Chapter 29

19 5 0
                                    

Chapter 29

August Gavine

Sobrang bilis pala ng pagtakbo ng oras no? Ngayon ko lang ito na realize. Parang kailan lang ay magkasama kami ni Claud na nagpa enroll sa Josephina Academy. Ngayon, magkasama pa rin naman kami, pero hindi para magpa enroll, kundi para um-exit na.

Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko sa tuwing pupunta kami sa practice para sa graduation namin. Habang naglalakad patungo sa hall, kung saan gaganapin ang ceremony, halo-halo ang nararamdaman ko, but not in a negative way.

Simula noong unang araw ng practice namin parang hindi ko pa kayang ma imagine ang sarili ko na nakasuot ng toga at naglalakad papaakyat sa stage. May parte sa akin na gusto nang um-exit, pero meron ding parte sa akin na gustong manatili. It's hard to say goodbye to the place that molded me as an individual and taught me a lot of things, not just as a student but in life as well.

Ngayong huling araw na ng practice namin ay parang hindi ako mapakali. Ewan ko ba, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang magtatapos na kami ni Claud sa high school. Akala ko pa nga noong una ay hindi ako makakasama sa kanila dahil sa ginawa ni Eva, pero nagpapasalamat talaga ako ni Mrs. Gamao at sa limang ginang, na present sa usapan na naganap sa loob ng opisina ni principal. Tinulungan nila akong linisin ang pangalan ko sa loob ng campus, at tinama nila ang maling ginawa ni Eva.

Si Eva?

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Basta pagkatapos nang usapan na iyon ay sinabi sa akin ni mama na makakapasok na ako sa school na walang iisipin pa. Clinarify nila ang issue. Wala nga akong ginawa bukod sa pumasok at mag-alala sa mga nangyayari, the rest, sila na ang gumawa.

Marami ang nagulat at nagalit sa ginawa ni Eva, at marami rin ang nag sorry sa akin, especially sa classmates ko na naniwala sa video. May naririnig pa rin naman akong bulong-bulongan mula sa mga estudyante na hindi pa rin naniniwala, pero hindi ko sila ka batch, mga junior students kadalasan.

"Okay ka lang?" Untag sa akin ni Jamila.

Nandito nga pala kami sa hall. Magkatabi kami ngayon dahil hindi pa naman nagsisimula ang practice. Si Claud ay kausap ang ilang mga teachers, tinatanong yata siya kung tapos na ba ang speech nya para bukas. Si Tristan naman ay kasama ang mga barkada nya sa likod.

"Oo naman." Kaswal kong sagot. "Ikaw ba?"

Kabado rin ang isang 'to para bukas. Sabi nya kasi dadalo ang relatives nyang mga chinese.

"Gagi, lalamunin yata ako nang stage bukas."

Natatawang tinignan ko siya. Kabado nga talaga siya para bukas. Wala naman siyang masyadong sinabi tungkol sa foreign roots nya, bukod sa strikta sila.

"Kalma, maglalakad lang naman tayo at saka kakanta."

"Pero manonood sila sa'kin habang naglalakad ako, as if they are just waiting for me to make a mistake."

Hindi ko talaga alam kung bakit masyado siyang natatakot sa relatives nya. Perfectionist ba talaga ang mga chinese, o ang pamilya lang ni Jamila? Mukha siyang natatae ngayon habang iniisip nya ang mga mangyayari bukas. Paranoid masyado.

Marahan akong bumuga ng hangin.

"Alam mo, huwag mo na lang isipin na nasa paligid sila at nanonood sa'yo. Focus ka na lang sa ceremony. Bukas ay tayo ang bida, isa ka sa mga bida, kaya huwag kang kabahan."

Malapad ko siyang nginitian para mawala ang kabang nararamdaman nya. Hindi pwedeng parehas kaming kabado, hindi nakakatulong. Kabado rin si Tristan dahil dadalo ang lolo nya. Si Claud naman ay alam kong kinakabahan din.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now