Chapter 15

0 0 0
                                    

Patuloy na naglalaro sila Gabriel at Toper ng basketball...

"Pre?" tawag ni Toper habang nagdidrible ng bola

"Bakit?" si Gabriel habang nakabantay Kay Toper

"Seryoso ata ang usapan Nyo ni Mia kanina ah?" umpisa ni Toper

"Nagkakwentuhan lang naman kami anong masama don?" bwelta ni Gabriel, nakafocus pa rin sya sa pagbabantay Kay Toper

"Pre, umamin ka nga, type mo ba si Mia?" say ni Toper sabay crossover kay Gabriel sabay tira ng lay up

"Di ba bawal sa rules ng simbahan Yun?" change topic ni Gabriel

"Sus Pre! Kung makatitig ka kay Mia, kulang na lang tunawin mo sya kanina sa kakatitig mo!" tukso ni Toper Kay Gabriel

"Lahat na lang may malisya sayo pre!" say ni Gabriel sabay dribble ni Gabriel ng bola

"Pre, dami mong pasakalye, Isa lang naman ang tanong ko, type mo ba?" tanong ulit ni Toper, nag crossover si Gabriel sabay tira ng bola, sablay!

"Di ka ata makafocus pre?" tukso ni Toper

"Tama ka na nga pre, kaibigan ko lang si Mia, tsaka kakakilala pa lang naman namin, dami mong alam pre!" say ni Gabriel kay Toper

"Hay pre! The rules doesn't matter if you love each other!"lektur ni Toper Kay Gabriel

"Dumale ka naman! Tara na nga umuwi, pinagpawisan na ako!" say ni Gabriel kay Toper

"Iwas intriga ka pre!" humabol pa ng asar si Toper Kay Gabriel

Palabas na sila ng court ng makita pa rin nila si Mia, this time kasama na si Luisa...

"Oh girls!" bati muli ni Toper kila Mia at Luisa

"Hi Toper and Gabriel!" bati ni Luisa kila Gabriel

"Hi Luisa" say naman ni Gabriel

"Hello Luisa" say naman ni Toper

"Pauwi na rin kayo?" tanong ni  Gabriel sa girls

"Yup, pauwi na rin kami tapos ng mag-emo si Mia eh!" say ni Luisa sabay hampas naman ni Mia sa balikat nito

"Luisa.." saway ni Mia kay Luisa

"So, let's get going na, sabay na tayo kila Gabriel, is that okay Mia?" taas kilay ni Luisa kay Mia

"May choice ba ako" say ni Mia sabay tayo ni Mia at Luisa

While walking back home...

"Mia?" tawag ni Gabriel kay Mia

"Oh?" kanina pa kasi tahimik so Mia

"Tahimik ka ata, etong sila Toper at Luisa kanina pa salita ng salita, may problema ba?" takang tanong ni Gabriel kay Mia

"Wala, wag mo na akong pansinin" tipid na sabi ni Mia kay Gabriel

"Pwede ba yun, share ka naman dyan?" sabay pabirong kiniliti si Mia sa tagiliran

"Gabriel, tigilan mo ako?" babala ni Mia kay Gabriel

"Kwento ka naman dyan" talagang inaasar na ni Gabriel si Mia

"Gabriel, Isa!" say ni Mia

"Dali na!" say ni Gabriel

"Dalawa!" ngunit nahalata mong nakangiti si Mia habang inaasar ni Gabriel

Nakangiti lang pinagmamasdan nila Toper at Luisa ang dalawa na nag-aasaran

"Tatlo!" say ni Mia

"Habulin mo ako!!" hinabol nga ni Mia si Gabriel, parang mga batang naglalaro lang ng habulan

"Tignan mo yung dalawang Yun, parang mga bata" say ni Toper Kay Luisa

"True, ang bilis naman nilang makomportable sa isa't isa" say naman ni Luisa

"Bago palang si Gabriel sa service pero parang ang tagal na natin siyang kasama" si Toper naman

Napagod na ang dalawa sa habulan at bumalik na sa kinaroroonan nila Toper...

"Pagod?" asar ni Toper sa dalawa

"Sobra pre, napakatulin nitong humabol kaya binilisan ko" hinihingal na sabi ni Gabriel

"Sabi ko sayo, wag mo akong hahamunin!" say ni Mia na parang di napagod sa habulan

"Para kayong mga bata" say ni Luisa

"Well, pinganak yata akong runner" sabay flip ng buhok ni Mia

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakauwi na rin sila sa kanya kanyang bahay

Sa bahay nila Gabriel...

"Gabriel nandyan ka na pala anak, Tara kumain ng---" napatigil ang mama ni Gabriel ng makita ang mukha ng anak

"Anong nangyari dyan sa mukha mo?" tanong agad ng mama ni Gabriel sa kanya

"Tumulong lang naman kagabi ma at nadalo lang ng very light " paliwanag ni Gabriel sa mama nya

"Bakit di mo sinabi sa akin kagabi?" tanong ng mama nya sa kanya

"Ayaw ko naman po kayong mag-alala kaya di ko ipinakita sa Inyo kagabi" paliwanag muli ni Gabriel

"Anak naman! Di kami bato para iwasan mo na lang kapag may ganyan nangyayari sa iyo" tama nga si Gabriel di ka sya makakatakas sa sermon ng kanyang ina

"Pasensya na ma, ayaw ko lang naman mag worry kayo kaya Yun" si Gabriel habang hinihimas ang likod ng ulo nya

"Naku Gabriel sa susunod magsasabi ka para di naman kami parang tuod dito, halika na kumain" say ng mama nya at pumunta na sa komedor si Gabriel para sumabat kumain

Samantala...

Sa Bahay ni Toper...

Dahan dahan pumasok si Toper sa loob ng bahay nila ng---

"Dahan dahan ka pa rinig ka naman" nagulat si Toper ng makita ang nanay nyang nasa may sala

"Ma, kayo ho pala, nagpapawis lang po ako kasama si Gabriel" paliwanag ni Toper

"Nang ganyan ang pah-iitsura ng mukha mo matapos kang makipagsuntukan kagabi " say ng mama nya

"Tumulong lang po ako ma, di naman ako nakipagsuntukan, nadalo lang ako kaya ganto ang mukha ko!" si Toper

"Hay bata ka talaga! Mabait kapag nasa loob ng simbahan, basagulero paglabas, halika na kumain" yaya ng mama nya Kay Toper, napakamot na lang ng ulo si Toper at sumunod na sa nanay nya sa kainan

Mia's House

Paakyat na si Mia sa bahay nila ng --

"Saan ka galing?" bungad agad sa kanya ng nanay nya

"Dyan lang po sa Plaza nagpahangin" say naman ni Mia sa nanay nya

"Ang tagal ata ng pahangin mo, di kaya may kinakatagpo ka na sa plaza?" Duda ng ng nanay ni Mia

"Wala nga po nay! Nagkakwentuhan ko lang si Sister Margaret at Luisa Yun lang!" sambit ni Mia na medyo irita na

"Mabuti kung ganon, dahil oras na malaman ko na nakikipagtagpo ka sa kung sino sino dyan, sinasabi ko sayo Mia Brielle, sumunod ka sa kinaugalian  dahil para sa iyo rin Yun" sinermunan na naman ni Mila si Mia saka ito umalis

"Kailan ba nagbabago ang nanay ko?" sambit ni Mia sa kanyang isipan

=================================

Chapter 16 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now