Chapter 21

6 1 0
                                    

Dahil sobrang lakas pa talaga ng ulan, dito na sa amin magpapalipas ng gabi si Brylle.

Hindi ko talaga maiwasang mapangiti habang pinapanood ko si Brylle na nakikibonding kina Tintin at mama sa sala. Nag-uusap sila about sa pinapanood nila ngayon sa telebisyon.

Nang sumapit na ang alas diez ng gabi. Sinabi ni mama na sa sala na kami lahat matutulog. Nilatag namin yung dalawa kutson at pinagdikit namin para magkasya kaming lahat.

"Tita pwede po bang dito na lang ako sa sofa matulog?"

"Ayaw mo sa tabi ni Pauline? Malaki naman ang tiwala ko sayo, Bryle. Tsaka nandito naman ako kasama nyo, hindi naman ako mababahala. Okay lang kung sa tabi ka ni Pauline matulog."

"Thank you tita at may tiwala kayo sakin. Naaappreciate ko po..kaso malaki din po yung respect ko kay Pauline at sa inyo ni Tintin. Parang hindi magandang tignan kung tatabi ako kay Pauline o kahit sino sa inyo. Mga babae kayo at lalaki ako. Tsaka manliligaw pa lang naman po ni Pauline. "

"Naiintindihan ko. Salamat Brylle."

"Para saan po?"

"Dahil talagang mapagkakatiwalaan kita pagdating kay Pauline. Salamat."

Nahihiyang ngumiti naman si Brylle.

"Yiieee ang dami mo ng pogi points kay mama ah hahaha" asar ko kay Brylle.

Natatawa na lang kami dahil hindi naiwasan ang mapangiti ni Brylle.

..

11pm..

Natutulog na sina mama at Tintin, habang kami ni Brylle ay nasa kusina. Hindi ako makaramdam ng antok kaya naggatas ako. Kinakain naman ni Brylle ay yung mga pagkain na tinabi ko, in case na gusto kong kumain.

"Di ko inaasahan yung sasabihin mo kay mama." sabi ko.

"Alin yun?" tanong ni Brylle sakin.

"Yung sinabi mo na sa sofa ka na lang matutulog. Actually, hindi talaga ganun si mama. Kahit manliligaw o  boyfriend man kita, hindi nun ako payayagan na tumabi sa lalaki. Yung sinabi ni mama kanina, siguro sinusubukan ka lang niya. Syempre, dalawang babae ang anak niya, at nag-iisa lang si mama sa buhay namin. Wala siyang ibang gagawin kundi ang protektahan kaming magkapatid. Thank you ah."

"Thank you dahil pumasa ako sa pagsubok ni tita?"

"Thank you sa pagmamahal na binibigay mo sakin at sa pamilya ko."

Ngumiti naman sakin si Brylle. Natigilan pa ako ng hawakan niya yung mukha ko gamit yung dalawa niyang kamay. Parang tumigil bigla yung mundo ko ng ilapit niya yung mukha niya sakin.

"You're welcome, babe. Thank you din sa saya na binibigay mo sakin. Hindi ako magsasawa sayo, hindi ako mapapagod, hindi kita sasaktan, hindi  mawawala yung pagmamahal ko sayo. Remember that." sabi nito at tinanggal na yung kamay niya sa mukha ko at umayos na uli ng upo.

"Brylle?"

"Hmm?"

"May gusto akong gawin sayo.."

Lumingon naman agad sakin si Brylle ng nakangiti.

"Gusto mo akong i-kiss?"

Inirapan ko naman siya.

"Hindi nuh. Asa ka. Nung high school, diba may crush ako sayo noon? Hindi ako makalapit sayo kasi nga nahihiya ako. Naiinggit ako sa iba nating kaklaseng babae kasi ang dali lang sa kanila na makipag-usap sayo. Ang daldal kong tao pero pagdating sayo tiklop ako. Wala lang share ko lang haha"

"Eh ano yung gusto mong gawin sakin?"

"Gusto kong hawakan yung tigkabilang pisngi mo katulad nung ginawa mo sakin ngayon."

Nagulat naman ako ng ilapit niyang muli yung mukha niya.

"Gawin mo na."

Napangiti ako ng mahawakan ko na yung pisngi niya.

"Ito pala yung pakiramdam. Noon iniimagine ko lang, ngayon nahahawakan na kita." nakangiting sabi ko dito.

"Ang ganda mo.." napanguso naman ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin ngunit nakahawak pa rin ako sa kaniya. Pagtingin kong muli ay ganun pa rin yung tingin niya sa akin. "..I love you." natigilan naman ako sa sinabi niya.

Iba yung pakiramdam kapag narinig ko na ng personal. Madalas nasasabi niya lang yun sa text.

"I love you, too." sabi ko ngunit walang tunog. Nagulat naman siya.

Bumitaw na din ako.

"Be-babe? Pauline? Totoo ba? Mahal mo na rin ako?"

"Ha? May sinabi ba ako?"

"Luh? Daya. Ang sabi mo 'I love you too' kahit di mo nilagyan ng sounds, alam kong yun ang sabi mo."

"Hahahaha bahala ka, hindi iyun ang sinabi ko hahahaha"

"Ang daya mo naman..nagtatampo na ako"

"Hahahaha huwag ka na ngang magpacute jan. Hindi ka cute. Huwag kang mag-aalala, sa susunod na sabihin ko yung gusto mong marinig, promise isisigaw ko."

"Bakit hindi pa ngayon?"

"Gusto mong pagalitan ako ni mama. Natutulog na kaya ang mga tao dito hahaha.."

"Haha sige na nga. Promise mo ah? Isisigaw mo ah? Kasama pangalan ko."

"Oo, next year."

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Brylle kaya natawa ako.

"Next year ano kayang ganap sa 1st Anniversary natin ano?" tuloy ko sa sinasabi ko.

Bigla naman napangiti si Brylle.

"Hoy tama na. Hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay yung..ka-kanina pa ako kinikilig. Baka di na ako makatulog HAHAHAHA"

"Huwag kang masyadong maingay. Natutulog na sina mama."

"Tayo na?"

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now