Chapter 39

6 1 0
                                    

Paulo's Pov.

5 am palang ng umaga nang magising ako at sobra akong nanlulumo dahil hindi ko alam ang gagawin ko para sa araw na ito.

Pero maya-maya lang pagkatapos kong maligo, nabuhayan ako ng loob ng makitang tumatawag ang isa sa pinakamamahal kong babae sa buhay ko. Si Veronica..

Nagpapasama siya sa akin maggrocery kasama yung anak namin na si Pauline.

Nang malaman kong makakasama ko siya, agad akong pumunta sa kanila.

Dumating ako na parang hindi ako masaya. Nang makita ko si Veronica, iniwasan kong ngumiti sa harapan niya. Dahil nangako ako sa anak ko na hindi ko na kukulitin ang mama niya.

Ngunit hindi ko inaasahan ang vibe ngayon ng anak ko. Mukhang masama ang gising niya. Sinusubukan ko siyang kausapin pero mukhang tamad na tamad siyang magsalita.

Habang namimili kami ni Nica hindi ko na talaga maiwasang maging masaya.

"Thank you, Nica." pasasalamat ko.

"Para saan?" tanong nito sa akin habang kumukuha ng mga kailangan sa bahay.

"Dito. Kasama kita..pati yung anak natin. " nahihiya kong sabi.

"Huwag ka ngang ngumiti jan. Nagkataon lang na masakit ang katawan ko kaya hindi namin kaya ni Pauline nang kami lang. Atsaka kay Brylle sana ako magpapasa, kaso baka may pasok yung bata."

"Edi second choice mo lang ako?" tanong ko.

"Oo, ano pa ba?"

Tumango-tango naman ako kay Nica.

"Sabagay, lagi naman akong second choice lang sayo." sabi ko at nagtitingin-tingin din ng mga paninda dito sa grocery story.

Binabasa ko yung label ng alak na nakita ko nang magsalita ulit si Nica.

"Sa bahay ka na magtanghalian ah? Kapalit ng pagsama mo samin ni Pauline."

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Makasama ko lang kayo ng anak ko, masaya na ako." sabi ko at ngumiti sa kaniya pagkatapos ay binaling muli sa alak yung paningin ko.

"Bakit..bakit masaya kang kasama ako, e wala nga akong ginawa kundi maging masama sayo." dinig kong sabi ni Nica at lumingon sa kaniya. Binalik ko naman yung alak na hawak-hawak ko.

"Alam kong galit ka lang sa akin. Deserve ko naman lahat yun. Hindi naman talaga kapata-patawad yung ginawa ko sa inyo ni Paul. Sadyang hindi ko lang mapigilan yung sarili ko na hindi ka mahalin. Hanggang ngayon ikaw pa rin yung pinakamamahal kong babae. Alam mo yan, kahit nung nasa France pa ako, hindi ako tumigil sa pagmessage sayo. At naniniwala ako na balang araw, bigyan ako ng pagkakataon ng diyos na mapatawad mo rin ako. Tapos ngayon, paano ako hindi magiging masaya kung kasama ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko at ang anak ko, diba?" nakangiting sabi ko sa kaniya at kumindat pa.

Umirap naman ito sa akin. Napakaganda pa rin niya.

"Wala namang nanliligaw sayo diba?" tanong ko dito.

Nagtaas naman siya ng kilay sa akin.

"Bakit mo tinatanong?" mataray nitong sabi.

"Wala lang. Natanong ko lang."

"Mukha bang tumatanggap pa ako ng manliligaw?"

"Bakit hindi? Maganda ka? Bata pa. Pwedeng-pwede ka pa mag-asawa." sabi ko dito.

"Hindi na yan pumasok sa isip ko simula ng mawala si Paul. Kina Pauline at Tintin ko na lang ibubuhos yung panahon ko. Sanay naman na ako na kaming tatlo lang."

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now