Chapter 32

6 1 0
                                    

Pauline's Pov.

Napangiti naman ako kay Brylle dahil suot-suot niya yung bag ko sa harapan niya.

"Babe nabanggit sakin ni Tin. Pinansin mo na daw si Tita kanina. Okay na kayo?" tanong ni Brylle at lumingon sakin. "Oy nakangiti siya, okay na nga kayo ni Tita?"

"Ewan. Pinansin ko si mama pero nag-away din kami kanina e haha..ay naalala ko, sa bahay magdi-dinner si Papa. Ikaw din ha? Sa amin ka na magdinner." aya ko.

"Kung iisipin, ito ang unang pagkakataon na makakasama mo yung papa mo kumain kasama yung mama at kapatid mo. Sa tingin ko, mas maganda kung kayo munang magpapamilya ang magkakasama. Sa susunod na lang ako, babe." sabi naman ni Brylle.

"May point ka. Kaso ngayon ko pa lang sila makakasama ng magkasama. Hindi ko alam ang mangyayari mamaya. Baka mag-away lang sila. Hindi pa rin gusto ni mama na makasama ko si papa. Napapayag ko lang siya kanina."

"Hindi naman siguro sila mag-aaway. Papayag ba si Tita Nica na pumunta sa bahay nyo si Tito Paulo kung alam niyang magtatalo lang sila nito. Update mo na lang ako, mamaya. Try kong dumaan sa bahay nyo."

"Owkeeyyy sabi mo eh."

...

..breaktime..

Si Stephan lang ang nakakaalam na okay na kami ni Brylle. Kaya napansin ko na parang ang tahimik ng mga kaibigan namin ni Brylle. Gusto ko naman matawa dahil ang tahimik at ang seryoso ng mukha ni Brylle. Akala ko badtrip siya pero kumindat siya sakin.

Dumeretso naman kami ni Faye sa mesa at mga lalaki ay dumeretso na sa counter.

"Bes hindi pa rin kayo okay ni Brylle?" tanong ni Faye. Nagkibit balikat naman ako.

"Hindi pa rin kayo nag-uusap?" tanong pa ni Faye.

Umiling naman ako. Ilang saglit lang ay umupo na sa harapan ko si Brylle.

Nilagay niya pa sa harapan ko ang isang paper plate na may pancit.

Wala akong sinasabi kay Brylle kung anong gusto ko. Wala nga akong sinabi na pancit ang ibili niya sa akin. Ngunit nang makita ko ang pancit, bigla akong nakaramdam ng gutom.

May binili rin siyang 2 bottle of water.

Sinimulan ko ng kainin yung pancit kasi gutom na talaga ako. Nagtaka pa ako ng tumayo si Brylle at pumunta sa likuran ko. Yun pala itatali niya lang yung buhok ko.

Nakatingin sa amin ang mga mata ng mga kaibigan namin. After itali ni Brylle yung buhok ko ay bumalik na din siya sa pwesto niya at tahimik ng kumain nung pancit niya.

Pagkatapos ng breaktime namin.

Pinatong ni Brylle yung kamay niya sa ulo ko.

"Mamaya di ako makakasabay umuwi. May practice kami. Ikaw, deretso uwi ka ha? Una na ako. I love you." sabi ni Brylle. At ngumiti na lang ako. At nagreact naman yung mga kaibigan niya.

"Mga hayp kayo. Okay na pala kayo." sabi ni Kenzo.

"Lalakas ng trip ng dalawang ito."

"Hindi pala okay ha? Kurutin ko singit mo eh" react naman ni Faye na kinatawa ko.

......

7pm na kami nakalabas ni Faye. Sasabay na nga sana ko kay Faye dahil kinaun siya ng kuya niya pero may nagbusina at nakita ko ang sasakyan ni Papa.

"Anak, sabay ka na sakin."

Tumingin naman ako kay Faye. 

"Una na kayo. Bye. Ingat." paalam ko kay Faye.

MY TEXTMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon