Chapter Twenty-one

74 2 0
                                    


"Kaunting tulong?" may maliit na ngiti sa labing bungad ko matapos makababa sa bakery shop bitbit ang apat na tray ng cookies sa mga kamay at braso ko.

Napatigil siya sa pag-aayos at napalingon sa gawi ko. Saglit niya akong pinakatitigan ng maigi na ikina kurap-kurap ko naman dahil sa hiwaga.

Kinunutan ako ng noo ni Seven matapos niya akong matitigan saka niya ako inilingan ng ulo. Napakunot ang noo ko bahagya dahil mukang dismayado siya sa kung ano.

"Bakit naman kasi dinala mo lahat. Dapat tinawag mo na lang ako, e." turan nito at saka ako binuntong hiningahan bago kuhanin ang dalawang tray sa braso ko at ilagay 'yon sa shelf ng mga cookies sa loob ng bakery shop.

"Walang tatao rito kapag tinawag kita, e. Kaya pinagsabay-sabay ko ng dalhin dito." paliwanag ko naman na ikinabuntong hininga niya ulit.

Pabiro ko siyang pinalo sa braso na ikinadaing naman nito bahagya.

"Ang pangit ng mood mo ngayon. Meron ka ba?" pabirong anas ko na ikina-irap nito.

Napataas naman ang kilay ko dahil do'n. Bakit ba sobrang sungit nito? Parang babae, e. Inirapan pa ako.

"Isa pang irap mo dudukutin ko talaga 'yang mata mo, sige ka." pagpapabanta ko habang pinanlalakihan ko siya ng mata.

Napataas ang kilay niya at saka nag-iwas sa akin ng tingin bago napabuntong-hininga.

"Anong problema? Bakit ang pangit mo-este, bakit ang pangit ng mood mo, ha?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya na rinig kong ikina-buntong hininga nito.

Panay lang ang buntong hininga niya, ganon ba kalala ang problema niya para bumuntong-hininga ng gano'n kung meron man?

"You cried." tipid na usal niya na awtomatikong ikinalaki ng mata ko saka napatingin sa kaniya ng may gulat na ekspresyon sa muka.

Naabutan ko siyang nakatingin sa akin. He have a solemn look on his eyes.

"H-ha?" yon lang ang lumabas sa bibig ko dala ng gulat dahil sa sinabi niya.

"Umiyak ka." ulit niya ulit sa sinabi niya sabay turo sa pisnge at ilong ko. "Namumula 'yang pisnge at ilong mo." prankong sabi pa niya na kaagad kong ikina-iwas ng tingin.

"K-kakatawa lang 't-

"H'wag ka ng mag-sinungaling." putol niya sa pagtatangka kong magpalusot. "Kilala na kita, Amethyst. Mamumula lang ang pisnge at ilong mo kapag kakagaling mo lang sa pag-iyak." dagdag pa nito na ikinalaki ng mata ko sa gulat.

H-he just called me Amethyst...

Tinatawag niya lang akong Amethyst kapag galit o inis siya sa akin. Ami ang laging tawag niya sa akin pero once he starts calling me by my real name, ang ibig sabihin lang non ay may ginawa ako na hindi niya nagustuhan.

Napayuko na lang ako dahil sa failed attempt na magsinungaling sa kaniya at dahil narin I managed to get him call me by my real name, Amethyst.

Ibinuka ko ang bibig ko upang magsalita sana ngunit parang nalunok ko ang dila at boses ko dahil walang lumabas na salita mula roon kaya naman wala akong nagawa kung hindi itikom na lang ulit ang bibig ko.

I fidget with my fingers while looking down. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

"May problema ka kaya ka umiyak kanina?" tanong nito pero sa paraan ng pagsasalita niya ay hindi lumabas na patanong 'yon.

It turn out as a statement rather than a question. I bit my lips hard. Ramdam ko na ang pag-init ng mga gilid ng mata ko at ang hapdi sa labi sa paraan ng pagkakakagat ko ro'n pero hindi ko yon pinagtuonan ng pansin.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon