Chapter Thirty-Seven

50 3 0
                                    

BUSANGOT ang muka ko habang naka-upo sa damuhan sa gitna ng soccer field habang nag-i-strech ang mga kasamahan ko. Bitterness kasi ngayon at as usual mayroon kaming P.E class na ang tawag kapag sa Senior High School ay HOPE.

“Ano kaya ang sinasabing surprise ni Sir. Agabao kanina?” biglang tanong ni Wendy matapos sumalampak din ng upo sa tabi ko na ikinatingin ko naman sa kaniya.

Kapos pa siya sa hininga na halatang kakatapos lang mag-strech. Ako kasi ay tinamad ng mag-i-strech at sumalampak na lang ako rito sa damuhan dahil nga tinatamad akong kumilos at marami rin akong iniisip.

“Ewan ko. Hindi ko rin alam, e. Sana naman yung surprise na nakakatuwa ang tinutukoy niya at hindi nakakainis.” sagot ko naman na ikinatawa niya.

“Tama ka ron. Huwag sana niya tayong patakbuhin  sa buong field ng sampong beses kagaya nung na bad-trip siya dahil mamamatay talaga tayo sa sobrang init at pagod kapag nangyari iyon.” mahabang ani niya na ikinatango ko bilang pagsang-ayon.

Nagkatinginan pa kami at sabay napabuntong-hininga.

May minsan kasing ginawa nga sa amin iyon ni Sir. Agabao. Nabad-trip kasi ito sa mga kaklase naming lalaki na ubos ng ibinigay sa likod ng klase at nahuli pang nag-ce-cellphone ang isa. Ipinakuha niya ang cellphone pero hindi iyon ibinigay ng kaklase namin at nauwi sa sagutan nila iyon kaya naman nagalit si Sir. Agabao at buong section namin ay nadamay.

Simula noon ay hindi na namin siya ginagalit at pati ang mga lalaki sa likod ay mukang nakaramdam narin na ikipinag-pasalamat naman naming lahat. Sino ba naman kasing gugustuhin na tumakbo sa isang malawak na field ng sampong beses na walang hinto?

Napabalik ako sa ulirat dahil sa isang malakas na pito kaya naman napa-angat ang tingin ko sa kung saan ko iyon narinig.

Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin si Sir. Agabao na nasa harapan na namin at may hawak na scoring board sa kamay habang malawak ang ngiti sa amin.

“Mukang good mood siya ngayon, ah? Ang lakas talaga natin sa taas, Amethyst.” bulong sa akin ni Wendy bago mapahagikgik na tahimik ko ring ikinatawa ng mahina.

“Assemble now everyone! Nandito na ba lahat? Walang naiwan sa room?” tanong nito pagkatapos pumito ng tatlong beses na ikina-ayos namin ng tayo lahat.

Nag-taas ako ng kamay at humakbang ng isa paabante matapos niya akong makita.

“Yes, Miss Esquivel?” anito matapos akong balingan ng tingin.

“Nasa comfort room pa po si Nadia, sir. Nagpapalit ng damit.” sambit ko na ikinatango naman nito.

Naiwan kasi si Nadia sa room kanina dahil Hindi niya dala ang P.E uniform niya. Kinailangan pa niyang manghiram sa ibang strand kung saan siya may makilala dahil Hindi tumatanggap ng estudyante si Sir. Agabao sa kalse niya kung hindi ito  naka P.E uniform.

Kanina pa siya roon kaya naman nasisisguro kong pabalik na siya. I just need to buy her sometime para naman makahabol siya bago magsimula ang activity namin.

“It's okay, Miss Esquivel. Hindi pa naman tayo magsisimula dahil wala pa naman din dito ang mga makaka-collab niyo sa activity na gagawin natin ngayon. Thank you for informing me though.” mahabang paliwanag nito bago ako ngitian na ikinatango ko anamn bago ibalik ang ngiti niya rin.

“Inaasahan ko na tapos naman ng mag-stretching ang lahat. Kailangan niyong galingan dahil competitive ang mga makakalaban niyo ngayon sa activity natin.” nakangising ana ani Sir na ikina-pula ng kuryosidad na tubig mula sa mga kaklase ko.

“Sir, sino ba iyang mga makakalaban namin? Basic lang iyan. HUMSS kami, e.” mayabang na ani ng isang kaklase Kong lalaki sa pabirong boses na sinulsolan naman ng kasamahan niya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now