Chapter 40

6 1 0
                                    

Pauline's Pov.

Nagustuhan ko naman yung effort ni Brylle. Talagang bumawi siya sa akin dahil dun sa photo. Pati mga kaibigan niya nag-sorry sa akin at nangako na hindi na mauulit.

At sa tuwing magkasama kami ni Brylle, sobrang clingy niya. Malambing at lahat ng gusto ko binibigay.

Katatapos ko lang yung report presentation ko para bukas at masasabi ko na sobra akong pagod ngayon. Kauuwi lang din ni Brylle sa bahay nila galing dito.

Pati yung nga activity and reports niya, dito na din niya ginagawa sa bahay para lang makasama ako.

To: Babe
Brylle?

To: Babe
Oy

From: Babe
Yes, babe? Miss me already???

To: Babe
I'm tired

From: Babe
Rest ka muna, babe. Matulog ka muna. Deserve mo yan dahil marami kang na-accomplish today.

To: Babe
I have a problem and it makes me sad.

From: Babe
Ano yun? Maybe I can help.

To: Babe
Yes, you can. Yun ay kung papayag ka.

From: Babe
Ano ba yun? Just tell me.

To: Babe
Break muna tayo, pwede?

Hindi naman agad nagreply si Brylle at nagulat na lang ako nang tumatawag na ito sa akin. Hindi ko naman ito sinagot.

From: Babe
What do you mean break? NO!!! Babe akala ko okay na tayo? Kung may nagawa man akong mali, sorry na please??

To: Babe
Chill, magbi-break lang naman tayo ng ilang oras. May kakausapin lang kasi akong guy. Gusto ko naman maging honest na single ako. Kung tayo, ayokong naman masabihan na nagcheat.

From: Babe
Baliw ka ba?! Sinong lalaking yan??!!! Sagutin mo yung tawag ko. O babalik ako jan sa inyo??!!!

To: Babe
Brylle Anthony naman!! Hindi ikaw ang gusto kong makausap!! Pagbigyan mo na ako. Ilang oras lang naman. Lalandi lang ako saglit. Bukas sayo na ulit ako.

From: Babe
PAULINE!!!!!!! Parang timang ka!!!!! Ano bang iniisip mo??? Stop playing! Hindi ka nakakatuwa.

Hindi ko na siya nireplyan at tinext ko na lang yung isa niyang phone number.

To: B
Hey?? Long time no text??

To: B
How are you???

To: B
I'm sure namiss mo ako ng sobra?? Miss na rin kita muah!

From: Babe
Ano ba talagang trip mo babe?? Now tini-text mo yung isa kong number. Hindi yun rireply sayo. Wala yung load.

To: Babe
Loadan mo muna. Bilis!

From: Babe
Wala akong pang-load.

To: Babe
Tot mo! Binuksan ko yung GCash mo kanina, may laman yan. Bilis na bestfriend. Lalandiin ko muna si B.

From: Babe
Ahhhh! Siraulo ka talaga. Pinag-aalala mo ako sa text mong break. Sumakit yung puso ko sayo babe.

To: Babe
Seryoso ako sa text ko bestfriend. Break na muna tayo. Lalandiin ko muna si B. I'm bored.

From: Babe
bestfriend ka jan!!

To: Babe
Pasalamat ka, ginawa pa kitang bestfriend ko. Bilisan mo na, loadan mo na yung isa mong number. Kung hindi, yung bestfriend magiging friend na lang.

From: Babe
Oo na, sandali.

To: B
Hi???

From: B
Happy now??

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now