Chapter 17

6 1 0
                                    

"Nood tayong movie?? Marami akong bago. "

"Go lang."

"Wait kunin ko lang yung laptop ko sa taas."

Pagkakuha ko naman ng laptop, hindi ko makita yung projector sa tv. Ibinigay ko na muna kay Brylle yung laptop ko.


"Pili ka lang jan. May hahanapin lang ako. "

Tumakbo pa ako sa taas para hanapin yung hdmi.

"Pauline? Pwede akong manood?" dinig ko tanong ni Brylle mula sa baba

"Go lang."

Ilang minuto naman ang lumipas bago ko nahanap yung hinahanap ko.

Nagtaka naman ako nang marinig ko yung pinapanood ni Brylle. Nagtaka ako dahil iba ata yung pinapanood ni Brylle. Agad ko naman inagaw kay Brylle ang laptop ko nang makitang pinapanood niya yung sumasayaw ako sa school for performance task.

"Sinabi ko bang pwede mong panoodin yun??"

"Nagpaalam kaya ako. Sabi mo naman 'go lang' edi pinanood ko."


"Akala ko naman kasi movie yung tinatanong mong panonoodin mo."

"Panood na, tatapusin ko lang haha.."

"Ayoko nga. Para akong robot dito e."

"Okay lang yan hahaha..gusto kitang panoorin."

"Ayoko. Hindi ko nga pinapanood kay Faye, sayo pa kaya." sabi ko rito.


"Pleaseeee?????? Nasimulan ko na, tatapusin ko na."

"Tatawanan mo lang ako e."

"Hindi kita tatawanan. Pahiram na, please????"

Pinahiram ko naman sa kaniya ang laptop ko. Ayaw na daw niyang manood ng movie. Gusto daw niyang makita lahat ng laman ng laptop ko. Pictures and videos.

"Gagi tinatawanan mo ako."


"Ang cute mo dito haha.."


"Ang dungis ko nga jan. Di pa ako ligo jan."

"May ipapakita ako sayo. Ito yung wallpaper ng laptop ko."

Inilabas naman ni Brylle ang cellphone niya. Kahit mabilis nabuksan ni Brylle yung cellphone niya, nakita ko pa din na kaming dalawa ni Brylle yung lockscreen niya. Tas bago siya mag-open ng Photos, nakita ko din yung homescreen niya. Magsolo ako.

"Ito oh." sabi ni Brylle at pinakita ang isang picture ng batang babae at lalaki.


"Ako ba 'to? Ang cute ko hahaha anong grade natin dito? kailan yan?"


"Grade 1 tayo niyan, Christmas party natin. Saktong nakatabi kita kaya pinicturan tayo ni mama. Hindi ko nga din tanda yan. Pinakita lang sakin yan ni mama nung sabihin ko sa kanila na crush kita. "


"Hahahahahaha grabe, ang daming kong bracelet na suot, naka-headband pa ako, naka-make up pa ako hahaha napakakikay, kamukha ko si Tintin. Pasa mo sakin 'to."

"Ayoko nga. "

Napatingin naman ako kay Brylle at nakangiti siya sa akin.

"Pasa mo sakin." ulit ko pa.

"Ayoko nga haha.."

"Damot mo naman."

"Ipapasa ko sayo pero sa isang kondisyon. Kahit ipasa ko pa yung ibang mga picture natin, or kahit anong gusto mo sa phone ko, kahit mga picture ko hahaha ipapasa ko."

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now