Chapter 41

8 1 0
                                    

Pauline's Pov.

Kasesend ko lang kay Brylle ng picture ko solo and isang kasama si papa. Agad naman niya itong sineen. At nagreact agad siya.

Babe: Enjoy babe. I love youuuuuu!!!
Babe: Btw, ang ganda mo po sobra labyuuuuu!
Babe: Pasalubong po hihi

Me: Sige, ano bang gusto mong pasalubong??

Babe: Ayyy pwede?? Papasalubungan mo talaga ako?? Huwag na, nakakahiya naman hjknsjz

Me: Baliw! Ano nga?

Babe: Kalimutan mo na babe. Joke lang hahahah

Me: Bahala ka, di kita kakausapin kapag hindi mo sinabi.

Babe: Nangblockmail pa nga si babe.
Babe: Pero nahihiya nga ako HAHAH

Me: Ano nga? Naiinis na ako sayo. Huwag ka ng mahiya.

Babe: Hug po.
Babe: Tsaka po kiss, same po nung kanina iabsjzbdkxmzxpu 🥰😍

Me: HAHAHAHAHAHAHAH yung totoo nga!

Babe: Yun po yung gusto kong pasalubong😔😚

Babe: Seryoso po ako. Pwede po ba??

Hindi ko naman maiwasang kiligin sa sinabi ni Brylle. Pero hangga't maaari ay ponipigilan kong mapangiti dahil katapat ko lang si papa. Nasa SB kami kumakain. Bigla kasing nagutom si papa at na-crave siya sa Fav ni mama na cake dito sa SB.

Me: Pinabasa ko kay papa yung chat mo. Yari ka daw sa kaniya. Siya na lang daw i-kiss mo.

Biro ko kay Brylle. Pero hindi ko talaga pinabasa kay papa yung message ni Brylle.

Babe: Babe joke lang heheh...HOY JOKE LANG PO! Nagbibiro lang naman babe:(((((

"Nak order din ako para sa mama at kapatid mo mamaya bago tayo umuwi ah? Daan ulit tayo dito. And I heard may mga stock sila ngayon ng tumbler, ibili din natin yung mama mo para may magamit siya sa trabaho." sabi sa akin ni papa.

"Sige po."

"Si Brylle ba kausap mo?" tanong pa sa akin ni Brylle at tumango ako.

"Lagi naman kayong magkasama. Ngayon na nga lang tayo nagkasama ng tayo lang, kahati ko pa rin si Brylle sa attention mo." sabi ni Papa na kinatigil ko. Bigla akong nakaramdam ng konsensya.

Ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

"Hahahaha joke lang nak hahah hindi naman ako nagseselos kay Brylle. Masaya ako para sa inyo 'nak. Tsaka malaki yung utang na loob ko kay Brylle dahil kahit hindi tayo magkasama habang lumalaki ka, parang nakikilala na rin kita dahil kay Brylle."  nakangiting sabi ni Papa. Tumayo naman ako at tumabi kay papa. Niyakap ko pa yung braso niya.

"Seryoso ba papa hindi ka nagseselos kay Brylle? Nag-update lang ako sa kaniya kung nasaan tayo ngayon. Pero alam naman nun na oras mo ngayon sa akin. Nagsabi lang siya sa akin ng pasalubong niya.Yun lang." paliwanag ko kay papa.

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag anak. Hindi ako nagseselos kay Brylle. Ang totoo, naiinggit ako kapag nakikita ko kayong masaya."

"Edi nagseselos ka nga."

"Hindi. Hindi yun hahaha..naiinggit ako dahil okay kayo, masaya kayo. Habang kami ng mama mo..wala, kasalanan ko naman. Naiintindihan ko yung mama mo. Pero gusto ko talaga yung mama mo e. Mahal ko pa rin yung mama mo. Siya lang makakapagbigay ng saya sa puso ko katulad ng nararamdaman ni Brylle sayo anak. "

"Alam nyo po, ngayon ko lang nakita na may ganung side si mama. Pero alam kong hindi siya yun. Hindi mapagtanim si mama ng sama ng loob. Siguro naalala niya lang yung ginawa nyo sa kaniya dahil nakita ka niya pagkatapos ng ilang taon. Pero wala namang tinuro sa akin si mama dapat ganito ako, ganyan, huwag magtitiwala agad sa ibang tao. Pa, mabait naman po si mama. Maybe tinitigasan niya lang yung sarili niya ngayon, pero lalambot din po yung puso ni mama. Mapapatawad ka din niya ng lubusan."

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now