Chapter 6

61 10 1
                                    

Since that day I became muted, naiilalabas ko lang ang pagiging jolly ko with my friends. Normal lang na madalas kaming magkita ni Nicholas sa loob ng bahay pero ni minsan ay hindi ko na siya inintertain pa, I feel so mess when I see him. Hindi ako nagsumbong, wala akong nilabas na kahit ano because of fear I know that he has a lot of connections.

"Tulala ka nanaman, Anya!"

Ginulat lang ako ni ate Brianna no'ng nasa hapagkainan kami, bigla nalang akong napabalik sa diwa at muling pinatunog ang mga daliri.

Palagi nalang akong biglaang umiiyak at kapag inapproach ako ay doon ako hahagulhol.

"Anya, may bisita ka." pagkatok ni ate Lisa sa kwarto ko, ilang araw na akong hindi lumalabaa dito at aminado akong nahuhuli na ako sa klase.

Hindi ko ito pinansin at paulit-ulit na kumakatok si ate Lisa, nakatakip lang saakin ang unan habang hinahayaang tumulo nang tumulo ang luha.

"Floryn, pagbuksan mo. . . please." napadilat ako nang marinig ang boses ni Wrelan.

Mabilis akong tumayo upang buksan ang pinto at tumambad saakin ang pagod na pagod na hitsura ni Wrelan.

"A-akala ko hindi mo na ako kakausapin, h-huwag ka nang magalit saakin, Wrelan." mabilis kong niyakap si Wrelan at humagulhol sa dibdib niya.

"B-bakit hindi kana pumapasok?" agad na tanong saakin ni Wrelan nang makaupo kami saaking kama.

"T-teka lang, ikukuha kita nang maiinom." hindi ko siya sinagot at mabilis na lumabas para kumuha nang maiinom.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kusina ay may narinig na akong babaeng tumitili at para bang kinikilit, nagdahan-dahan ako sa paghakbang at nakita ko na rin ang mga taong ito.

Mga baboy!

Ang bababoy!

My feet was glued at the floor while holding the glass, nanginginig ang kamay ko at walang tigil sa pag-agos ang luha ko habang pinapanood ang dalawang naglalampungan sa harapan ko.

Nicholas and. . . and his girl.

"Oh, nandyan ka pala, Anya. . . kukuha ka ba ng tubig? tumuloy ka nalang, pasensya na kung nakakaabala kami sa daraanan mo." sarkastikong ngiti ni Nicholas habang hawak-hawak sa bewan ang babae.

"Bakit dito pa kasi tayo, Babe." maharot na hinampas ng babae ang dibdib ni Nicholas.

Hindi ako makagalaw kahit gustuhin ko mang umalis na rito, kahit ayoko na silang makita.

Maya-maya ay bumalik lang ako sa katinuan nang nabulabog ako dahil biglang nagsisisigaw ang babae at sari-sari na ang kalabog, nakita ko nalang na sinusunggaban na pala ni Wrelan ng suntok si Nicholas.

"Tangina mo, gago ka! Ang dami mong p'wedeng gagaguhin si Floryn pa." malakas na sigaw ni Wrelan habang tuloy-tuloy sa pagsuntok sa nasa sahig na si Nicholas.

Mabilis akong naglakad papunta sakaniya upang awatin siya, ngunit masyadong malaki at matigas ang katawan ni Wrelan, nakita ko nalang na puro dugo na ang kamao ni Wrelan.

"Tangina mo, kung kukuha kalang ng babae para pagraosan mo, wala kang pinagkaibahan sa mga flirtatious and sleazy hired girl." tumayo si Wrelan na pawis-pawis at nanlilisik ang mata.

Hinawakan niya ako at hinila nang mahina hanggang sa makarating sa kwarto ko.

"B-bakit mo ginawa yun?" kalmado ang boses ko pero halos madurog na ako dahil sa nakita kong ginawa nila ng babae niya kanina.

"Sinong hindi gagawa no'n? matagal ka na bang niloloko ng lalaking 'yon?!" galit parin ito habang kinakausap ako.

Nasa harap lang ako ng saradong pinto at nakayuko, wala akong lakas ng loob harapin si Wrelan at sagutin ang mga tanong niya dahil alam kong manghihina lang ako lalo.

"H-hindi n-niya naman talaga ako m-minahal." tanging salitang lumabas sa bibig ko habang nag papaunahan na ang luha ko.

Nagulat nalang ako nang hinawakan ni Wrelan ang kamay ko at dahan-dahan akong niyakap, tuluyan na akong napahagulhol habang hinahagod niya ang aking buhok naririnig ko na rin ang mahinang paghikbi nito.

"B-bakit gano'n ang recent search mo?" mahinang tanong nito.

Mas lalo lang akong napayapos sakaniya dahil nanumbalik nanaman ang araw na yun, araw na binabaoy niya ako.

"Wrelan." hagulhol ko sakaniya.

Hindi na siya muling nagtanong pa at sinamahan ako maghapon hanggang sa tumigil ako kakaiyak, kitang-kita ko ang pagod at bakas ng luha sa mga mata nito habang natutulog sa sahig na ang tanging sapin ay kumot.

Pinagmamasdan kolang siya habang natutulog, siguro nga'y pagod na pagod na si Wrelan.

Nang magising ay mabilis siyang tumayo at nagsabing bibili nang makakakain ngunit mabilis ko itong napigilan at hinawakan ang braso upang huminto.

"Huwag mo akong iwan dito, ilayo mo na ako rito, Neil." pinipilit kong pigilan ang luha ko.

"Floryn." bulong nito.

"Ayoko na rito, ayoko na rito, ilayo mo na ako, please. Gusto ko nang umuwi kina nanay, doon nalang ako, ayoko na sa impyernong ito." sunod-sunod kong sabi na para bang nagwawala na.

No'ng gabing 'yon ay tinulungan na ako ni Wrelan na ligpitin ang gamit ko, buong lakas kong sinira ang bulaklak na ibinigay ni Nicholas. Ayoko nang lumala pa ito, kaya ako na mismo ang aalis, para sa katahimikan ko.

"K-kaya mo na bang wala siya sa tabi mo? wala na ang boyfriend mo?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Wrelan saakin.

Napakibit balikat ako, hindi ko alam kung kaya ko hindi naman kasi ako si Kai na kayang talikuran ang lalaki, hindi ako si Plea na kayang kalimutan ang lalaki at hindi ako si Sol na kayang hindi piliin ang lalaki, hindi ko alam hindi ako sila, mahina lang ako.

"Gamitin mo ako, Floryn. . ."

Umawang ang bibig ko at nagulat sa sinabi niya

"Wrelan-"

"Oo, Floryn, payag ako, payag akong gamitin mo ako, pa selosen siya na ipamukha sakaniya na malaki ang nawala sakaniya. Gamitin mo ako para makalimutan mo ang lalaking 'yon." biglang bumiak ang boses ni Wrelan at seryosong tumingin saakin.

"B-bakit mo ginagawa ito?"

"K-kasi, k-kaibigan mo ako, kaibigan mo ako diba?" ngumiti ito ng mapait.

Mabilis ko siyang niyakap, "Salamat, Neil, salamat kasi kahit ilang beses kitang itulak at ipagpalit sa walang kwentang lalaki ay hindi mo parin ako iniwan." ani ko rito.


I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat