Epilogue

27 6 4
                                    

Epilogue

August Gavine

Today is the day!

Today will be my last day at Josephina Academy!

Today will be a memorable event in my life!

Today is the day that I'm going to say goodbye to my colleagues, teachers, and friends as we embark on new challenges and difficulties and face new obstacles in our lives.

This will never be the end; this is only the beginning. High school life is one of the most cherished, vital, memorable, and challenging events of my life.

I met a lot of people, and their existence taught me a lot of things. I met new people who became part of my life.

All my hardships and sleepless nights are worth it. I successfully completed my high school journey. I'm not alone in this battle because I have my friends with me. Together, we will step out of our comfort zone and ready ourselves for another battle. We might be separated, but our journey will continue.

"Let's go!"

Nakangiting sumunod ako kay Tristan papasok sa gate ng Josephina Academy. Habang naglalakad ay binusog ko ang aking mga mata sa tanawin. Ang bakal na gate na sa tuwing bumubukas at sumasara ay gumagawa ng ingay. Si kuya guard na palaging sinisiguro ang kaligtasan namin, mula sa pagpasok at paglabas namin sa campus. Sa mga puno na nakahilera rito ay mga saksi sa mga tawanan, paghihirap, kilig, samahan, at pagmamahalan ng bawat estudyante rito. Ang mga buildings at classrooms na saksi rin sa bawat pandaraya sa exams, pagre-review kapag may oral recitations, at sa mga natutulog sa klase. Ang mga whiteboard na naging instrumento rin para ihatid sa mga estudyante ang aral na ibabahagi ng mga guro. Ang canteen na tambayan ng bawat isa kapag walang klase, dito maraming ganapan, mga tawanan, chismisan, ligawan, at kahit pambubully. Ang field na palaging puno ng estudyante na nagpapahangin, mga barkadang tumatambay, at nagsasagot sa kanilang mga assignment. Ang gym na parating may mga athletes na nagpa-practice, especially ang volleyball at basketball team.

Sa bawat sulok ng campus ay may ala-ala ng bawat isa sa amin. Sa mga hallway, banyo, sa mga stockrooms, sa locker room, sa likod na bahagi ng paaralan, at kahit sa waiting shed sa labas.

"Fall in line, graduates!"

Sumunod kaagad kami sa sigaw nang isang guro na nasa harapan. Kasama nya ang mga junior student na parte ng student council.

Lumingon ako sa likod, tinitignan ko si Claud kung ayos lang ba ito. She's wearing her toga, pero hindi nakatali, mukhang naiinitan siguro. Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay sumenyas ako na ayusin ang toga nya. Sumunod naman ito sa akin. Hinanap ko si Tristan, dapat ay katapat ko siya dahil same kami ng first letter sa apelyido namin.

"Alam nyo na cue ninyo ha!" Paalala nang facilitator. "Huwag lang kayo magmadali sa paglalakad."

Um-oo lahat. Habang naghihintay sa oras, panay ang pagbuga ko ng hangin. Kabado ako ngayon kahit na lalakad lang naman kami. I've been waiting for this day, pero hindi ako mapalagay. Baka matapilok ako sa gitna ang dami pa namang nanonood.

Kalmahan mo lang, August!

Ginawa ko naman ang binulong ko sa sarili ko. Kapag hindi ako kalmadong maglalakad mamaya ay baka matapilok talaga ako.

Nagsimula nang tawagin ang pilot section, which is kami. Sabay ang boys at girls sa pagpasok dahil sa kanan na hanay kami at sila sa kaliwa. Ang school ay may sariling photographer na nasa baba ng stage. Kukunan nila ang lahat ng nangyayari sa event na ito. Mula sa simula hanggang sa dulo.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang