Chapter 26

6 1 0
                                    

"Papa?" tawag ko. Lumingon naman ito sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Nakitang kong nakatingin din sina Faye kay Papa. Kaya nasisiguro ko na hindi ako namamalik-mata.

Dahan-dahan akong lumalapit sa kaniya. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Lumalapit din siya sa akin.

Nanginginig pa ako at sinubukan ko siya hawakan. Ngunit hindi ko pa man siya nahahawakan ay siya na ang unang humawak sa braso ko at naramdaman ko ang init ng kamay niya kaya nasisiguro ko talaga na siya yun.

Hindi ko naiwasang maiyak at agad siyang niyakap.

"Papa buhay ka? Buhay ka papa? Papa miss na miss na kita. Miss na miss na kita. Pa? Buhay ka." naiiyak na ako at wala na akong pakialam kung ano man ang maging itsura ko. Humiwalay naman ako at tinignan muli ang mukha niya lalo na ang mga mata niya.

"Papa? Ikaw yan diba? Buhay ka diba? Guys, nakikita nyo siya diba? Diba? Faye? Kilala mo si Papa, diba? Nakikita nyo siya? Siya ang papa ko. Nakikita nyo naman siya diba? Buhay siya guys." turo ko sa lalaking katabi ko.

Tumango naman sila.

Muli akong tumingin kay Papa.

"Pa? Nagbalik ka? Buhay ka? Ikaw ang papa ko diba?" tanong ko at walang tigil kong iyak.

"Oo, ako ang papa mo Pauline. My princess." sabi nito at mas lalo akong naiyak kaya di ko pigilan ang sarili ko na yakapin muli ang papa ko. Naramdaman ko din na niyakap niya ako.

Narinig ko pa na may nagsibabaan. At nakita ko si Tintin na nakatingin sa amin.

"T-Tintin? H-halika, dali. Si Papa. Buhay si Papa. Lumapit ka dito. Yakapin mo ang Papa natin." sabi ko.

Umiiyak naman na lumapit si Tintin kay Papa.

Mas naiyak ako nang makita ko si Tintin na mahigpit na nakayakap kay Papa.

"Papa" tawag ni Tintin. Hindi ko naman natiis ang sarili ko at niyakap ko silang pareho.

"Kuya Paulo? Nandito ka na po pala." humiwalay naman ako at lumingon kay Brylle. Kita ko naman sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

"Babe? Bakit ka umiiyak?" tanong nito sa akin.

"Babe? Siya si Papa. Siya ang papa namin ni Tintin." masayang sabi ko kay Brylle. Nilapitan ko siya at niyakap. "Babe, buhay si Papa. Buhay ang papa namin." sabi ko habang nakayakap kay Brylle.

Lumayo naman ako at tinignan sina Tita Nenita, nasa hagdan naman sina Ate Delia.

"Tita? Tito? Ate Delia? Buhay si papa. Nakikita nyo? Buhay ang papa ko." masayang sabi ko at nilapitan kong muli si papa at hinawakan ang kamay nito.

"Pa? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin? Saan ka po nagpunta?" tanong ni Tintin at nakahawak din si Tintin sa kabilang kamay ni Papa.

"Bitawan nyo ang lalaking yan, Tintin-Pauline!" napalingon naman kaming lahat sa may pinto. At dun nakatayo si mama.

"Ma? Ma si Papa. Buha--"

"Hindi siya ang papa mo, Pauline. Matagal ng patay ang papa nyo ni Tintin. Layuan nyo ang lalaking yan." sabi ni mama at hinigit kaming dalawa ni Tintin papalapit sa kaniya.

Lalapit na sana si Papa ngunit nagulat kaming lahat nang biglang sampalin ni mama si papa.

"Binalaan na kita, diba? Huwag na huwag kang lalapit sa anak ko!" galit na sabi ni mama.

"Anak ko din si Pauline."

"Wala kang anak, Paulo. Si Paul ang ama nina Pauline at Tintin! Hindi ikaw! Pauline? Tintin? Sumakay na kayo sa kotse, bilis!!"

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now