Chapter 42

7 1 0
                                    

Pauline's Pov.

From: Babe
Babe, maaga ang labas namin. Date tayo?

To: Babe
Nakina Jenny ako mamaya.

From: Babe
Ah, tatambay lang? Foodtrip?

To: Babe
Mag-iinom. Nagsabi na ako kina mama.

From: Babe
Woah

From: Babe
Eh sa akin? Hindi ka muna nagsabi sa akin, na may party pala kayo later, kung hindi pa ako nag-akit, di mo sasabihin nuh?

From: Babe
Sino-sino kayo dun?

To: Babe
Lahat ng friends ko nandun.

From: Babe
Pati mga lalaki mong kaibigan?????

To: Babe
So? What's the problem?

Natigilan naman ako nang makitang tumatawag na si Brylle.

"Why did you call? Diba may class ka today?" seryoso kong tanong kay Brylle.

/"Nag-excuse ako. Ano? Okay lang ba kainuman yung friends mo? I mean your guy friends?"/

"Oo, nakainuman ko na sila dati." sagot ko.

/"What if, huwag ka ng sumama sa kanila? Next time ka na lang? Lumabas na lang tayo?"/

"Brylle I don't need your approval. I'm just telling you and iinom ako kung kailan ko gusto."  inis kong sabi.

/"But?-- Fine, just don't drink to much. Kakaunin kita aft--"/

"No need. Kaya kong umuwi mag-isa. After mo akong iwan kagabi. Ayaw na muna kitang makita."

/"Babe are you mad? Nag-iwan naman ako kagabi ng note, na kailangan ko ng umuwi."/

"Diba sinabi ko sayong huwag ka ng umuwi dahil late na? And ini-expect ko na gigisingin mo ako kapag aalis ka na. Tapos si Tin ang bubungad sa akin. Ganyan ka na sa akin."

/"Babe hindi ako sanay. I respected you so much. Ayaw kong may masabi sa akin sina Tita."/

"Wow, bait mo naman. Kumakailan lang may katabi kang ibang babae sa pagtulog, tapos girlfriend mo, hindi mo matabihan? Huwag mo ng idadahilan yung namamahay ka, lalo ka lang napaghahalataan na nagsisinungaling. Ilang beses ka ng nakipag-sleepover sa mga kaibigan mo. Eh kung sabihin ko kina mama yung huli mong inom? Wala pa rin kaya silang masabi sayo??"

/"Babe? Puntahan kita after this class. Mag-usap tayo."/

"Ayoko. Ayaw kitang makita." inis ko pang sabi kay Brylle. Hindi naman ako totally galit kay Brylle, hindi ko lang maiwasang magtampo.

/"Babe?--"/ tawag ni Brylle sa akin. Iniintay ko pa siyang magsalita. Sa tingin ko, may gusto pa siyang masabi pero hindi niya masabi.

"Sige na, may next class pa kami. Bumalik ka na sa klase mo." sabi ko at pinatayan na siya ng call.

From: Babe
Babe sorry po. Usap po tayo after class ko. Sayo agad ako dederetso.

From: Babe
Hindi na ako makapag focus sa class, gusto ko na agad pumunta sayo. Hindi ako mapakali kapag alam kong galit ka sa akin.

From: Babe
Sorry babeeee

From: Babe
:((((

To: Babe
Huwag kang text ng text!!! Magfocus ka jan!! Yari ka lalo sa akin.

From: Babe
Basta, pupuntahan agad kita after class ko, huwag kang aalis agad. I love you!

To: Babe
Kapag natapos na yung class ko at wala ka pa, aalis na ako. May pupunta pa kami.

MY TEXTMATEWhere stories live. Discover now