Chapter 16

6 2 0
                                    

Mahigit dalawang taon na ring wala si tatay, masakit pa rin ngunit tanggap ko na. Muli akong bumalik sa Manila upang tapusin ang pag-aaral ko gaya ng gustong mangyari nina nanay at tatay. Ilang beses ko ring pinilit si nanay na sumama na saakin dito sa Manila at iwan nalang muna kina Mang Ben ang farm pero ilang beses din itong tumanggi, dahil ang bukid nalang daw ang nakikita niyang comfort place. Nag ask ako ng summer class no'ng namatay si tatay dahil mahigit anim na buwan akong nasa probinsya. Ilang beses naman akong pinilit ni nanay na bumalik na rito ngunit siya lang din ang inaalala ko, at sa awa ng Diyos naipasa ko naman ang lahat ng subject ko, isa pa wala akong nakuhang dos dahil sa tulong ng mga kaibigan ko.

Bumalik na sa dati ang pamumuhay ko, although malaki ang nagbago at nawala sa akin ngunit pinilit ko pa ring maging normal. Ngayon ko lang napagtanto na ang tinutukoy ni Wrelan noon sa kinakailangang pahalagahan palagi ang oras ay ang nangyari kay tatay dalawang taon ang nakakalipas. I learned how to value the time dahil katulad ni tatay at ni Wrelan mawawala rin ang lahat, enjoy and live life to the fullest.

Huwagvmong pansinin ang mga hindrance, mga challenges. Just keep going the more na nahihirapan ka, ay ibig sabihin na ga-grab mo ang mga opportunities na dumadaan saiyo, at the more na lilibangin mo ang sarili mo at i-fo-focus sa mga bagay na alam mong makakatulong saiyo ay gagaan ang lahat.

Malalim na ng gabi, kakatapos ko lang din mag review for our final examination malapit na kasi ang graduation, the pain is over. I am proud of my self na kaya ko nang mag move forward ng wala ang kinakapitan ko. But ofcourse I have my inspirations why I'm still moving because I have nanay, I have my friends and also tatay, the person I know that so proud of me.

Halos lumundag ang puso ko nang narinig ako ang mabilis na katok, pa-hina nang pa-hina ito, aminado akong sa mga oras na ito ay kinakabahan na ako. I walk slowly, kumuha pa ako ng walis tambo dahil mag isa lang ako sa boarding house ko na ito.

"Who 'yan?" I asked, dahan-dahan pa rin akong naglalakad habang ang hawak na walis tambo ay naka pwesto na.

Nang hawakan ko ang door knob ay napasigaw ako at kamuntikan ko nang mahampas ng walis tambo ang babae sa harapan ko, nakaupo na siya sa may pinto.

"Ate. . . ate papasukin niyo po ako," iyak na sabi ng babae.

Kung hindi ako magkakamali ay nasa 15 o 16 palang ito, wala pa siyang suot na tsinelas at para bang hinahabol.

"Sino ka? anong nangyari sa'yo, halika rito." pag aaya ko, kahit hindi ko kilala ang babae ay pinapasok ko ito sa loob.

Umiiyak pa rin ito, sinabihan ko siya na hintayin niya ako dahil kukuha lang ako ng maiinom. Pinaupo ko ang bata sa sofa at nag madali akong pumunta sa kusina.

"What ba nangyari sa'yo? mabuti at hindi ka naabutan ng ulan." sabi ko nang tinapalan ko rin siya ng towel.

"N-nag layas po ako. . ." mahinang sabi ng babae habang hawak hawak ang baso na may lamang tubig.

"Ano? nag layas ka?! alam ba 'yan ng magulang mo?" pag aalala kong tanong, tinignan lang ako ng bata ng para bang naiinis.

"Ate? how old are you?" seryoso nitong tanong, nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Bakit ako biglang tinatanong nito?

"23," mahina kong sagot.

"You're college na po pala," she smiled.

"Y-yes? why you're nagtanong?" I curiously asked.

"You should know na rin po dapat na walang lumalayas na nagpapaalam." ani pa ng bata.

I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum