Chapter 44

2 0 0
                                    

Brylle's Pov.

Nakina Pauline ako ngayon pero wala pa si Pauline dito. May ginagawa pa siya at kasama niya ngayon sa labas yung mga kaklase niya. School project.

From: Babe
Ginagawa mo jan?

From: Babe
Akala ko ba galit ka?

Text ni Pauline. Nag-away kasi kami kanina, nalaman ko na may lalaking nagpapicture sa kaniya at pumayag naman siya. Akala niya hindi makakarating sa akin.

Baka matanggap ko pa kung kaklase niya lang kaya pumayag siya kasi baka kaibigan niya na rin ito pero hindi. Taga ibang department at di lang yun, may picture na rin sila nung Enriquez na crush niya. Sinasabi naman ni Pauline na hindi niya crush yun pero kinikilig naman kapag napapansin siya nito.

'Crush din ako ni Pauline nun, paano kung maagaw siya sa akin?'

To: Babe
Oo, galit pa rin ako. Kaya umuwi ka na at suyuin mo na ako!! :(((

From: Babe
Hindi pa kami tapos. Maya-maya pa ata ito.

To: Babe
Anong oras mo ako lalambingin????!!

From: Babe
Babe nandito si Justine! Ang cute niya!!!

To: Babe
Nakng nagagalit nga ako dahil pumayag kang magpapicture siya sayo, tapos ngayon kasama mo pa?!!!

From: Babe
Hindi ko naman alam na dadating siya dito. Nagkataon lang tsaka kasama niya yung mga kaibigan niya.

To: Babe
Saan ka? Susunduin na kita!!!!

"Tin alam mo ba kung nasaan ate mo?" tanong ko kay Tintin na ngayon ay kumakain ng mansanas.

"Di ko alam kuya, sabi niya lang may gagawin sila ng mga kaklase niya."

To: Babe
BABE!!!!!????? SAAN KA????!!!!

From: Babe
After this, uuwi agad ako babe. Don't worry babe kahit anong mangyari sayo pa rin ako uuwi. Muah yiieeee

To: Babe
Walang mangyayari, sakin ka talaga uuwi!! Lumayo ka sa Enriquez na yan babe! Yari ka talaga sa akin kapag nakipag-usap ka jan.

From: Babe
Seloso. Oo na haha sige na may ginagawa ako. Later bye.

To: Babe
'I love you' ko???

From: Babe
I LOVE YOUUUUUU!!

Napangiti naman ako sa text ni Pauline.

"Yan."

To: Babe
Yan, tandaan mo yan. Ako lang ang mahal mo. Uwi agad ha? May susuyuin ka pa. I love you!!😘

"Nasaan na daw si Ate, Kuya Brylle?"

"Kasama pa yung mga kaklase, baka mamaya pa yun. Ako muna bantay mo habang hindi pa nauwi si Tita."

"6pm na, baka nasundo na yun ni Tito Paulo." sabi ni Tintin at napatingin naman ako sa oras. Tama nga siya, baka maya-maya lang din ay nandito na sina Tita. "Kuya? Pwedeng magtanong?"

Muli naman akong napabaling kay Tintin na seryosong nakatingin sa akin.

"Ano yun?"

"Tingin mo magkakatuluyun sina Mama at Tito Paulo?" mahinang sabi ni Tintin na tila ayaw niyang may ibang makarinig, e dalawa lang naman kaming narito sa kanila.

"Hindi ko alam. Bakit mo naitanong? Ayaw mo bang maging sila ng mama mo?"

"Huh? Gusto. Mabait sa akin si Tito, kapag nandito siya parang kasama ko na rin si Papa. Tsaka kahit di niya ako anak, hindi iba yung turing niya sa akin. Sinabi pa niya sa akin kung gusto ko daw ba siyang maging papa, wala daw problema sa kaniya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY TEXTMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon