Chapter: 2

3 0 0
                                    

Umuwi ako sa bahay ko na umiiyak. Mabuti at ako lang ang andito, ayaw ko talaga ng ganito. I guess that was why I have always been so hard to be in a relationship. Lahat ng bagay na nangyayari sa akin ay walang katuturan kapag na-in love.

Okay, Lalaina mag-move on ka na.

Ilang years na rin ang tinagal namin sa SHS, 3 years na akong teacher dito and I really enjoy it. Sobrang saya ko sa mga estudyante ko.

Malapit na pala ang intrams ng school. Nagkaroon pa kami ng meeting, nagulat ako na hindi kasama si Primo at Estella.

"Okay, pinatawag ko kayong lahat dito para ipaalam sa inyo na magiging team managers kayo ng bawat team. At ang gagamitin nating theme ay Encantadia. Lalaina, Team Adamya kayo ng ABM together with TVL." I nodded at napansin na pinapanood kami ni Jance.

"Jake, ikaw naman sa HUMSS, kayo ang Lireo. Ashley, ang AAD at GAS naman ay Etheria. Dianne, sa Engineering ay Hathoria." Tumigil ang principal at tinignan si Jance. "Allied-Med will be Sapiro, Jance is that okay?"

"Yes, sir!"

Natapos ang meeting at nag-iisip na ako ng magandang gawin para sa students. Kakausapin ko si Ella at Ma'am Esmeralda mamaya.

"Laina!" Hinabol ako ni Jance kaya tumigil ako.

I have already moved on and I am very happy.

"Yes?" I asked.

"Can we talk? Nahihirapan kasi ako."

He sounded so serious! Naaawa tuloy ako sa itsura niya, mukha siyang pagod na pagod na.

"What's wrong, Jance?"

"Si Hyacinth kasi ano.."

"Hya? As in your girlfriend?" I asked. "Sorry, fiancee na nga pala. Congrats by the way."

"Yun na nga eh, may problems kami ni Hya recently." He said. "When we talk about marriage parang ayaw na ayaw niya but she said yes naman kaya naguguluhan ako if she wants to get married ba talaga."

"Hya looks like a sweet girl, just talk to her about it. I'm sure once she hears your side then you can finally both decide. Jance, I love Hya to the bone. I really do, she makes you happy and I love her for that. I want you guys to be okay. By the end of the year I expect a wedding ah?"

"Thanks, Laina. I appreciate it." Saad nito at niyakap ko. "God, help me."

"You can let go now, Jance. Malelate pa tayo sa klase."

"Oh right."

Intrams is in April pa, 3 months from now. I can still plan for what we're gonna do by then.

"Lala! Tara lunch!" Aya sa akin ni Estella and Primo. "Primo ano ba!"

"Ano ba!" Sigaw din ni Primo dahil nagsasakalan pa sila. "Pag ikaw talaga, Ella nahulog kay-."

"Ang sarap ng burger noh?" Estella said while shoving it down on Primo's mouth.

"Busy ako eh, kausap ko kasi si Jance at Jake. Need daw nila ng help." I said. "Babawi ako, meryenda tayo later. My treat!"

"Sure? Baka busy ka pa ah?"

"Hindi, promise ililibre ko kayo!"

I met up with Jake dahil umuwi daw kaagad si Jance. Kakausapin daw siya ni Hya.

"So dahil nga may collab ang team nina Ash at Dianne ay naisip namin ni Jance na mag collab din sa booth and dahil under sa iyo ang track ng TVL ay nakikiusap kami na sumama ka sa collab namin."

"Sure, ano bang ipapagawa mo?" I asked.

"Jance was thinking of food fair, like mga snacks na healthy and also unhealthy pero hindi naman gaanong makakasama. Think about it, kami ang bahala sa designs ng booth, ipapaapprove sa Allied-Med kung gaano kaayos and then kayo ang gagawa."

"I think maayos naman pero we need the approval of the principal. So, balitaan niyo na lang ako after."

"Sure, glad to do business with you!" Saad nito.

Umalis ako at hinanap sina Ella, nakita ko siya na kausap ni Oscar. Hindi ko sana ito lalapitan kaso lumapit na si Primo sa kanila. Pagkapunta ni Primo ay nagpaalam na si Oscar.

"Hello, tapos na ako." I said.

"Tara inom." Saad ni Ella kaya napatingin ako sa kaniya. "Joke lang, tara may alam akong meryendahan na mura. Marami ring options dun."

"Oh tara, magpapaalam lang ako kay Eloise." Sambit ni Primo at nauna na kami sa kotse ni Ella.

"Sa ibang car na daw si Primo, I sent him the location already kaya mauna na tayo."

She drove us to a parang stall na nagseserve ng maraming foods. Hinayaan ko siyang umorder dahil may pera naman akong dala.

"Hello, I just parked." Nilingon ko si Primo na kasama na si Eloise. "Eloise, ito yung friends ko."

"Eloiseee!" Sigaw ni Ella at niyakap si Eloi. "Hey, let's all eat at a park or field. I know a place, dun tayo para malawak."

"May mga lamesa ba doon?" I asked.

"Wala, sayang." Ella said.

"No problem, may picnic mat kami ni Primo sa car."

"Ayun! Oh my gosh, life saver ka talaga, Eloi!" Saad ni Ella.

Once we received our order ay nag drive na kami papunta sa field na sinasabi ni Estella. Nagulat pa kami na madatnan si Jance na nag-mamakaawa kay Hyacinth habang umiiyak.

"Hya, p-please don't leave me."

"Jance, stop it. Hindi na pwede, I want you to forget me."

All of us watched Jance as he cried and begged for Hyacinth. She seemed pissed already at luminga sa paligid nang makita kami. She gestured us for help kaya lumapit si Primo at kinuha si Jance.

"N-No, Primo!" Jance yelled nang tumakbo palayo si Hya. "Hyacinth!"

"Hya, what's going on?" Ella asked once she ran towards us.

"I-I can't, please tell him that. I want him to understand that." Nilingon niya ulit si Jance na nagpupumiglas kay Primo. "Take care of him." She said then smiled at me.

Pagkatapos ay tuluyan na ngang umalis si Hya, hindi na siya hinabol pa ni Sir Jance.

The Tranquility in You Место, где живут истории. Откройте их для себя