Chapter 4

62 12 0
                                    

Napabalikwas ako nang maramdamdan kong may kung anong dumaan na hangin sa binti ko, napausog ako sa dulo ng aking kama nang makita si Nicholas na nakaupo sa paahan ko.

"N-Nicholas. . ."

"Call me baby, who's Nicholas?" ngumisi pa ito.

"A-anong ginagawa mo rito? b-bakit ka nasa kwarto ko." nangangatal pa rin ako at hindi parin nawawala ang daga sa dibdib ko.

"Why are you asking that? we're official girlfriend kita and boyfriend mo ako, normal lang na pumasok ako sa kwarto ng nobya ko. . ." halos maubos na ang pasensya nito at nag pipigil lang na huwag magalit.

"E-Eh kasi N-Nicholas. . . h-hindi ka nanligaw saakin, o-oo may crush ako sa'yo p-pero hindi ko sinabing. . . tayo na." hirap na hirap kong sabi.

"Are you breaking up with me?!" sigaw nito.

Mas lalo akong napadikit sa dulo ng kama dahil sa ginawa niya, hibang ba 'tong lalaking 'to? nakakatakot siya!

"Just kidding, aga-aga nagsusungit ang baby ko. . . I prefer the breakfast for us." biglang nabago ang timpla nito at matamis na ngumiti, "Sumunod ka nalang, ha." tumayo nna ito, nginitian ko lang siya at hinayaang lumabas na.

Ang weird! ang weird sobra. Ganito ba talaga rito malaman lang na may gusto sayo ay magiging kayo na? pero sabagay, napaka sweet niya.

Habang nasa lamesa kaming dalawa ay sobrang clingy ni Nicholas kahit pag-inom ko ng kape ko ay siya pa ang
naglalagay ng tasa ko sa bibig ko. Ayoko ng ganito ka sweet! yung gusto ko yung gwapong maginoo na medyo bastos, pero sa tingin ko somobra siya sa bastos.

"May naghahanap sayo, Anya. . ." natigil lang kami sa pag susubuan nang magsalita si ate Brianna na kakagaling lang sa labas.

"Sino raw ho?" parehas kaming na statwa ni Nicholas.

"Hindi ko na naitanong ang pangalan pero gwapo." ngumuso pa si ate Brianna bago dumiretso sakaniyang kwarto.

Nagpaalam ako kay Nicholas na pupuntahan lamang yun at tumango naman ito.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa gate ay napatili na ako at tumakbo nang mabilis sa kinaroroonan ni Neil.

"Wrelan!" sigaw ko na parang bata habang tumatakbo. Mabilis ko itong pinagbuksan ng gate at niyakap.

"Paano mo nalaman na ito ang boarding house ko?" tanong ko sakaniya.

"S-sabi ni ante ay ito lang ang malapit na boarding house sa MSU at nagbakasali ako." paliwanag naman ni Neil.

"Oh, siya pumasok ka muna sakto nag-aalmusal kami." hinila ko ito at nagmadaling pumasok sa loob.

Napatingin saamin si Nicholas na may subo-subo pang pandesal katabi ko ngayon si Neil habang hawak-hawak ko ito sa braso.

"Sino siya?!" sabay na tanong ng dalawa.

Bigla tuloy akong napakamot sa ulo dahil hindi ko alam kung sino ang una komg ipapakilala, hinila kopa si Neil upang mas lumapit sa lamesa.

"Uhm, Nicholas si Neil kababata at bestfriend ko. . ."

Inabot ni Neil ang kamay niya kay Nicholas upang makipag shakehand.

"Wrelan Neil nga pala, bro, Neil nalang currently taking a criminology, marunong na akong magpaputok ng baril at mag headshot. Kababata ako ni Floryn at kilala ko na siya noong nilelabor pa lamang siya ni Aling Amy, magaling din ako sa martial arts at magaling humawak ng mga patalim lunaki kasi ako sa probinsya." sunod- sunod na sabi ni Wrelan kaya napatulala nalang ako sakaniya. Tinignan ko si Nicholas dahil hindi niya pa rin inaabot ang kamay ni Wrelan.

"Nicholas, her boyfriend." doon lang siya nakipag shakehand.

Napalunok si Wrelan nang sunod-sunod pati ako ay nahiya kung paano ipakilala ni Nicholas ang sarili niya, kahit ako'y hindi naging aware. Biglaan, sobrang bilis!

Nilapit ako kaunti ni Wrelan sakaniya at bumulong ito.

"Paano't naging boyfriend mo kaagad ito? no'ng nakaraang araw kalang nakarating dito at kagabi molang siya naging crush. . . paano?" nagtatakang tanong ni Wrelan.

Bumulong din ako sakaniya nang mas mahina pa, "H-hindi ko rin alam, p-pero ayaw mo nun less hassle." ngisi ko.

Biglang nangkunwareng umubo si Nicholas na seryosong nakatingin saamin, pinaupo ko na si Wrelan at nang aakmang tatabi sakaniya ay biglang nagsalita si Nicholas.

"Dito ka, baby." malamig na sabi nito.

"Hindi siya mahilig umupo sa kaliwang bahagi ng mga nakahelerang upuan, pare." ani naman ni Wrelan.

"Wala kang pakeelam, girlfriend ko-"

"Girlfriend mo pero hindi mo kilala? nakakapagtaka 'yon. Baka nga hindi mo pa alam kung kailan ang birthday niyan." ngisi ni Wrelan habang seryosong nakatingin kay Nicholas.

"What's your problem, Men?" hinamps ni Nicholas ang lamesa kaya nagulag ako rito, nakatayo na ako sa tabi ni Wrelan.

"Ang akin lang, let her to sit wherever she want. Huwag mong gawing alaga ang isang babae porket sinasabi mong girlfriend mo ito, No one can claim them, but only them." pinakalma ni Wrelan ang boses niya ngunit tumayo na si Nicholas.

Nanlilisik ang mata nito at mabilis akong hinawakan.

"Halikana, Baby-"

"Don't touch her." napatayo na rin si Wrelan.

"Bakit kaba nangingialam?!"

"Ni hindi ko nga siya hinahayaang maglakad sa tabi ng kalsada habang dumadaan ang mga sasakyan tapos hahawakan mo lang ng ganiyang kahigpit at hihilain? Everything I do is to make sure I don't touch her so she doesn't get hurt and then you just do it like that? Know your place, Dude." galit na sabi ni Wrelan habang hawak-hawak ang braso ni Nicholas.

"Hey hey, enough, tigil, stop na!" pumagitna na ako sa kanila at inunat ko ang magkabilaan kong braso para mapaglayo sila.

"Dito na ako sa gitna uupo, umupo na kayong dalawa." ani ko, hindi parin sila nag papatinag at mainit parin ang tinginan sa isa't isa.

Hinawakan ko si Wrelan at siya nalang ang inutusan ko dahil mas kilala ko ito, "S-sit down na, W-wrelan." pag-uutos ko.

"Pasensya kana sa paninira ng umaga mo, Floryn pero ayoko lang na ginaganiyan ka. Mauuna na ako," nakabusangot na umalis si Wrelan at hindi ko na ito napigilan pa.

"Anong ginawa mo, Nicholas? alam mo kung umasta ka ay parang ginusto ko talagang magkaroon ng tayo." hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasigawan ko na siya.

"Aray ko, bitawan mo nga ako. . " muli niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"You're mine, hindi kita papakawalan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko!" malakas niyang binitawan ang braso ko at halos mamanhid na yun dahil sa kirot.

Gusto ko mang puntahan sina Solaine ngunit malayo ang department nila saamin. Kakailanganin ko pang lumabaas ng gate para lang makapunta sakanila.

Walang pinagbago sa class at halos lahat nang pinag-aaralan namin ay alam ko na, isang benefits talaga kapag lumaki ka sa probinsya.

Wala akong naging ibang kaibigan no'ng nagsimula ako sa shs, hindi ko na rin madalas makita si Neil at pakiramdam ko'y kahit isang linggo na ang nakakalipas ay nagtatampo pa rin ito saakin.

Pilit ko na ring iniiwasan si Nicholas ngunit nagugulat nalang ako dahil bigla-bigla nalang itong susulpot sa kwarto ko, kahit anong oras! gaya no'ng tumatawag sina Nanay nasermonan pa ako dahil bakit daw may lalaki sa kwarto ko, pag labas ko ng cr ay nakikita ko nalang siyang nakaabang sa pintuan.

Pero bakit sa halip na maturn-off o mailang ako ay mas lalo kong nagugustuhan ang lalaki? hindi ko alam, totoo ba ang gayuma? gusto ko siyang layuan, ayaw sakaniya ng puso ko ngunit katawan ko na mismo ang nag-uudyok na mas mapalapit sakaniya.

I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)Where stories live. Discover now