" Honeybabe, I missed you. " kausap ko sa buwan bago ako nagtungo sa kama ko at iniwan kong bukas ang bintana ko para naman buwan lang ang tanging liwanag ko. Nandito na ako sa Mansion ng mga Rainsworth limang buwan simula ng iwanan kami ni Crescent bumalik na 'ko.


 Si Shin naman isinama na ni Vlad noong tulog siya. Mahirap sakin na kunin ang anak ko, pero alam ko na mas makakabuti kung ano ang gusto ni Crescent. Pinaglalayo niya kami para hindi kami mapahamak at totoo naman na mas ligtas ang anak namin sa lugar na 'yon.Ipinikit ko na ang mga mata ko, sana nga mapanaginipan ko siya dahil sobrang nangungulila na 'ko. Ilang saglit lang nakatulog na 'ko, nakasanayan ko talagang matulog sa gabi at magising sa umaga dahil lumaki naman akong tao at sapat na ang blood tablet para ipang suporta ko sa sarili ko. Mula iyon sa dugo ni Crescent kaya mabilis napapatid ang uhaw ko. 


 Sa sobrang pag-iisip ko napanaginipan ko na nasa Kastilyo kami na naging tahanan namin noon, hindi pa din tumitigil ang pagbagsak ng mga snow. Naglalakad ako sa pasilyo habang tanaw na tanaw ko ang paligid na puting-puti. 


Nakarating ako sa kuwarto namin ni Crescent, kahit pala sa panaginip iiyak pa din ako dahil alam ko na wala na siya.Natayo lang ako habang minamasdan ko ang paligid. Sinadya kong iwanan ang ibang mga litrato naming pamilya dito. Isang malaking kuwadro at maliliit na nasa side table. Nakaramdam ako ng mga brasong yumakap sakin mula sa likuran at nang masdan ko ang mga brasong iyon alam na alam ko kung sino ang may ari. Bumalong ang mga luha ko.Taon ang hinintay ko para lang makita siya kahit sa panaginip. Hinarap ko siya at wala nang patid ang pagluha ko ng makita kong nakangiti siya sakin.


 " Lyra" hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko " Ngayon lang kita nadalaw, naging abala ako .. " natawa pa siya. 


 "Saan ka busy? " hinaplos ko siya sa mukha ang totoo naman niya! >< 


 " Kumain na tayo, kanina pa kita hinihintay " hinalikan niya ko sa noo at hinila palabas. Lahat ng daanan namin ganito ko ito iniwanan at ang kamay na nakahawak sakin ay si Crescent talaga dahil sa singsing na katibayan na ikinasal kaming dalawa.Sa sala nakahain na nga siya ng mga pagkain. Alam na alam kong nananaginip ako pero kung ganito naman madalas ang panaginip ko mapapatid na lahat ng pangungulila ko. Magkatabi kaming kumain at kinukulit niya ko, bakit parang ibang-iba siya ngayon mas magaan ang pakiramdam ko na parang wala na siyang bitterness.Pagkatapos naming kumain nasa sala kami at nakahiga siya sa hita ko. 


" Ano ngang ikinaabala mo? " nakangiti kong nilalaro ang mahabang pilikmata niya dahil nakapikit siya. 


 " Hindi ko nga alam, basta ang alam ko naging abala ko " hinuli niya ang kamay ko at inilagay niya sa dibdib niya. 


" Tumitibok ba? " aniya na nagmulat, umiling ako .. wala naman kaya nakagat ko ang labi ko pero nginitian niya lang ako at muling pumikit.


 " Mahal mo pa ba 'ko Lyra? " aniya na nagmulat muli ang kulit niya dahil di nawawala ang ngiti niya. 


 " Hmm .. " kunwari nag-isip ako sa haba ng kamay niya nabatukan niya talaga 'ko. 


" Ouch! Oo mahal na mahal kaya kita, baka naman nambabae ka na" tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti lang siya at pumikit na naman ang loko.


RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now