Chapter 22

16 5 0
                                    

Chapter 22

August Gavine

Sobrang tahimik ni Claud ngayon. Nagdadalawang-isip akong kausapin siya. Alam ko sobrang apektado siya sa nakita nya. Kinakain ako nang guilt ko dahil hindi ko sinabi sa kanya ng maaga. Kung sinabi ko sa kanya 'yun, magiging ganito kaya siya ka apektado? I think yes. It's more painful siguro kung sa akin pa galing ang katotohanan.

Pero malalaman siguro ni Claud ng maaga kung nagsalita ako. But I was unsure that time. Hindi ako naniniwala sa nakita ko no'n. Doubtful pa ako kung si tito nga ba ang nakita ko.

"Okay dismissed!"

Kanya-kanya kami ng ayos sa mga gamit namin at nag handa ng umalis, pero si Claud ay gano'n pa rin. Nasa mesa pa rin nya ang gamit nya at hindi umiimik. She's having a thousand yard stare right now.

"Claud!" Mahinahon kong tawag sa kanya. Good thing narinig nya ako at kaagad umayos. Nakatingin na ito sa akin, pero wala pa ring buhay ang kanyang mga mata. Alam ko kung bakit sobrang apektado siya sa nangyari. She loves her father so much. Si tito rin ang motivation nya para mag-aral ng mabuti. Tito came from a very poor family, Claud knew that, kaya kumayod si tito nang kumayod para makamit ang pangarap nya.

Palaging sinasabi ni tito na hindi naging hadlang sa kanya ang kahirapan, bagkus ay ginawa nya itong dahilan upang makamit ang kayang pangarap. Sobrang hinahangaan ni Claud ang ama nya, and now that she learned something about him, something that will ruin their family, nagtatalo ang isip nya. I wanted to give her space para makapag-isip, pero alam ko rin na hindi iyan ang kailangan nya. She need distraction from the pain.

"Gala tayo?"

Nag-isang linya ang kilay nito at pagkaraan ng ilang segundo ay tumawa.

"Nagiging bad influence ka na," ani nito at nagsimula ng ayusin ang kanyang mga gamit.

I shrugged. "Wala namang gagawin ngayon eh!" Pagdadahilan ko. "Ngayon lang naman."

Nang matapos na siya sa pagliligpit ay seryoso nya akong tinignan. Napalunok pa ako ng laway dahil sa tindi ng titig nito. Sana pumayag siya, hindi ako komportable sa pagiging tahimik nya ngayon. Iba ang katahimikan ni Claud ngayon, may halong kalungkutan.

"Give me a reason why I should say yes."

Napakurap ako sa sinabi nito. Nakatitig pa rin ito sa akin ng diretso sa mata habang nagsasalita gamit ang malamig na tono.

"Ayokong nakikita kang malungkot. Hindi ako sanay," I honestly said. "Alam kong tahimik kang tao, pero iba ka ngayon. Kaya gusto ko gumala tayo para makalimutan mo pansamantala ang mga naiisip mo ngayon."

Marahan itong tumango at tumayo. Hindi ito umimik at tinalikuran na lang ako. Ayaw ba nya sa ideya ko? Napabuga na lang ako ng hangin. Ayaw ko mamilit.

"Akala ko ba gagala tayo? Ba't nakabusangot ka riyan?"

Kaagad lumiwanag ang mukha ko nang sabihin nya 'yon. Nakatayo na siya ngayon malapit sa pinto habang nakatingin sa akin, hinihintay ako, at nakalahad ang isang kamay. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakangiti akong tinanggap ang kamay nito at magkahawak-kamay kaming lumabas sa classroom.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang sa makasakay na ako sa motor nya. She didn't let go of my hands until we reached the parking lot. Maraming nakakita sa amin at napapataas ng kilay kapag napadako ang kanilang mga mata sa kamay naming dalawa. Pero hindi ko na iniisip pa ang mga iniisip ng ibang tao, ang mas importante sa akin ngayon ay si Claud.

I don't want her to fall into sadness. I don't want to see her change. I don't want to see her grimace. I don't want to see her force a smile for me. I just want her to stay the same. Of course, I can't force her to do what I want, but I also don't want her to be depressed. Simply because I care for her, I love her, and I only want what's best for her. Hindi kasama ang negative vibes sa mga bagay na gusto kong mangyari sa kanya.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now