Chapter 15

22 2 0
                                    

Nakikita ko na ang matamis na ngiti ni Nanay pero bakas naman sa mata niya ang mapait at masakit na kahit kailan ay may tutulong luha mula sa kaniyang mga mata.

Bukas na ng libing ni tatay at hindi ko na alam ang susunod na mangyayari sa akin, pero isa lang ang alam ko ngayon. . . ako na ang bahala kay nanay.

Nandito na rin si Wrelan ngunit naging ilag din ako sa kaniya, ayokong samantalahin ang pagkakataong ito upang magalit pa sakaniya. Alam ko naman ang sadya niya rito, para kay tatay. . . may pinagsamahan din sila ji tatay.

Nasa labas lang ako ng bahay, kung saan kami madalas na tumatambay ni Wrelan noon, ang lanig ng hangin at sakit lang ang nararamdaman ko. Pananabik sa biro, yakap at pagmamahal ng isang ama.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko, hindi ko kaya ang ganito.

"Tatay, gisingin niyo na po ako sa panaginip ko. . ." I cried, "H-hindi naman ito totoo." bulong ko sa sarili ko, nagmistulang may astigmatism na ako sa sobrang labo ng paningib ko.

Bigla akong bumalik sa wisyo nang may marinig akong pamilyar na boses. Mabilis kong pinunasan ang luha ko ngunit hindi lumingon, tinibayan ko pa ng husto ang aking dibdib na kahit alam ko sa sarili kong bibigay na.

"Floryn. . ." tawag ng isang lalaki

"B-bakit ka nandito." mahina kong sabi.

"Malamig na. . ." sabi ni Wrelan.

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo," nandidilim ang aking paningin, nangingibabaw nanaman ang galit at sakit. Bakit pa kasi pumunta rito ang lalaking 'yan!

"Hindi ko balak guluhin ka—"

"But you did, Wrelan!" I cut him off, "You ruined me, sinira ginulo mo ako." sigaw ko rito nang tuluyan na akong humarap sakaniya, mahigit dalawang dipa ang layo namin sa isat isa.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" he nervously asked.

"You're so immature, anong akala mo? nag away lang tayo dahil sa isang laruan? anong akala mo? naitulak molang ako, nadapa at nasugatan para sabihin 'yan?" tuluyan na akong nanghina, tumangis at hindi na makapag salita. Halos mapaos na rin ako, "Sana nga ganun nalang ang ginawa mo." bulong ko

"Floryn—"

"Alis," mahina kong sabi.

"G-gusto ko lang malaman mo na hindi mo kailang solohin o dalhin mag isa ang mga nagpapahirap sa'yo ngayon, g-gusto ko lang malaman mo na kahit anong nangyari nandito lang ako." naluluha nitong sabi.

"How could you say that you will help me when I am in trouble, if you are the reason why I am suffering. H-how did you say you're always here by my side? if you left me when I needed you." napaluhod nalang ako, nakita kong aakma itong lumapit sa akin ngunit itinaas ko ang kamay ko senyales na huwag siyang umalis sa pwesto niya.

Hindi kita iniwan, Floryn. . . nawala lang ako sa tabi mo pero hinding hindi kita iniwan—"

"Tama na,  Neil. . . tama na!" mahina kong sabi, "Sobrang sakit na ng nararamdaman ko mula sa pagkawala ni tatay. . . kaya please, Neil. Huwag mo na akong ibaon pa ng husto, umalis ka nalang. . . hindi kita kailangan, as long as I have my self, I can." dahan dahan akong tumayo,

Alam ko ang posibleng mangyari noong sinabi ko 'yon, na baka hindi na nga muling mag krus ang landas namin. Mas maigi nang masaktan ako ng wala siya, kaysa araw araw ko siyang nakikita at nanunumbalik lang ang lahat.

Mag damag akong gising, nakatingin lang kay tatay. Sa gwapo kong tatay, sa masipag, palabiro at walang kapantay na lalaki sa buong mundo dahil alam kong kaunting oras nalang ang bibilangin ay tuluyan na siyang mawawala sa paningin ko.

I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)Where stories live. Discover now