CHAPTER 11

31 0 0
                                    

Chapter 11

"Anong oras ka ba natulog kagabi? Mabuti at hindi ka naabutan ng daddy mo sa ganyang lagay."

Napapapikit pa ako dahil masakit sa mata ang bumungad sa aking umaga.

Binubuklat na ni mommy ang kurtina ng kwarto ko at hindi pa nakaka adjust ang paningin ko sa sikat ng araw.

Hindi ako sumagot sa kanya at nanatiling nakahiga. Gising na ang buong diwa ko, ngunit nakapikit pa rin ang mga mata.

Palihim kong kinuha ang phone habang abala si mommy. "Bumangon ka na at mag-ayos. Magsisimba pa tayo, baka maabutan ka na naman ng daddy mo na ganyan."

Nang makalabas siya, agad ko ring nilabas ang phone na tinago ko sa ilalim ng unan. I checked my socials and messenger, pero wala namang sumalubong sa akin.

Napupuno lang ng fiesta posts ang facebook wall ko mula sa mga kaibigan ko't kamag-anak dito sa Tubigon.

Gosh, sino-sino kaya ang mga bisita mamaya? Paniguradong maraming tao, pero sana hindi ako mapansin.

Speaking of, mayroon palang chats mula sa GC namin. My goodness, sa tuwing nakikita ko itong pangalan ng GC, nababalisa ako't nakakaligtaan na sila lang 'to.

Chanda : ugma sa aga ko muanha, human simba : D

Drianna : ditso ta ila Klea

Klea : aga? Sa udto pa amo

Drianna : aw hala. Inig udto ta ila Klea, manang!

Kaycee : pashnea, pag sure ba mo oy

Chanda : Ila Klea ugma udto. Tapok mga kriminal!

Haaaaaa? Ano raaaaw? My goodness, my nose is bleeding.

Grabe sila, madaling araw na e mga gising pa rin ang diwa. Ang dami na nilang napag-usapan kagabi pero ni isa ay wala akong maintindihan.

"Azela, bumaba ka na. Sabay-sabay tayong kakain."

Mom knocked on my door. Mukhang ngayon lang ata ulit kami magsasabay kumain ahh. Bumangon na ako para hindi na mahuli pa.

Nakakahiya namang late ka e minsan lang kami magsabay-sabay. Nandito pa ako sa itaas naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa ibaba ng bahay. 

Maingay na ang mga tao sa ibaba at halatang naghahanda na talaga. Napangiti ako ng todo nang makita ang nagkakagulong mga tao. It's a good sign that joy is coming.

"Tasha, good morning, hija. Come and eat, magsisimba pa tayo." Aunt welcomed me.

She was busy again. Kumakain siya nang nakatayo at paminsan-minsan ay may inuutos sa mga katulong dito. She barely enjoys her food.

Tumabi ako kay Kiefer na maingay na kumakain at nakikipag-daldalan kay kuya Matt.

Dumating na rin siya kasama sina antie at uncle. Kulang nga lang sila ng isa dahil wala si ate Yam, nasa Manila, may trabaho.

"Anong oras ba darating iyong catering?" Dad asked.

Aunt talked to him in bisaya and I couldn't understand. Kaya pala doble abala ang mga tao rito dahil ano mang oras ay darating na iyong catering.

I had my usual food, puto maya, my favorite. I also added some fruits and other viand to get full.

After eating, we hurriedly get ready and dressed. Strikto sila sa oras kaya hindi dapat sinasayang kahit maikling segundo lamang.

"Wear some formal dress. Put light makeup and some jewelery to add on the beauty. Mag heels ka na rin. Mag-ayos ka nang mabuti."

Napatingin ako sa damit na kinuha ni mommy mula sa aking kabinet. Luhhh, sure ba siya riyan? Naku naman, daig pa ang hermana mayora.

Solely HerWhere stories live. Discover now