Chapter 7

17 5 0
                                    

Chapter 7

August Gavine

Nandito ako ngayon sa clinic ng school namin para humingi ng gamot sa sakit ng ulo. Pakiramdam ko nga ay lalagnatin ako nito. Mabuti na lang talaga at kasama ko kanina si Tristan sa canteen dahil napansin nito ang pagiging matamlay ko. Siya na rin mismo ang ang um-order ng lunch ko dahil sobrang naliliyo ako kanina.

"Mis Gavine, mas makakabuti para sa'yo na dumito ka muna sa clinic at magpahinga. May contact ka ba sa mama or papa mo?" Tanong sa akin ng school nurse namin na nasa harapan ko at nakatingin sa akin.

Marahan lamang akong tumango at dahan-dahan na inihiga ang katawan sa malambot na kama. "Wala po akong dalang phone," mahinang sagot ko habang nakapikit ang mga mata.

Hindi ko dala ang selpon ko dahil nasa room pa namin 'yung bag ko. Pero ayoko rin naman na mag-alala si mama sa'kin lalo na at working hours nya ngayon. Lagnat lang naman ito, iinom ko lang ito ng gamot ay magiging okay na ako.

"Okay sige. Magtatawag na lang ako ng classmate mo para samahan kang umuwi mamaya," rinig kong muling wika nito pero hindi na ako sumagot. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na kahit magsalita ay nahihirapan ako.

Mabuti at wala kaming quiz ngayong hapon, discussion lang tapos hindi rin mahirap ang subject.

"Good afternoon, nurse."

"Good afternoon, mis Tuliao."

Bigla akong nanigas sa narinig na boses. Bakit siya nandito? Sinabihan ba siya ni Tristan?

"Pakibigay po kay August."

May ibibigay siya? Gustong-gusto kong tumayo at sumilip mula sa kurtinang nagsisilbing tabing sa kinaroroonan ko. Kaso wala talaga akong lakas para gawin ito.

"Okay sige, ijha."

Hindi ko na ulit narinig ang boses nito at umasa ako na baka naglalakad ito patungo sa kinahihigaan ko. Pero nadismaya lang ako dahil ang sunod na narinig ko ay pagbukas at pagsara nang pinto. Umalis siya kaagad.

Ni hindi man lang nagtanong kung kumusta na ang lagay ko!

Parang nanghina ako sa nangyari. Ito naman ang gusto ko 'diba? Halata naman noong una na wala siyang balak magsalita, bakit nag suggest pa ako ng ganito? Ako tuloy ang kawawa.

Ilang oras akong nakapikit at dinaramdam ang sakit ng ulo at panghihina ng katawan. Hindi ako nakatulog dahil sa kaka-isip kay Claud at sa sitwasyon namin ngayon. Kapag hahayaan ko na ganito kami, posibleng masira ang relasyon namin bilang magkaibigan.

Hindi ko alam kung anong oras na pero nakaramdam ako ng gutom bigla. Binuksan ko mga mata ko at bumangon sa hinihigaan. Marahan ko rin binuksan ang nakatabing na kurtina dahil balak ko nang lumabas at umuwi. Pero natigilan ako sa kalagitnaan ng paghahawi ko sa tabing dahil bumungad sa akin si Claud na naka-upo sa isang mono block chair malapit sa kinahihigaan ko. Nasa kandungan nito ang bag ko.

Nang makita nya ako ay mabilis itong tumayo at lumapit sa akin.

"Tara na," ani nito at marahan akong hinawakan sa kamay. Kaagad ko namang naramdaman ang mainit nitong palad. Hindi kaagad ako nakagalaw at tila gulat na gulat makita siya rito. "August?" Untag nito sa akin.

Kumurap-kurap muna ako mga tatlong beses saka napagtanto na nakatunganga lang ako.

"Ah?"

"Uwi na tayo." Marahan nya akong hinila papalabas. Huminto muna kami sa tapat nang table nang school nurse. "Salamat po."

"S-salamat po."

Tumango lang ito sa amin. Sabay kaming lumabas ni Claud sa clinic habang nakahawak ito sa aking kamay. Habang tumatagal ay parang may nararamdaman akong kiliti sa sistema ko. Kaya iniwaksi ko ang kamay nito nang tuluyan na kaming lumabas. Huminto naman siya dahil sa ginawa ko at hinarap ako na may seryosong mukha.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Where stories live. Discover now