kasi kailangan nya itulog ang mga pinagsasabi nya, so paano text mo na lang kami kung kailan natin pagpaplanuhan ang outing natin? Para makapag leave na kami sa work" say ni Lei

"Oo naman, text ko kayo kung kailan tayo magpaplano!" assured ni Mia sa kanila

"So, guys let's go! Goodnight Mia, welcome back!" paalam nila Luisa at nagsilakad na sila ng may biglang pahabol si Toper kay Mia

"Mia, alam kong deep inside may namimiss kang mas higit sa amin, pilitin mong alalahanin!" sigaw ni Toper at hinila na ito ni Lei palayo, napa-ingay

Umakyat na sa bahay si Mia..

"Nakaalis na sila Luisa?" tanong ni Mila

"Kakaalis lang po nay, sige po nay, pasok na po ako sa kwarto para makapagpahinga!" dumeretso na si Mia sa kanyang kwarto at sinarado ito

Umupo sa kanyang kama at inalala ang sinabi ni Toper sa kanya kanina

"Mia, alam kong deep inside may namimiss kang mas higit sa amin, pilitin mong alalahanin!" sigaw ni Toper sa kanya

"Sino yun dapat kong alalahanin? Mas namimiss ko pa kaysa sa kanila? Sino sya?" pilit na iniisip ni Mia kung sino ang taong tinutukoy ni Toper na mas namimiss nya kaysa sa mga kaibigan nya

Sa kakaisip ni Mia sa kung sino iyun ay dinapuan na siya ng antok at nakatulog na..

Meanwhile...

Nagmamaneho si Gabriel ng kanyang sasakyan kasama si Sally, tahimik lang siya sa buong biyahe ng basahin ito ni Sally..

"May problema ba sa trabaho?" tanong ni Sally sa kanya

"Wala pagod lang ako sa naging mahabang biyahe namin mula Amerika to Pilipinas" cold na sagot ni Gabriel

"Bakit ba parang ang cold mo naman sa akin?" tanong ni Sally kay Gabriel

"Sally, pagod ako sa biyahe pwede ba makinig ka na lang ng music dyan" say ni Gabriel

"May ginawa ba ako sayo na ikinainis mo?" tanong nya Kay Gabriel, nakikitang naiirita na si Gabriel sa kakasalita ni Sally

"Wala Sally, kaya please lang tumahimik ka na lang muna pwede?" kalmado pa rin si Gabriel sa pagsasalita kahit deep inside naiirita na siya sa kinikilos ni Sally, kung saan sya maroon, sumusulpot ang girlfriend nyang clingy sobra

"Gabriel Dela Cruz, kung may problema ka? Sabihin mo sa akin, pwede natin tong pag-usapan please!" di pa rin tumatahimik di Sally at patuloy na magsasalita ng biglang---

Itinigil ni Gabriel ang sasakyan...

"Ayan na ang bahay Nyo, pwede ka ng bumaba, uuwi muna ako sa amin!" say ni Gabriel

"Uuwi ka sa Inyo? Saan sa Vigan?" gulat na tanong ni Sally

"Tutal naman wala akong next schedule ng flight this coming two weeks, Uuwi muna ako sa parents ko, malinaw ba Yun?" harap harapan sagot ni Gabriel kay Sally

"Iiwan mo ako dito sa Manila?" tanong ni Sally kay Gabriel

"Eh dito ang bahay mo, andyan ang parents mo, tsaka ang tagal ko ng di nakakauwi sa probinsya para madalaw ko man lang ang parents ko, lagi na lang ako nasa condo after ng trabaho, ngayon wala naman akong next scheduled flights, uuwi muna ako ng Vigan!" I explain ni Gabriel kay Sally ng maigi

"Paano ako?" pagmamakaawa ni Sally kay Gabriel

"Dyan ka na lang muna sa parents mo, magbonding kayo, hindi Yun laging buntot ka ng buntot sa akin, kailangan mo rin makipagbonding sa parents mo, at ganun din ang gagawin ko!" say ni Gabriel

"Gabriel naman eh!?" nagmamaktol na si Sally sa harap nya

"Two weeks lang naman Sally, after non balik Manila na ulit ako, Kay pwede samahan mo muna ang parents mo para naman kahit papaano maramdaman nila ang care mo sa kanila, ibalanse mo nga ang situation mo!" sumbat ni Gabriel kay Sally

"Two weeks lang hah!?" say ni Sally

"Oo, two weeks lang, aalis na ako!" at pinaandar na ni Gabriel ang sasakyan

"Kainis na lalaking Yun!! Di man lang nag I Love you!! Grrr!!" pagmamaktol ni Sally sabay pasok sa bahay nila

====================================

Chapter 48 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now