Chapter 10

18 6 2
                                    

Chapter 10

August Gavine

Dumating na nga ang araw na matagal ko ng hinihintay, ang interhigh. Sobrang abala ko noong unang dalawang buwan dahil sa preparation sa event ngayon. Today is the first day of this event and the only thing I need to do is to interview the players, audiences, committees, coaches, and staffs. Kailangan ko rin mag video. May kasama rin pala ako ngayon, isang first year student at bagohan sa club namin.

"Ganyan lang kakainin mo?Mapapagod ka ngayong araw at kailangan mong kumain para hindi ka madaling magutom."

Wala pa ring pagbabago, nandito pa rin si Claud at kasalukuyan kaming nag aagahan. Siya nga rin ang nagluto dahil alas quatro pa lang ay nandito na siya sa bahay.

"Pero busog na ako, Claud!" Maktol ko sabay himas sa aking tiyan.

'Nga pala, hindi kami mag u-uniform kaya ang sinuot ko ngayon ay puting bermuda short at kulay sky blue na t-shirt. Plano ko sana na suotin ang sandal na binigay sa akin ni mama last birthday ko pero dahil sa activity na gagawin ko ngayon ay naisip ko na hindi ito akmang gamitin.

Baka mahirapan ako kapag kailangan kong tumakbo.

"Magbaon ka. Update ka rin sa akin sa mga gagawin mo dahil abala rin ako."

May laro nga pala si Claud ngayon at kalaban nila ang mortal enemy nila sa volleyball. Pressured nga rin ang iba sa kanila dahil gusto talaga nilang manalo this year, lalo na iyong mga graduating students.

"Gusto kong manood," nakanguso kong sabi. "Reserve mo naman ako ng seat sa front row," paglalambing ko sa kanya. Niyapos ko pa nga ang kamay nito para mas effective ang pagpapa-cute ko.

"Paano ang mga gagawin mo?"

"Pwede naman akong magpa sub," bulong ko pero rinig naman nito. "Isang game lang naman kayo ngayon diba?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya kaya agad akong umayos ng upo at tumingin sa kanya na may ngiti sa mukha. Ayoko siyang inisin ngayong araw dahil may game siya at may pabor akong hinihingi sa kanya. Baka hindi nya ako ipapa-reserve ng seat sa harapan.

"Oo basta kumain ka ng marami, nagmumukha ka ng stick sa payat," naging pabulong na lamang ang huling sinabi nito pero naririnig ko naman. Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay irap na naging dahilan ng pag tawa nito ng mahina.

Pagkatapos ng agahan ay sabay kaming nag-ayos at naglinis then after ay umalis na kami. Naka jogging pant na kulay itim lang si Claud at puting oversized t-shirt na hindi namang nagmumukhang oversized dahil sa malapad nitong pangangatawan. Habang naglalakad papalabas ay hindi ko maiwasang mag komento sa napapansin ko.

"Kung mabubuhay ka ulit sa pangalawang pagkakataon ay nasisiguro ko talaga na magiging lalaki ka, Claud." Bulalas ko.

Lumingon ito sa gawi ko at siya na mismo ang nagsuot nang helmet sa akin.

"At hinding-hindi kita magiging best friend," pagpapatuloy nito sa sinabi ko at umangkas na sa motor nya.

Hindi ko nakuha ang point ng sinabi nya. Ayaw ba nya akong maging kaibigan if ever magiging lalaki siya? Ang unfair ha? Kala siguro nito magiging gwapo siya kapag naging lalaki. Sus!

Nakabusangot akong umangkas at kumapit sa balikat nya, dahil baka pagalitan na naman nya ako. Ang OA pa naman ni Claud. Hindi ako umiimik buong biyahe namin dahil naiinis ako. Sana pala hindi ko na lang vi-noice out 'yong nasa utak ko kanina.

Kahit kailan panira talaga sa mood itong kaibigan ko!

Pagdating namin sa parking lot ng school ay saktong kararating lang din ni Jamila na may ka angkas din. Naging pamilyar sa akin ang babaeng kasama nya dahil siya rin ang kasama nito noong nakita namin sila sa mall.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon