CHAPTER 1

23 1 0
                                    

Chapter 1

"Saan ba kayo magbabakasyon ngayong summer?"

Nasa canteen kami at tumatambay lang habang break time pa. Agad namang umigting ang mga tenga ko at napalitan ng labis na galak ang sarili dahil sa narinig.

"Gusto kong mag-Siargao kaso waley sa budget, girl," malungkot na saad ni Mina.

"Wow, ganda naman ng destinasyon mo, kaso sayang. Mahal na ng mga bilihin ngayon e, ultimo pang shoppe ko nga hindi na ako nakakaipon," reklamo ni Farrah.

"Magasto ka lang talaga, dinamay mo pa shoppe mo," asar ni Ali.

"Hindi pa naman ata masyadong mahal iyong mga tickets, pwede pa iyan," singit ko.

Nagkibit balikat silang tatlo at tumahimik, nang biglang sumingit si Zoe. "Guys, huwag kayong masysdong ma stress diyan. 2016 palang ohh, hindi naman tayo nasa golden era."

Napalingon kaming lahat sa kanya. "E nasa'n tayo?"

Napahalukipkip siya na parang seryosong nag-iisip. "Hmm siguro nasa silver era palang tayo. O baka nga bronze e kasi mga makaluma pa ang mga tao ngayon, tulad niyo," turo nito sa amin.

Nakita ko ang pikon sa mukha ng mga kaibigan ko rito. Sino ba namang hindi maiinis e naloko kami, kitang seryoso ang usapan dito e. Nagsisimula na naman 'to e.

"Parang tanga naman 'to, kitang seryoso e," pikon na saad ni Farrah.

"Umaatake na naman sakit mo," pagtataray ni Ali.

"Kung makapagsalita, mas luma ka pang tingnan kaysa sa akin. Baby pa ako 'no, baby face," nakangusong reklamo ni Mina.

Zoe acted like she heard nothing and just continued laughing at the top of her lungs. Talagang tinatawanan niya sariling biro.

Sabagay, wala namang ibang susuporta sa'yo kundi sarili mo lang. Naiintindihan ko siya, tsk tsk.

"Gusto ko na talagang lumaya, nakakabagot sa bahay," dagdag ni Farrah.

Ang lahat ay napatahimik at biglang nakisimpatya sa kanyang nararamdaman. Totoo nga naman, masarap magpahinga kahit saglit lang.

Ramdam kong iisa lang kami ng nararamdaman ngayon kung kaya't sinubukan kong pakalmahin ang lahat.

"Naku, change topic na nga. Helloooo, busy pa tayo this week, 'no. Exams, pwede 'yon muna unahin natin bago 'yang ang sembreak na 'yan," pagsingit ko sa kanila.

Akala ko magbabago ang kanilang mga nararamdaman, ngunit mali ako. Gano'n pa rin, lalo lang atang nalugmok nung binanggit ko ang tungkol sa exams.

"E ikaw, Zela. Saan mo gustong magbakasyon?"

Napatigil ako nung tumingin sila sa akin. Animo'y nakakulong ako sa posisyon ko at hindi makalaya sa tanong na iyon.

Napaisip ako. Oo nga, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Kahit saan."

Bahala na ang tadhana kung saang lupalop man ng mundo ako dadalhin nito. Basta makapagbakasyon lang, okay na kahit saan.

Pagdating sa room gano'n pa rin ang mga ginagawa ng mga kaklase namin, maingay at magulo.

"Zela, highest ka na naman sa exam. Ikaw na talaga, girl," bungad ng kaklase namin.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan at sa isang iglap lang ay kinakantyawan na nila ako.

"Wow, perfect ka talaga, Zela. Ikaw na, as in. Talino mo, girl," pangunguna ni Zoe.

"Sanaol may brain cells na katulad mo," nakangusong sabi ni Mina.

Natatawa lang ako sa reaksyon nila. "Panong hindi siya mapeperfect, e focus sa pag-aaral. Tigilan mo na kasi iyang volleyball mo at mag focus nalang din sa acads," prangka ni Ali rito.

Solely HerWhere stories live. Discover now