Chapter 36

6 1 0
                                    

Pauline's Pov.

Masaya ako na kasama ko si Papa pati sina mama habang kumakain. Isama pa na kasama rin namin ni Brylle. Si Tintin yung madalas niyang kausap dahil ang daming tanong ng kapatid ko.

Tapos si papa naman kinukulit si mama kahit madalas niya itong tarayan o sungitan.

"Pero wala ka ngang gagawin sa Friday?" tanong ni Papa kay Mama.

"Madami akong gawa. Di ako nauubusan ng gagawin." pagtataray ni mama.

"Edi magday-off ka na muna sa Friday. Labas tayo." masayang sabi ni Papa.

'Aba lumalakas na ang loob ni papa ah. Kung dati nangangapa pa siya kung paano niya kakausapin si Mama.'

"Inaakit mong magdate si mama, Tito? Wala pong pasok si Mama sa Friday. Pwede po kayong dalawa lumabas." imik naman ni Tintin.

"Bakit? Porke wala akong pasok, wala na akong gagawin. Dami-dami nating labahin. Madaming gawain sa bahay." sabi naman ni Mama.

"Pumayag ka na Tita. Kayang-kaya na nina Pauline yung gawain sa bahay. Wala namang pasok yan sa biyernes." napalingon naman ako kay Brylle.

'At talaga nga naman. Ayos ka talaga'

"Ah, oo nga ma. Kayang-kaya na ni Tintin yun. I mean kaya na namin yun. Wala naman akong pasok sa friday. Tsaka may sabado at linggo pa."

"Bakit kayo ang nagdedesisyon para sa akin. Hindi ako lalabas kasama yan nuh. Lalo na at kami lang?--At bakit ba ang kulit mo, Paulo? Nung isang araw ka pa."

"Nung isang araw pa pala, Tita. Pagbigyan mo na kasi si Tito. Para matahimik na yan kakaakit sayo. Sige ka, hindi ka nyan tatantanan." wika pa ni Brylle. Naku ka, ginaganyan mo na si Mama.

"Sige ba, basta hindi ka na makakatapak sa bahay, ano Brylle?" sabi naman ni Mama kay Brylle at natawa naman ako.

"Ah, huwag mo na kasing kulitin si Tita, Tito Paulo. Kapag ayaw, huwag pilitin. Hindi ko nga pinipilit si Pauline."

"Okay sige na. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo. Bukas na lang tayo lumabas. After work mo, susunduin kita. Tsaka huwag ka ng magdala ng sasakyan, ihahatid-sundo na lang kita. Tutal wala naman akong gagawin."

"Ano ba? Paulo? Wala tayong relasyon para gawin lahat yun. Diba nakikipaglapit ka kay Pauline. Si Pauline lang dapat ang inaasikasu mo. Bakit ako ang kinukulit mo?" 

"Ma?" saway ko kay Mama. Nag-aaway na kasi sila. Kung kanina, bangayan lang talaga. Nandito pa naman kami para kumain.

"Gusto ko lang makabawi sayo, Nica. Gagawin ko lahat para mapatawad mo ako."

"Huwag na lang. Ayaw ko sa mga taong sinungaling at mapagpanggap."

"Hindi ko na yun uulitin. Pangako, nagbago na ako. Lahat ng pinapakita ko at sinasabi ko sayo totoo. Aaminin ko, mali yung dinahilan ko sayong mahal kita kaya ko nagawang magpanggap bilang si Paul. Siguro gago lang talaga ako kaya ko nagawa sa inyo yun."

"Hindi siguro, Paulo. Gago ka talaga."

"Sorry na."

"Alam mo, Paulo? Rinding-rindi na ako sa kaka-sorry mo. Para kang sirang plaka na paulit-ulit."

Napansin ko ang ilang tao na tumitingin sa table namin. At kahit kabilang table ay napapalingon na din sa amin.

Brylle's Pov.

Napansin ko si Pauline na naiilang. At natingin-tingin sa paligid.

Batid kong nagiging uncomfortable siya.

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now