Chapter Twenty-seven

55 3 0
                                    

"Salamat po, manong." may tipid na ngiti sa labing sambit ko sa driver matapos makababa sa motor sa tapat lang ng bakery nila Seven.

"Walang anoman iyon, iha. Sigurado ka bang kaya mong dalhin iyan sa loob? Pwede naman kitang tulungan, e." may mabait na ngiti sa labing turan nito na ikina-iling ko lang bago mapangiti.

"Hindi na po." nakangiting iling ko. " Kaya ko na po ito. Bumalik na po kayo sa Today para makapag-sakay pa kayo ng marami. Salamat po ulit." nakangiting dagdag ko pa at bahagyang tumukod upang nagbigay galang kay Manong driver.

"Sige, Ikaw ang bahala." buntong-hininga nito bago paandarin ang makina ng motor at paandarin iyon paalis.

Napatawa pa ako ng businahan ako nito bago mapalayo. Nakakatuwa na may mabait pa na mga tricycle driver ngayon. Ang iba kasi ay suplado at masungit, e.

"Amethyst?"

Kaagad akong napalingon sa likod ko matapos marinig ang boses ni Lola Esme na siyang tumawag sa pangalan ko.

Naabutan ko siyang gulat na makatingin sa akin habang nasa loob ng bakery. Kakalapag niya lang din ng mga bagong litong tinapay sa shelf.

"Lola Esme, magandang tanghali po." nakangiting bati ko rito at saka naglapit papalapit sa kaniya.

"Nandito ka ba para dalawin si Seven? May pasok ka pa, ah?" kunot noong tanong nito bago lumabas sa bakery shop at puntahan ako sa harapan niyon.

Alanganing naman akong tumawa nang makalapit siya sa akin. Kakamitin ko sana ang batok ko pero nakalimutan kong may hawak nga pala akong mga regalo kaya muntikan pa iyong malaglag.

"Ingat amethyst." Saad ni Lola esme at tinulungan akong ibalik sa pwesto ang mga regalong muntikan ng malaglag.

"Hindin naman halatang sobrang mahal mo si Seven, ano? Ang dami mong biniling regalo, e." panunudyo nito sa akin at sinundot pa ako sa tagiliran na siyang ikina-igtad ko naman.

"H-hindi po sa akin galing ito, 'la." nagkakandabulol-bulol na sambit ko at marahas na ini-ilinh ang ulo ko.

Napakunot naman ang ulo niya at nawala ang mapang-asar na ngiti sa labi.

"E, saan galing ang mga iyan?" nagtatakang tanong nito na ikinabuntong-hininga ko naman.

"Sa mga tagahanga niya po 'la." sagot ko naman na ikina-kurap-kurap naman nito bago mapabuntong-hininga.

"Sayang naman pala kung ganon." turan nito sa parang nanghihinayang na tono na ikipinagtaka ko naman.

"Po-

"Oh siya, dalhin mo na iyan sa taas." putol nito sa akin na ikinatango ko lang naman.

"Tutal naman nandito ka na lang din. Ikaw na ang magpakain kay Seven ng tanghalian. Ayos lang ba amethyst?" nakangiting tanong nito na ikina-tango ko ulit.

Iyon naman talaga ang pakay ko kaya ako lumiban sa klase ,e. Ang alagaan si Seven.

"Opo, ayos lang. Akyat na apo ako sa taas." mahinahong usal ko na ikinatango naman nito.

"Nasa kusina na ang tanghalian niya. Papakainin ko na sana siya kanina, e. Nasaktuhan naman na may biglang bumili kaya napalabas kaagad ako para mag-benta" paliwanag nito at saka nanghihingi ng paumanhin akong nginitian na ikina-tango ko naman bago siya ngitian.

"Pwede na po kayong mag-tao rito sa bakery. Ako na po ang bahala kay Seven. " nakangiting usal ko na ikinalawak naman ng ngiti nito at ikinaliwanag ng muka.

Muka ring pagod na pagod siya dahil halata iyon sa muka niya. Siguro ay nahirapan siyang magpabalik-balik sa loob ng bahay dahil inaalagaan niya si Seven at nagtitinda pa siya sa bakery.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now