20: A Stranger

Magsimula sa umpisa
                                    

"You've changed, Nyx."


"Is that a bad or a good thing?" Pinagmasdan ko siya nang maigi, nagbago rin naman siya-physically.


"No, I mean. You've changed for the better. What happened?" she smiled.


"Hindi ko rin alam. Siguro na-realize ko na ang dami ko palang na-miss sa buhay. Na hindi ko pala ini-enjoy ang life." Tumango-tango ito na mukhang sumasangayon sa aking sinabi.


"I get what you mean," Sapphire said with a bit of sadness in her tone. Bakit pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ng babaeng ito?


"Sapphire, if you don't mind me asking, ano ba talaga nangyari sa inyo ni Hunt-"


Sapphire stopped me before I could even continue what I was saying.


"We were never a thing, Nyx. It was all an act. Para...sorry pero hindi pa ako handang sabihin."


"It's okay, Sapph. Mahirap naman kung pipilitin kita."


 Marami akong gustong tanungin kay Sapphire, pero naintindihan ko rin naman na hindi madali magbukas ng nararamdaman kapag hindi ka pa handang mag open-up.


Alas dose na nang umaga ngunit hindi pa rin dumarating ang antok sa aming dalawa ni Sapphire. Nag-kwentuhan lang kami tungkol sa mga nakaraan namin. Noong kabataan namin, kung paano niya akong laging iniintindi kahit na sinusungitan ko ito. I realized that I was a total bitch before. Na-realize ko na napaka-self-centered kong tao, na hindi ko iniisip ang kapakanan ng iba, dahil mas inisip ko ang aking sarili.


"Pero, I'm glad you've changed, Nyx" komento ni Sapphire habang iniinom ang mainit nitong ginger tea.


"Tsaka, mas mukha kang masaya ngayon, compared dati."


"I feel happy," I smiled at her habang patango-tango naman ito. Part of my happiness was because of her. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi ako natutong makipagusap sa mga kapwa.


Sapphire was the only one that could tolerate my behavior, and I am grateful for that. At dahil dito, she will always be my...bestfriend.


I stared at Sapphire. Kahit wala itong nakalagay na make up sa mukha ay pansin mo pa rin ang kagandahan nito. Her weight loss somehow changed her appearance totally. Kung dati mukha itong masaya at maligalig, ngayon, mukha itong may binibitbit na problemang mabigat.


"Sapph..." mahinahon kong tawag.


"Hmm?" Tumingin ito sa aking gawi habang pinaglalaruan ang bunganga ng baso gamit ang kanyang hintuturo.


"Can I ask you something?"


"Ano 'yon?"


Tinignan ko muna ito at hinintay kong itigil ang ginagawa nito.


𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon